~ nagalit ang buwan sa haba ng gabi.

|


bilog ang buwan kagabi.
sa ilalim nito ay beer, bote, yelo at basang mesa
sa paligid nito ay maraming linga.
ay mali...
sa paligid nito ay
ako
si siopao
si darc
si jepoy
si london boy.

masaya.
maraming kuwento.
maraming tawa.
maraming natutunan.


salamat.



Photo Source here.

~ sa muli

|


nagmamadaling umuwi pagkatapos ng klase.
high school ako nun ng ika'y aking makilala.
hindi ko inakalang ganun ako kabilis nahulog sa'yo.

sa isang batang katulad kong walang gaanong kaibigan
ikaw ang nagpasaya, nagpa-iyak at nagpahalakhak sa akin.
ang taas ng tingin ko sa'yo, andami mong kaibigan lahat magaling mag-ingles,

ikaw ata ang nagturo sa akin kung paano magsalita ng ingles-- ng tama at may yabang.
ginagaya kita lagi, pati mga suot niyo gusto ko.
lagi kang may bagong kwento.

sinamahan mo ko ng mahabang panahon.
binigyan mo ng kanta ang bawat lungkot at saya ng buhay ko.
pinaramdam mo sa akin na naiintindihan mo ako.

naisipan ko din dating sumulat sa'yo.
humingi ng favor na kantahin mo ang "favorite song" ko.
hindi mo ko binigo, nilagay mo pa sa kuwarto mo ang sulat ko.
kinilig ako, kinuwento ko sa lahat ng ka-klase ko.

ng nabalitaan kong wala ka na.
sobra pa sa lungkot ang naramdaman ko.
naging parte ka ng high school life ko... ng kabataan ko.

ng pinatugtog mo na ang kantang "video killed the radio star"
para akong nawalan ng kaibigan. nawalan ng kasama.
matagal man tayong hindi nagkita pagka-graduate ko ng college.
hindi ka nawala sa ala-ala ko.

ma mi-miss kita.
hanggang sa muli.

paalam
MTV.


Photo Source here.

~ sana maulit muli

|
A part of you has grown in me. And so you see, it's you and me together forever and never apart, maybe in distance, but never in heart.


THURSDAY (March 29, 2007)

umalis ako ng bahay papuntang MIA bandang 6:30 ng hapon, ang sabi darating daw siya mga 8:45 ng gabi... ma trapik, so kailangan kong umalis ng maaga. dumating ako 8:10 na ng gabi...

F*CK... delayed ang flight niya, 9:10 ATA pa... wala na akong magawa kailangan kong maghintay... nag yosi, kumain, nag yosi.... paulit-ulit.

halong kaba, excitement, inip at inis ang naramdaman ko nung time na yun... hindi ko alam kung bakit parang mabagal ang takbo ng oras ng panahong yun.

9:30 na ng sa wakas lumabas na siya ng airport.hindi ko siya agad nakilala, ang laki ng pinagbago ng itsura nya...

binati ko siya, nagulat siya nang bigla ko siyang niyakap at hinalikan... una yun, hindi ko kasi ginagawa sa kanya dati. natawa na lang siya.

hindi ko ma explain ang feeling... nahihiya ako sa kanya, yung feeling na dahil matagal kayong hindi nagkita - nahihiya ka. pero parang gustong tumalon ng puso ko na andito na rin siya sa wakas.

dumating kami sa bahay, nag dinner, nagkwentuhan hanggang umaga... saya. sana hindi na matapos ang mga ganitong okasyon ng buhay ko... sana.

FRIDAY (March 30, 2007)

buong araw nasa bahay lang kami, nagligpit ng gamit nya... nag ayos ng bahay, nanood ng dvd.

bandang hapon na kami lumabas para manuod ng sine at gumala. ang tagal ko ring hinintay ang araw na makakasama ko siya. sa wakas. haay!


********

Galing ito sa luma kong blog, kinuwento ko kung paano ako lubos na natuwa ng dumating si Siopao galing Bacolod at sa wakas titira na kami sa iisang bahay. Antagal din naming tiniis ang malayo sa isa't isa. Halos 2 taon din yun. After ng graduation niya, nag decide siyang sumunod ng Manila para kami magkasama. Isa yun sa pinaka-masayang araw ng buhay ko.

Pero ilang araw mula ngayon, 3 taon mula ng naisulat ang post na yan, muli kong iiwan si Siopao. Ang mas malala, higit pa sa 2 taon kaming magkakahiwalay.

Sana lang darating ulit ang pagkakataon na ma-isulat ko ulit sa blog na 'to ang kung ano man ang nai-kwento ko sa taas. Parehong eksena. Walang pinag-kaiba.

Sana.



Photo Source here.

~ suggestion lang naman

|
I support the death penalty. But I also think there has to be no margin for error.
--- George Ryan

Nung weekend, napag-usapan namin ng mga friends ko habang nagka-kape, kung ano ang pwedeng pampalit sa death penalty. Andaming naging suggestions, nung ako na ang tinanong, ito ang sinagot ko:

- Lagyan ng lemon grass (tanglad) o biniyak na kawayan na hindi nalinis ang kili-kili ng salarin. Hatakin ng biglaan. Dapat walang makitang reaksyon sa mukha. Kung meron, uulitin ang proseso. Kapag nagsimula ng mamula ang kili-kili sa hapdi, padilaan sa aso para magka rabies.

- Gumawa ng maliit na kwarto na gawa sa yero. Mas maraming kalawang mas okey. Ipasok ang salarin sa loob. Mag pakawala ng isang libong pusa sa labas ng kwarto at utusang kis-kisin ang yero. Huwag tumigil hangga't hindi dumudugo ang tenga ng salarin.

- Patayuin sa harap ng blackboard ang mga salarin. Gamit ang mga kuko ng titser, kaskasin ang blackboard. Bawal magpakita ng pagka-ngilo ang salarin. Kung hindi, ngunguyain niya ang mga chalk na nasa mesa at susulat sa blackboard ng "I WILL NOT (state the crime) ANYOMORE!" ng 100x gamit ang bibig.

- Ilagay sa isang drum ang salarin, at punuin ito ng langgam. Itali ang kamay para hindi ito maka pag-kamot. Bawal sumigaw ang salarin. Pag ginawa ito, hipan ng alikabok ang mga mata nito para mapuwing. Bawal pumikit sa ganitong sitwasyon.

- Pa-suotin ng headset ang salarin. i-play ng paulit-ulit ang sagot ni Janina San Miguel sa Binibining Pilipinas habang tinu-tuka ng limandaang manok ang binti at binubunot ang buhok sa hita.


*** Ang susunod na suggestion ay hindi angkop sa mga batang mambabasa, at sa nagkukunwaring busilak ang isipan. Patnubay ng magulang ang kailangan.***


- Para sa gusto ng medyo mahalay na parusa, talian ang "betlog" ng salarin at ibitin ito ng patiwarik. Pag straight ang salarin, habang nakabitin maglagay ng 4 na babaeng walang damit at sasayaw sa harapan niya. Pag nakitang tinigasan ito, hampasin ang "betlog" ng walis ting-ting. Kung hindi ito tinigasan, tuksuhin itong bading.
(Palitan ng gwapong hunk ang mga sumasayaw pag bading ang salarin, kung hindi ito tinigasan, malamang nilabasan na!)

Ikaw? Ano suggestion mo?



Photo Source here.

~ mas corny pa sa mais

|
A light wind swept over the corn, and all nature laughed in the sunshine. --- Anne Bront
Kahapon. Tulog si siopao (as usual). "The Buzz" ang nasa T.V. Nangangamoy inihaw na mais. Mabango. Hindi ako nakatiis bumaba ako. Bumili ng 2. Mainit. Mabango. Mukhang masarap, kagaya ng nagbebenta. Masarap. Pero ang mukha, mais. Hahaha!

"Gusto mo ng mais?"

Hindi pa fully gising si siopao, pero tumatango na. Iniabot ang kalahati. Umupo sa kama at kinain. Kinuha ko ang iba sa sala. Umupo sa tabi niya.

"Masarap ba? Mabuti nga hindi matigas at matamis."

Deadma.

"Wala bang 'thank you' diyan?"

Deadma.

"Gusto mo pa?"

Deadma.

Walk out sabay sara ng pinto. Malakas. Drama.

At dahil hindi siya sumunod,at feeling ko walang balak sundan ako. Wa epek ang walk-out. Parang bumili lang ako ng ice candy pero hindi naman matigas. Walang kwenta. Fail. Sa EDSA 2 lang ata effective ang walk out. (Happy EDSA People Power 1 Anniversary pala sa lahat!)

Bumalik ako ng kwarto. Ngata pa din siya ng ngata na parang daga. Eto ang bago, hindi pa din niya ako pinapansin.

"Hello, ako ang bumili niyan? Sana alam mo sa mundo mo na nag i-exist ako."

"Halika nga dito?"

"Wow, nagka boses ka na! Bat di mo ko pinapansin kanina"

"OA mo, may walk out ka pa diyan nalalaman"

"Hindi mo ko pinapansin e!"

"Eh,masarap yung mais"

"Pansin ko nga!"

"@#%&zs %^^!~*(_$%#" yan ang sumunod na sinabi, hindi ko naintindihan dahil puno ang bibig ng mais. Ngata pa din ng ngata.

Sumenyas na lang na ma-higa ako sa tabi niya habang kumakain ng mais. At binalot ng katahimikan ang bahay. Naging maingay ang bawat nguya. Naniningkit na naman ang mata niya sa tuwa.

Na-realize ko. (yes, may realization!)
Mais ang bago kong karibal. Simula sa araw na 'to ban ang mais sa bahay.
Goodbye.


Photo Source

~ kwentong emergency

|
“A love-sick heart dies when the heart is whole, For all the heart's health is to be sick with love”
Schedule ni siopao today para magpa colonoscopy (for definition please ask Google). Three days na siyang wala gaanong solids, puro clear soup, water, at bawal ang fruits, grape juice at something na mapula in preparation for the test.

Around 10 in the morning, ready na kami to go to Makati Med (MMC), 11am ang schedule niya kaya dapat maaga, bawal uminom ng water at kumain. In other words, gutom kami peraho ng pumunta ng ospital.

Sedated siya at mga 2 hours nagtagal ang procedure. Buti na lang may Showtime na palabas sa T.V., hindi ko naramdamang puro may sakit ang naghihintay dun. Labas-pasok ang mga tao. Lahat may kanya-kanyang daing.

Maya-maya lumabas na si siopao, hawak-hawak ang tiyan. Masakit daw at bloated ang feeling. Bumaba kami to submit some forms. Habang nag hihintay sa queue, sabi niya sumasakit daw ang tiyan ya ng sobra. Inisip ko, since last night pa ang last na kain niya, baka gutom lang.

So naisipan kong kakain muna kami bago umuwi.

Palabas na kami ng MMC, literally nasa ilalim kami ng name na "MAKATI MEDICAL CENTER" sa may entrance ng bigla na lang nawalan ng malay si siopao, bigla na lang bumagsak. Parang "Pieta" ang eksena namin sa labas ng MMC. Nag sigawan ang mga tao to ask for help.

Si Kuya Guard, may-i-senyas lang na paupuin ko daw sa wheelchair.

"Hello, hindi ho siya magaan. Try mo kaya akong tulungan kuya!"

Putlang-putla si Siopao, parang siopao sa puti, kulang na lang pula sa noo. Asado na. Diretso sa Emergency si Siopao sakay ng wheelchair, habang ako sa likod tumatakbo. Parang teleserye ang eksena, ang mga tao nagtinginan.

Marami ang nagulat.

"Parang gulat na gulat naman ang mga toh? Ospital po to, malamang maraming naka wheelchair at kadalasan maraming walang malay" sa isip ko.

Pagdating sa Emergency, taranta ang mga pogi, este ang mga nurse at doktor. Lahat nagtatanong sa akin ng sabay-sabay, nagtatanong ng paulit-ulit.

"Nagpatawag ba ako ng presscon? Bat ang daming interview?" isip ko.

Siguro mga 4 na beses akong nag oration. Kulang na lang judges at stage, i-dedeclare na akong panalo. Kwento mula simula hanggang sa kung paano kami napadpad sa Emergency.

Habang hawak hawak ko ang tsinelas ni siopao, kinakausap ko ang mga doktor, ang health card representative at ang mga nagtuturok sa kanya ng kung anu-ano. Na feel kong asawa ako ng pasyente.

"Doc, iligtas niyo po ang asawa ko. Maawa na po kayo!" sabay patak ng 2 drops ng luha sa right cheek.
(Walang ganung nangyari, baka pag nagkataon baka dumating ng wala sa oras ang mga taga National Center for Mental Health).

Maya-maya bumalik na ang kulay ni siopao. Namula na ulit ang ma-putlang bibig kanina. Nagkamalay na din sa wakas at nag litanya ng...

"Nagugutom ako!"

At that point, alam kong okey na si siopao. Naiisip na naman ang pagkain.

Kinailangan siyang i-dextrose at i-Xray para malaman kung may complication ang kaka-sagawa lang na colonoscopy.

Habang hinihintay ko si siopao lumabas ng x-ray room. Naisip ko, ganun pala talaga sa Emergency Section. Iba ang adrenaline rush. Iba ang fulfillment na mararamdaman mo kung nakatulong ka. Walang room para sa antok sa mga nurse at doktor. Bawat dating ng mga tao, kailangan handa ka. Oras ang kalaban nila at buhay ang hinahabol.

Maya-maya bumalik na si siopao, sabi ng doktor, wala namang complication sa stomach area at sa intestines. Kulang lang daw sa Potassium.

Everybody now. "Huwaaahhht?!"

Saging lang ang sagot? Kailangan lang kumain ng maraming saging?

"Pina-pakain ko naman siya ng saging lagi ah?" sa isip ko.

Ay mali. Totoong saging pala ang ibig sabihin ni Doc. Fine.



**********
Okey na si Siopao, naka-uwi na din kami ng bahay. Nagsisimula nang mang-asar. Alam kong okey na talaga siya.

Photo Source here.

~ mabilisan

|
You cannot escape the responsibility of tomorrow by evading it today.
--- Abraham Lincoln

gumising ng maaga. naligo. ang init ng tubig. pwedeng magluto ng itlog. nagsipilyo. nag clay. nagcheck ng e-mail. nagbihis. konting pili ng susuotin. kahit ano lang naman. ginising si siopao para mag goodbye kiss. nakapikit pa din ang mata niya. habang yakap ko siya na realize ko pumapayat. effective ang 2 patatas at 2 puting itlog araw-araw. saturday at sunday lang ang kanin. bumaba ng apartment at nag-abang ng jeep. mas mabilis ang jeep pag umaga. 15minutes lang nasa ayala ka na. 30 minutes early nasa office na ko. nag facebook at nag twitter habang nag-titimpla ng kape. nakipag-kwentuhan saglit sa mga badette. habang iniinom ang kape. purong kape. lactose intolerant. nagsimula ng mag check ng email. nagbukas ulit ng facebook. nag-bukas ng mga nakaugaliang blog. nag check ng inquirer habang kumakain ng kariman-pizza flavor. may bago pala silang flavor - sisig. sana gumawa na lang sila ng kariman-beer flavor para tagay-tagay na. nahiya pa sila. lagok ng tubig habang ang kabilang cubicle ay naglalaro ng bingo. 2 ang nanalo. as usual ang cards ko pinalaro ko sa iba. kulang na nga lang clown at saklaan, perya na ang office. given na ang mga clown at ang mga raging diva-marami na niyan sa opisina. tinahak ang ayala sa ilalaim ng araw para maka kain sa fine dining McDonalds malapit sa PBCom. Kaka-piranggot magbigay ng catsup. nanghingi ako ulit. nainis. pagkatapos mag lunch, sa elevator may badette na nakatingin sa akin. naka shades ako kaya na-oobserbahan ko siya. taga 7th floor. muntik ng lumampas. ayan tuloy. nakipagbolahan sa receptionist habang sinisipat ang mga pumapasok na empleyado. nag-tungo sa c.r. para mag toothbrush. andun si tolits. distracted talaga ako sa bukol niya. bakit kasi ganun. nagtatanong ng kung anu-ano. jusko sa c.r pa. sumasagot ako ng hindi nakatingin sa kanya. bad trip walang tissue. bumalik sa cubicle. nagtrabaho. kunwari.hindi ko namalayan uwian na pala. lalo na pag busy-busyhan ka. naglakad papuntang glorietta. bumili ng pagkain. sumakay ng bus. 48 years kung umalis. pati yata lamang dagat gustong isakay. nagbigay ng pamasahi. hiningan ng piso. wala sabi ko. nakakunot ang nuo ng konduktor. paki-alam ko. problema ko pa ngayon ang sukli ko. tae mo. bumaba ng bus. sumakay ng jeep. kahit hindi na kasya. pilit parin nagsasakay ng pasahero. bwisit. dapat kasama sa nakapaskil sa jeep ang kung paano mag-dyeta. ako lang ang payat sa jeep. ako pa ang hindi nakaka-upo ng maayos. dumating sa bahay ng pawis. daig ko pa ang nangolekta ng pawis sa gym. summer na talaga. binuksan ang tv. american idol na. nagluto ng corned beef. napaso. kumain na parang construction worker. dumighay. nakipag chat kay siopao. nagtatanong ng mga low-fiber foods. naguluhan. napagod. pumasok sa kwarto. nagbasa ng libro. nakatulog. nagising. nag-blog. hindi magawang ayusin ang post niya. dikit-dikit. sana ayos lang kayo sa pagbasa. salamat. bilis noh?


Photo Source here.

~ kape ba gusto mo?

|

Mahaba ang pila sa Starbucks. Matagal umusad ang pila.

Mga tatlong tao na lang siguro ang pagitan ko sa counter, may sumingit na babae.

Mapula ang pisngi na parang kagagaling lang sa boxing.
Mapula. Daig pa ang sore-eyes sa pula.
Maraming abubot sa katawan, akala niya siguro gumanda siya sa mga stainless at latang nakakabit sa leeg niya. Nagmukha lang siyang junk shop.
Maiksi ang suot na palda. Konting tuwad lang, mag he-Hello Philippines, Hello world na!

Narinig kong nagreklamo sa sarili ang babaeng nasa likod ko. Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang ang babae na sumingit. Mas may maganda akong balak. Matutuwa ka, relax ka lang Ateng nasa likod ko.

After niyang maka-order. Sabay kaming naghintay tawagin ang aming pangalan sa dulo malapit sa kuhanan ng tissue paper at stirrer.

"Miss, do you know what GMRC is?"

Blangko ang mukha ni ate, parang drawing book ng mga bata sa Kindergarten.

"Oh, that explains why."

Wala pa ring imik si ate. Alam niya kung saan papunta ang usapan. Biglang nag salita, this time defensive.

"What are you trying to say, na wala akong breeding?"

"Sa'yo nanggaling yan hindi sa akin... Mabuti pa nga ang aso meron, ikaw wala!" malumanay ko siyang sinagot habang nakangiti.

Nagsisimula na kaming pagtinginan ng mga tao. Pati ang mga barista nagka-interes, kulang na lang pom-poms, may cheering squad na 'kami.

"How dare you!" pasigaw niyang hinarap ako at dinuro.

"Yeah, dare me... mag-ingat ka, most people here inside saw what you did... Now, kung sa tingin mo mahal mo ang buhay mo at ang mga basurang nakakabit sa katawan mo, get out of this place bago ka kuyugin ng mga taong inagawan mo ng pila." pabulong kong sinabi kay ate, pero enough para marinig ng mga taong malapit sa amin.

Saktong nilagay ng barista ang inorder niyang frap. Kinuha ko at inabot sa kanya.

"Ayan dalhin mo yan, ibinaba mo ang pagkatao mo para sa kape na yan. Itabi mo sa pagtulog para worth it."

Nag-walk out si Ate. Nagtaka ang iba sa binulong ko. Natuwa si Ate na nasa likod.
Tse.


~ pareho

|

Pareho ang kulay, brand at hugis ng toothbrush namin ni Siopao. Hindi yun sadya at hindi namin namalayan hangga't nagtabi na ang mga ito sa lalagyan.

Kaninang umaga, habang nag hahanda papuntang 'pisina (opisina, para sa first timers).

Kinuha ang toothbrush.
Naglagay ng toothpaste (hindi ko alam ang tagalog ng toothpaste, sa nakaka-alam... buti ka pa). Nagsimula ng ritwal.

"Shit!"

Na realize ko na parang hindi akin ang toothbrush.
Hinugasan ang bumubulang toothbrush.
Kinuha ang isa.
Nilagyan ng toothpaste (hanggang ngayon di ko pa din alam ang tagalog nito. Pacensiya).

Ng akmang isubo.
Narealize na tama ang toothbrush na ginamit ko nung una.

"Shit!"

Bad trip.
Hinugasan ang toothbrush.
Binalik.
Kinuha ulit ang na-unang ginamit.
This time, sure ako... akin na talaga 'to.
Nilagyan ng toothpaste. (ano nga ba ang tagalog ng toothpaste? Kulit)

Habang nagsisipilyo naisip ko.
Buti sa toothbrush lang ako nagkamali.

Paano kung lovelife ko yun.
Kinuha ko ang una.
Inakala kong mali.
Binitawan ko.
Kinuha ko ang isa sa pag-aakalang yun ang tama.
Hindi pa man nagsisimula, narealize ko tama pala ang una.
Mali ang pangalawa.

Pag ganun.
Parang toothbrush din ba, na pwedeng ibalik ulit at kunin ang una?
Ang una na minsan ay inakala kong mali?

Buti na lang talaga sa toothbrush lang ni Siopao ako nagkamali, hindi sa kanya.
Buti na lang.

Di baleng hindi ko alam ang tagalog ng "toothpaste."
Di bale na.


Phot Source here.

~ "ligo na u, lapit na me"

|

Napa sa kamay ko ang librong ito, ng isang araw na wala akong magawa. Bumalik ako sa dating tambayan, ang Powerbooks sa Greenbelt. At dahil walang bagong librong labas si Jessica Zafra after ng Twisted 8 1/2 niya... nabaling ang atensyon ko sa cover ng librong ito. Sino ba naman hindi magugulat sa cover na ang isang magandang "chick" i-pinapatungan ng paa ng lalaking kulang na lang taho, mapagkakamalan mo ng vendor sa Ayala.

Sumunod na ginawa binasa ang likod ng libro.

Kina-ilangan ko pang basahin ulit ang nakasulat, kasi sa unang basa parang puro salitang "tanong" lang ang nabasa ko. Pagkatapos ulitin...

"Aba may promise!"

Sinimulan kong basahin ang unang chapter. Simula nun, nawala ako bigla sa Powerbooks. Unti-unting nagka pader sa paligid ko. Nag-dive na ako sa libro.

Dahil sa hindi ko na siya kayang bitawan. Inuwi ko na. Buong shift ko sa office, walang narinig ang mga officemates ko galing sa cubicle ko, daig ko pa ang pipi sa pagiging tahimik.

Nakaka-aliw ang bawat pahina ng libro, parang kaharap ko lang at nagkukwento.

Tuklasin ang pag-ibig ni Karl Vladimir Lennon J. Villalobos o Intoy, at kung paano siya gumawa ng lugaw sa madaling araw. Kung paano sila naglalaro ni Jane. Kung gaano ka importante sa kanya ang Dark Chocolate. Ano ang regalong binigay sa kanya ng taxi driver. Sino ang kung ituring na Citizen Dildo at bakit mukha niya lang ang magagalit, balahibo lang ang tatayo at panga lang ang titigas pag kaharap niya si Venus.


Photo Source here.

~ ang araw na pula

|

"Why are you home? Valentines ngayon ah..."

"Home is where the heart is!"

"Ikaw na!"

Nagsimula ang araw sa pang-aalaska ni Jee sa facebook. Kesyo may problema kaya dinadaan na lang sa tawa. Nauwi ang kulitan sa pag-imbita mag-kape. I declined. Alam kong hindi kape ang gusto niyang higupin. Huwag ng paasahin. Bigyan agad ng verdict ng makapag-hanap na din siya ng ibang bibiktimahin. Nakatulong pa ko sa kanya.

Pero naisip ko, bakit gna ba ako andito sa bahay? E kung ang mga walang ka date nga nasa labas bumibili ng rosas para sa sarili, bat andito ako sa harap ng computer?

Tulog si Siopao, 1pm na, parang walang balak lumabas ah. Hindi ko pinansin. Kunwari galit-galitan. Pagkagising nag-aya kumain sa MOA. Jackpot. Kilala niya na talaga ako.

Tinext ko si Kuya Mac.

"Magkita tayo sa MOA, 2pm. Oo lang ang pwede mong i-reply."

Pagdating sa MOA, as usual gustong kumain ng sashimi si Siopao. Nglilihi ata. Ilang linggo ng yan ang kina-hihiligang kainin. Sana lalaki. lol

Maya-maya nag text na si Kuya. Nakarating na sila kasama si Bee, partner niya. Tapos na kami kumain. Lumabas. Sinalubong ng madaming tao, akala ko may Nazarenong pumaparada. Mainit, puno ng mga "dugyot" at mga taong atat lustayin ang pera. May mga babaeng pinagmukhang clown ng mga boypren nila dahil sa dala-dalang lobo, mga lalaking may bitbit na bulaklak dahil "shy" si gf mag bitbit. Dahil-binili -mo-yan-bitbitin-mo-yan ang drama. May mga batang paslit na nawawala, habang ang nanay nasa dulo kausap ang kumare na kung makatawa ay parang nagma-mahjong. Parang may-ari ng mall kung makatawa.

Naispan naming 4 na manuod ng sine, papunta pa lang kami sa bilihan ng ticket abot na hanggang sa may ATM booth ang pila.

"Baka porn ang palabas?"

Nag decide kaming mag IMAX na lang. 8pm pa ang palabas. Hindi kami aabot sa fireworks display. Nag decide na pumila na lang ulit sa taas. Ayaw sumamas a pila ni kuya at si Siopao naiinitan na. Kami ni Bee ang pumila. At dahil hindi kami makuntento sa pila na parang kukuha ng mga relief goods, nagtanong kami sa ErminGUARD kung saan may maiksing pila. Kahit 30% less ng pila sa ticket booth.

Dahil may pagka mataray at astang mayaman ang pagka-tanong ko, with matching English 101. Tinuro sa akin ni kuya ang mesa sa entrance ng isa sa mga cinema, may Ate na puno ng blush on na pa-sekretong nagbebenta ng ticket. Solve! Hindi kami pinagpawisan. Natuwa ang aming mga bf dahil parang laki sa kalsada ang mga jowa nila kung dumiskarte.

Nag Timezone ng mga 1 oras. Pagkatapos, nagsimula na kaming pumila. Mahaba pa rin ang pila. This time parang pila na sa pagtaya ng Lotto. Nung nagsimula ng magsipasukan ang mga tao. May matabang babaeng halos pumutok na ang damit sa sikip, na pilit sumisiksik at nang-aagaw ng pila kasama ang mga kaibigan niyang na kulangan sa Glutathione. Hindi pantay ang puti. Pinanindigan na namin ang pagiging laking kalye, inunahan namin ang mga salarin at inireklamo sa lahat ng tao ang ginawang pagsingit ng babae. Inisip talaga namin na dahil sa ginawa namin ay kuyugin siya ng taong-bayan. Hindi pa man nagisisimula ang sine, may action scene na. Saya!

Sa loob ng sinehan, kanya-kanyang pwesto. Kanya-kanyang hawak ng kamay.

(Dito na papasok ang kilig part ng estorya... kayo na bahala mag imagine. Baka magsara ang Greenwich sa sobrang cheesy pag i-dinetalye ko pa)

Pagkatapos ng movie, naisipan naming maghanap ng pwesto para sa fireworks display. At dahil, muntik ng maging milyon ang tao sa dami, wala kaming nakuhang Reservation. Naisipan naming pumunta sa kotse sa parking, baka kita ang paputok. Nadatnan namin ang mga tao sa gilid ng parking lot na nakaupo sa kalsada, parang mga biktima ng Ondoy sa evacuation center, naghihitay ng mga kumot, banig at kulambo.

Nag-insist si Bee na lumapit pa talaga dun sa location ng fireworks para mas maganda ang pwesto, kaso ayaw magpapasok ang mga ErmenGUARD. Umandar na naman ang pagiging laki sa kalye at dumiskarte kaming pumasok at ang tanging nagawa ni ErmenGUARD ay ibuhos ang galit sa nagpapasikip ng daanan.

Maganda ang pwesto. Umupo sa gutter. Naghintay ng paputok. Nagkwentuhan. Nagtawanan. Ng magsimula na ang fireworks exhibition, tulala kaming apat. Bumalik sa pagka-bata, at habang si Siopao at si Kuya Mac kumukuha ng video ng paputok (kung bakit? hindi ko alam), kami naman ni Bee ay kanya-kanyang yakap sa kanilang 2.

"Uy, cheesy... nag level up na sila kuya!" hirit ng mga batang babae at lalaki sa likod namin.

First time nila siguro makakita ng taong nagmamahalan. Sanay sila siguro sa bulyawan, sigawan at basagan ng trip sa bahay nila. Malibans sa paputok, na amaze din sila sa amin. Next time, mag papa-ticket na talaga ako. Kikita pa kami.

After ng fireworks, diretso Powerbooks. After bumili ng libro. Naisipan naming sunduin si Bestfriend Macky para mag dinner. Traffic mula SMX hanggang Makati. Sabi nga ni Kuya Mac, parang nag drive lang papuntang Bulacan sa tagal. Si Siopao at si Bee nakatulog, habang kaming mag kuya ny nagdadaldalan tungkol sa mga palabas sa T.V., sa Youtube, sa blog ng ibang tao at sa kaibigan niyang nagka HIV lately, na naalala namin naka s*x ni Bestfriend Macky last year.

Halos maligaw-ligaw kami sa tapat ng Cash&Carry kung nasaan na ang hinayupak na bagong apartment ni Bestffriend. Pagsakay ni Bestfriend, binalita namin sa kanya ang nangyari sa minsan niyang naka-s*x na friend ni kuya. Nakita ko talaga ang pamumutla niya at biglang tumahimik. Tapos, inulan kami ng tanong tungkol sa kung kelan, paano, at kung ano ang possibilities na nahawaan siya.

Bigla niyang naalala nagkaroon ng executive check-up sa office nila nung December lang, tinawagan niya agad ang office para i-confirm kung anong inclusion ng check up na yun. Primarily, para malaman kung kasama na dun ang HIV test. Nagdi-dinner na kami ng napasigaw sa tuwa ang mokong. Hindi siya kasali sa "Thank you girls!" Biglang gustong magpa-inom. Nagpasalamat at makakatulog na din daw siya ng mahimbing.

Umaga na ng nagdecide kaming lahat na umuwi. Si Bee hindi na nagsasalita dahil sa antok, habang si kuya buhay pa ang diwa. Si Siopao, as usual, wala ding imik, hindi dahil pagod, kundi normal na sa kanya ang hindi masalita. LOL

Matutulog na kami ng naisip namin na isa pa lang ang na celebrate namin sa raw na yun. Tapos na ang Valentines, at dahil sa intsik ang lahi ni Siopao, ang Kung Hei Fat Choi ay hindi pa namin nai-celebrate.

Dinaan namin sa paputok ang pag celebrate ng Chinese New Year. Hindi lamang sumayaw ang Dragon, nagbuga pa ito ng apoy! This time, hindi lang "Home is where the heart is" kundi...

Home is where HEAVEN is!


Photo Source here

~ kakaibang blog sa valentines

|
Write to be understood, speak to be heard, read to grow... ---- Lawrence Clark Powell

Normally sa gabi ako nag susulat ng blog, at dahil sa umaga may pasok ako,"blog hopping" ang pwede kong gawin sa opisina. Masahol pa sa kape ang pagbabasa ng blog. Nakakawala ng antok, nakaka tanggal boredom at nakaka wala ng stress, yun nga lang mapagkakamalan kang baliw ng ka officemate mo dahil pwedeng matawa ka o ma-iyak sa mga post.

Sa office, halos kalat na ang mga blog links dahil sa kaka forward ko ng mga magagandang mga entry post. Kung may isang bagay na nakatulong ang blog sa office, ito ay dahil sa almost sa mga officemates ko, tumatahimik at hindi pakalat-kalat dahil nagbabasa ng blog, yun nga lang may occasional na tawa at minsan may violent reaction. Yes, may "carried away" factor ang mga blog. At eto pa, kahit mga lalaking straight sa office nakiki-basa, yun nga lang ang kukulit, tanong ng tanong kung ano ang ibig sabihin ng mga "gay lingo." Hello, sa akin pa nagtanong? (joke!)

Nagiging ugali ko na ang i-bookmark ang mga blog site na nagugustuhan ko, at nagiging part na siya ng mga binubuksan kong link sa araw-araw. Kung gaano ka automatic sa akin ang mag check ng email, Inquirer, Phil Star, Pep.ph, ganun din kadalas sa mga blog. Gusto kong i-share sa inyo ang mga "first impression" ko sa mga blog na ito, sa mga makakabasa nito, kung sa tingin niyo mali ang impression ko, well, impression ko to... pero may chance kayong baguhin. LOL


  • Citybouy - Ang batang naka-yuko sa picture. May kakaibang pananaw ang taong to, at kakaiba ang mga picture na nilalagay sa bawat entry. Nakaka-aliw, pwedeng ipa-frame at isabit sa sala.
  • Maxwell - Nakaka-silaw ang puting blog, tanda ba ito ng kabusilakan ng may akda? Bakit kaya naka ekis ang mukha niya?
  • Darc Diarist - Ang taong nakabukaka sa picture. Laging pinagmumulan ng diskusyon sa lunch break ang mga post niya. Na iintimidate ako sa blog niya.
  • Galen - Gusto ko ang blog lay-out niya. Magaling mag-sulat. Nahulog ang panga ko ng binabasa ko ang mga entry niya. Lalo na nung nakita ko ang picture niyang naka-sando.
  • Curious Cat - Na curious din ako sa mga title ng mga post niya, iisang word lang. Eto ang blog na nalulungkot ako lagi dahil sa mga kwento niya at nangyayari sa kanya.
  • Lee - Based sa picture niya akala ko morbid, di naman pala,nakaka-aliw ang mga post. Minsan napapa-isip ako sa mga sinasabi niya.
  • Ming Meows - ang blog na kahit anong topic may nailalagay na humor.
  • Subtle Bliss - ang may kaibigang si Mr. T (parang si Judy Abbot na may Daddy Long Legs), siya lang ang naka Tabulas sa lahat ng binabasa ko. Siya lang din ang blogger na na meet ko na in person
  • Prince Cloud - Overseas blogging ang drama. Lagi kong ka-kwentuhan sa twitter.
  • M2M Tripper - Ang Boom Boom Pow ng Blogging. Enough said.
  • Jepoy - Pag nag kwento sa blog parang nagkukwento lang sa kapitbahay. Napaka-candid.
  • Wandering Commuter - Nakaka-aliw ang mga post pang MMK, lalo na ang mga words na ginagamit.
  • Johnny Cursive - Ang blogger na naka Hoodie, ang English version ni Aris. I am Johnny Cursive = Ako si Aris
  • Ako Si Aris - Kung saan ko nakuha ang link ng lahat ng blog na nabanggit sa taas. Ang blog na laging may conversation at "open&close quotation."
  • Mac&Hubee - Ang kuya ko at ang kanyang partner na si Will. Na lagi akong kinikilig sa mga post. High School kilig.

  • (Yung iba ko pang binabasa, pwede sa second batch na? Promise. Nagrereklamo na ang daliri ko kaka-type!)

    Ang Valentines ay hindi lamang sa mag partner, mag-asawa, mag boyfriend. Ito'y para din sa kaibigan, personal man o online. Gusto kong kunin ang pagkakataong ito upang banggitin ang mga taong napadaan dito sa blog na 'to:

    Dhon, Jepoy, Citybouy, Darc,Maxwell,Galen,Aris,Wandering commuter, The Curious Cat,Parteeboi,Hinata5,Xallternative,Domjullian,Maccalister,Lee,Bampira Ako,Ming meows,Subtle Bliss,Prince Cloud,Atomic Dumb,M2MTripper,Mickey's Closet,Victor Gregor,London Boy,Mac&Hubee,Looking for Vince,DonaldPal,AfterQuake,Zachary&Zoren,Fox, Mr. RF, and Jaypee.

    Nakakataba ng puso, hindi ng puson, ang malamang ang mga nagsusulat ng blog na dati'y sinusundan ko lang araw-araw ay napapadalaw din sa mumunting blog na 'to. Nagsimula itong blog na 'to bilang "gift" lang sa isa sa mga monthsary namin, at ngayon, nakaktuwang marami-rami na din ang nakakadalaw dito. Mas na-iinspire tuloy kami ni Siopao na pagbutihin at lalong palakasin hindi lang ang blog na 'to pati ang aming relasyon. Hindi man namin maipakita ang aming galak at tuwa, nais naming sabihing malaki ang naging parte ng mga dumadalaw dito sa amin.

    Happy Valentines sa inyong lahat.


    Photo Source here.

    ~ sulat sa MGG

    |
    Two souls with but a single thought, two hearts that beats as one. ---- John Keats

    Isang sulat ang pinadala sa Manila Gay Guy (MGG) sometime September 2009, marahil nabasa na ng karamihan sa inyo ito. Last time I checked, 66 comments ang natanggap ng sulat na 'to. Gusto kong ibahagi ang sulat na to sa inyo.


    Hi Migs,

    First, I would like to greet your MGG Blog a Happy 3rd Anniversary. Your blog makes my monotonous work day exciting. I used to work in a call center in Makati when I discovered your blog, from then on I was addicted and always excited to check it everyday. Hanggang ngayon pwede ko nang sabihing parte na siya ng daily routine ko.

    I was born and raised in Bacolod City, after graduation I went here to review for the Board Exams (ECE Board), needless to say, hindi pa kasing open ng Manila ang Bacolod as far as same-sex relationship is concern kaya nakakagulat when I first got here. Bata pa lang ako, since my mom is a teacher, I was raised to be masunurin at masipag mag-aral, in short NERD. I was a consistent honor student then, pero LONER, I never experienced the typical Barkada nung high school. Everytime may gusto ako, since I don’t have anyone to share it with, I’m making a note addressed to GOD and keep it in a box, wala pa kasing cellphone nun. It was always been my prayer to have someone I can call my own, not necessarily a lover… Bestfriend ok na. Together with that prayer, I completed the simbang gabi… novena mass at kung anu-ano pa. I am not religious but I always have my time for prayer. Siguro nasanay na din na siya lagi kausap ko dahil nga hindi ako mahilig makipag friends before. (Hindi na ngayon..lol)

    Alam ko ever since that there’s something different about me compared to my male classmates. Until college, hindi ko alam kung ano talaga ako, I tried to do things straight people do, name it I’ve done it… siguro ma convince ang ibang tao na straight ako, kasabay nun ang pag convince din sa sarili ko na hindi ako ganun. Pero I was 3rd year college then when I met Francis, Freshman. He was maputi, long hair, chinito, matangkad, gwapo. (This is it!)

    I began to notice him nung ang mga girl classmates ko kinikilig pag dumadaan siya sa classroom. Fate as you may call it, since member ako ng Student Government, I was asked to spearhead all the Engineering freshmen for an activity for the Sportsfest, and yes kasama siya dun. Everytime may practice sila I was there to arrange for the transportation and the food. Ako din ang taga check ng attendance nila aat dahil diyan I have to publish my number for any notification kung hindi makakapunta sa practice. Nagtagal ang practice ng mga 1 buwan, dahil na rin sa schedule ko ay hindi ako laging nakakapunta sa mga practices nila.

    One night, nag text siya na hindi na daw kasing saya ang practice kasi wala ako. Migs, prior to that incident, hindi kami nag-uusap, we we’re not even introduced to each other,at wala din kaming common friends. Simula nun, we’ve been texting na, though more on about sa practices at sa school related activities. Nothing personal.

    Last practice nila bago ang performance the next day, around 10p na kami umuwi, habang naka-upo ako sa pedicab naghihintay ng ibang pasahero going inside our subdivision, out of nowhere naisip kong magtxt sa cellphone ko, sabi ko “God, kung siya man ang binigay mo sa akin give me a sign, gusto ko tumawag siya pag dating ko sa bahay.” tinago ko lang sa Draft ng cellphone. Suntok sa buwan ang text na yun, hindi nga kami nag uusap ng personal, at hindi ako sigurado kung ano siya… pati sarili ko hindi din ako sigurado kung ano.

    Papasok ako ng bahay, tumunog yung phone, uso pa drop call nun, nagtanong kung naka-uwi na ako. After ilang tanong at sagot, humirit siya ng “Pwede mag apply?” At first, I thought application for the org, so I replied hindi pa pwede kasi 1st year pa lang siya… sabi niya mag a-apply daw siyang bestfriend ko. Sabi ko okey, pero na weirduhan ako sa sitwasyon, at that time nalimutan ko ang sign na hiningi ko.

    The next day sabay kami na nuod ng game, nag lunch, umuwi ng sabay. Naging ganun ang set-up namin for several months, minsan sinasamahan ko siya sa ibang school para manligaw sa classmate niya nung high school. Naging okey ang takbo ng sitwasyon namin, naging automatic na sa mga professor ko na pag nawawala ako, sa kanya ako hinahanap. Until one day, tinanong niya ko kung pwede daw more than friends na kami, nalaman kong tumigil na siya sa panliligaw sa girl sa kabilang school.

    Pumayag ako, pero hindi ko alam kung tama nga yung ginawa ko. Dumaan ang ilang araw na masaya kaming pareho, we agreed not to have sex yet, because we need to prove kung LUST ba o LOVE ang nararamdaman namin, we agreed to go to church every Wednesday after school for novena, simba every Sunday at every lunch break sa school… Sabi namin pambawi kay Lord.. Lahat ng ginagawa namin naka plano, wala kaming sinabihang friends for fear na we’re both known sa school at baka ma kick-out kami. We prioritized our studies for fear na if ever malaman ng family namin na kami na, hindi pwedeng gawing dahilan na pinabayaan namin ang school namin. Para walang maisumbat. From then on, naging confident ako sa sitwasyon namin, I introduced him sa family as a “friend” and gusto naman siya ng family ko. Ganun din ako sa family niya.

    This coming September 12, we will be celebrating our 80th month as a couple. At some point your blog has been and is still an inspiration for the both of us.. nahawa na din siya kakabasa ng blog mo dahil sa akin. Through your blog, from the stories shared by other readers and your advice that comes after, we realized that what we have right now is something that not most PLU have and that we have to take care and appreciate it. Dahil nga never namin na experience magka ex-boyfriend, kung paano makipag eye ball o makipag date sa ibang tao… through your blog we get to learn something, na hindi na dapat umabot sa kailangan naming maranasan yun para ma realize ang importance ng isa’t isa.

    Gusto ko lang magpasalamat sa’yo at sa iyong blog. Hindi ko man kayang i-express siya sa paraang karapat-dapat, gusto kong malaman mo na parte ng buhay namin ang blog mo… and we all know that any relationship will never be better without the help of friends, family and the things that inspire and teach you… at isa ka dun.

    Thank you.

    Siopao & Bunich


    Gusto kong pasalamatan ang lahat na nag comment sa sulat naming ito, sa natuwa, sa nagduda, sa nag-alinlangan at sa naniwala na posible at nangyayari. Heto kami. Ngayon, 85 months na kami (7 years and 1 month), hindi man naging madali pero dahil sa inyo at dahil sa pareho kami ng gusto, ang mahalin ang isa't isa, naging mahaba ang taon ng pagsasama. Maraming Salamat.

    ~ remembering armadillo

    |
    “I kind of like it the way it is right now, ... I believe in that one-on-one sell. I don't really believe in flooding the market with loads of goods that don't mean much, and (you) lose your identity.”
    ---- Alexander McQueen



    You will always be remembered

    Alexander McQueen

    ...and so is your Armadillo Shoes.









    Photo Source here.

    ~ otsenta y singko

    |
    Love is the condition in which the happiness of another person is essential to your own. ~Robert Heinlein















    is the highest uniform number retired in all of baseball.
    is the IQ and nickname of Aaron in Alien 3
    is the ISBN Group Identifier for books published in Brazil.
    is the product of two prime numbers (5 and 17), and is therefore a biprime.
    is an octahedral number, a centered triangular number, a centered square number, a decagonal number, and a Smith number.
    is the number of episodes of the television serial Batman: the Animated Series (1992–1995)
    is a common caliber for cannons (mm).
    is a major Interstate Highway in the southeastern United States.

    is LXXXV.
    is MONTHSARY
    is LOVE

    ~ si J.E. at ang kanyang salita

    |
    There is something about a closet that makes a skeleton terribly careless.

    "Nag-away kami ng girlfriend ko, nakalimutan ko kasi monthsary pala namin kahapon!"

    *****

    "Trip ko yung guy sa kabilang table, tanong mo nga kung anong name niya?



    Naalala niyo pa si J.E.? Bago pa siya umalis papuntang L.A., hinatak namin siya papuntang Malate (actually hindi niya first time dun, ibang entry ang first Malate experience niya).

    Ang unang statement sa taas sinabi niya habang nasa cab pa lang kami. Ang sumunod na statement sinabi niya nung lasing na. Ooops! Saya di ba?

    ~ bagong hakbang... malayo

    |
    I hope to see the dawn of daybreak and the sun rise to cloudless skies --- Don't Say Goodbye, Say Goodnight, Binoculars


    Hindi matatapos ang quarter ng taon ay baka umalis na ako ng bansa. Isang bagay na matagal na dapat nangyari, ngunit nung panahong iyon nanaig ang aking puso, hindi ko kinayang iwan si Siopao.

    "Kung kelan ga-graduate na ako tsaka ka aalis?"

    Hindi ko tinuloy ang pag process ng requirements. Hindi ako natuloy. Pero hindi ako nagsisi sa naging desisyon ko, after graduation ni Siopao, nag decide kaming tumira sa isang bahay. Magta-taltlong taon pa lang kami nuon. Nangibabaw sa akin ang takot na kung ipagpapatuloy ko ang pag-alis ay ang sabay na pagkawala din ng aking buhay pag-ibig.

    Earlier this year, na-realize namin na it's about time we'll concentrate on individual goals and individual plans. Confident kami na we've already established our relationship and now it's time to concentrate on our own carreers. Sabi nga nila, hindi pwedeng pagsabayin ang "Love" at "Career," marahil totoo... Kailangan siguro maging strong muna ang foundation ng relationship, saka ka magiging matagumpay sa career mo.

    Naisipan kong muling i-try ma experience ang buhay OFW. Napag desisyunan naming, hindi kami yayaman kung dito lang kami sa Pilipinas. Kailangan may isa sa amin ang aalis. Para sa amin na may balak magka-anak, kailangan namin mag-ipon para sa magiging pamilya namin.

    Sa tuwing nababanggit ang nalalapit kong pag-alis, hindi ko maiwasang makita ang lungkot sa mga mata ni Siopao. It will be his first time to live here in Manila alone. Pero alam kong naiintindihan niya ang magiging sitwasyon namin. Kailangan ng konting sakripisyo para maging okey ang lahat pagkatapos.

    Dasal at tiwala sa Diyos ang aming pinagkukunan ng lakas sa panahong ito. Walang sinuman ang kakayanin ang ganitong pagsubok. Pero dahil pareho ang aming hangarin at gustong marating, alam kong magiging okey ang lahat.

    Alam ko na sa aking pag-alis, magiging baon ko ang pangakong may babalikan ako, at may bukas akong dapat paghandaan. Confident ako. Sure ako.



    Photo Source here.

    ~ magkahiwalay na tanong

    |
    The grass is not greener on the other side... Its greener where you water it.








    May kaibigan na naman akong naghiwalay. Walang nagawa ang simoy ng February at ang nalalapit na Valentines Day. 5 taon din yun. Nauwi sa wala. Nakakalungkot.

    Minsan nadatnan ako ni Siopao, nakatunganga sa kuwarto,hawak ang cellphone. Akala iya kung ano na nangyari sa akin. Umiiyak ako. Walang tigil ang daloy ng luha.

    "Wi, break na sila Anton"

    "Oh, bat ikaw ang umiiyak diyan? Bagong raket mo, ikaw ang taga iyak ng mga iniwan?"

    "Hindi ganun, nalulungkot lang ako. Nabawasan na naman ang mga mag-jowa"

    "Akala mo naman sa magjo-jowa isang asosasyon na nalalagasan ng members!"

    "Nalulungkot na nga ako, ganyan ka pa"

    "Pinapatawa lang kita... OA kasi ang reaction mo. I-reserve mo ang luha mo pag tayo ang naghiwalay"

    "Parinig ba ya o banta?"

    "Joke lang!"

    Hindi ko maiwasang malungkot everytime may balitang ganyan. Hindi ko din maiwasang mag-isip bakit humahantong sa ganung sitwasyon ang mga mag-jowa, lalo na kung matagal na. Ganun lang ba kadali bumitaw? Ganun lang ba kabilis mawala? Bakit hindi nagawang ipaglaban?

    Pasensya sa mga tanong, para sa iba , iisipin niyo, maraming pwedeng dahilan ng break-up. Depende sa sitwasyon. Depende sa takbo ng relasyon.

    Ang sa akin lang, hindi ba't dapat tanggap natin ang pagkatao ng isa't-isa? Hindi ba dapat alam natin na dadaan at dadaan ang isang relasyon sa sitwasyong mahirap. Mag-aaway, pero alam natin lahat magkakaroon ng pagkakasundo pagkatapos nito.


    Dahil ba "give-up" na ang isa. "Let go" na lang din ang isa? Ano ang assurance na sa susunod na relasyon mo, hindi mangyayari ang nangyari sa'yo? Pagdating ba ng panahon na yun, makikipaghiwalay ka din ulit? Hindi ba paulit-ulit lang din naman yan?

    Maraming nagsasabi na naghihiwalay ang mag-jowa dahil they're optimistic that there are "better ones" out there waiting. Well in that case, bakit andami pa ding single? Kung mas marami ang mas mabuti kesa sa kung anong meron ka ngayon, hindi 'bat dapat nakuha na yun ng iba? Anong assurance mo na mapupunta sa'yo?

    Hindi 'bat ang magandang relasyon, ginagawa at hindi parang RTW na pwedeng damputin lang?

    Habang sinusulat ko ito, bigla kong naisip... Naghihiwalay ang 2 tao, bumibitaw sa pangako at pag-ibig dahil pareho lang din silang sumuko. Isa sa kanila ang tumigil. Isa sa kanila ang napagod.

    Pero alin ba ang mas nakakapagod, ang bumitaw sa kung anong meron ka na, o ang magsimula uli?



    Photo Source here.

    ~ ang aking summer class

    |


    "Uy, samahan mo ko"

    "Saan naman?"

    "Sa covered court, may basketball practice"

    "And so?"

    "So? Maraming boys!"

    Aakalain mo bang kausap ko ay straight? Aakalain mo bang tri-athlete siya, magaling mag taekwondo? Walang bahid ng "care bears." Totoo. Siyempre, habang kausap ko siya, ako yung nanlalamig sa pawis at masahol pa sa "awkward" ang feeling. Hindi pa ako "out" nung mga time na yun. Nasa stage pa ako na pag may naririnig akong mga taong nag-uusap about sa mga bading, kahit hindi ako ang topic, pinagpapawisan ako at praning.

    Siya pala si Kenneth seatmate ko sa Summer Class 2002, classmate ko siya sa Philo1. When I was in college kasi, I'm taking summer classes for minor subjects, para pag regular class na, I got all the major subjects covered, and besides, boring ang mga minor subjects, karapatdapat lang na 2months ko lang siya kunin. Abala.

    Back to Kenneth, ECE ako, Computer Engineering siya, at first hindi kami nagpapansinan, siguro kasi nakikiramdam din siya kung ano ako... pero ako may idea na kung ano siya, basi sa sabi ng mga kaibigan ko. Kesyo sayang daw, kesyo hot ang best friend niya. LOL

    Isang araw, after ng 4 hours na boring class, niyaya niya ako sa covered court to watch the men's basketball practice. He was so sure that I'm into "boys" as well. Hindi siya nagtanong. Nag-assume bigla. Ano kaya ma feel mo kung ganyan ka itrato ng isang tao, e ikaw nga hindi mo pa tanggap sa sarili mo na ganun ka... Kung kelan nakikipaglaban ka sa sarili mo na hindi ka bading, eto at papasok siya at i-introduce sa'yo ang mga lalaki. Bwisit.

    At first asiwa ako sa sitwasyon, bakit parang ayaw ko, pero pag niyayaya niya na ako mag "boys watching" e natutuwa naman ako. Parang batang niyayang pumunta sa perya. May galak.

    Naging habit na namin ang pagpunta sa court after class. Di gaya ng dati, ngayon ako na ang maingay at nagkukwento kung sino ang pogi. Sino ang maganda ang katawan. Siya ay naging taga-tawa na lang. Ang demonyo di ba?

    Dun ko na realize, si kenneth ang susi ng aking aparador. Siya ang nagbukas sa akin, upang tanggapin ang sarili. At iparamdam na magiging okey ang lahat paglabas.

    Ang closeness na yun, nauwi sa admiration. Nagustuhan ko kung gaano siya ka confident sa sarili niya. He do things most guys do and at the same time open about his sexuality. He was able to keep a good relationship sa hot-Straight-bestfriend niya. Na prove ko naman na mag bestfriend lang talaga sila. Based sa kwento ng iba pa niyang friends, bata pa sila when they become best of friends, at recently lang nalaman ng bestfriend niya na bading siya. Pero cool alng si bestfriend sa kanya.Di ba? Sino hindi maiinggit dun?

    Yung closeness namin umabot sa nagtetext araw-araw, kahit sa pag rent ng DVD sa Video City, ako ang tinetext kung anong magandang movie na i-rent. Out of nowhere, tatawag para sabihin lang na badtrip siya sa kapatid niya. For the first time, nagkaroon ako ng kaibigan, siya ang una kong kaibigan pagkatapos lumabas sa aparador.

    Naging iba ang sitwasyon nung nagbukas na ang klase nung June, dahil magka-iba na kami ng schedule. Hindi na kami gaano nagkikita. Hindi na namin naabutan pareho ang basketball practice. Nag-iba na rin siya ng set of friends. Ako naging busy na din sa school org. NAging madalang na din ang text at tawag.

    One day, nagkasalubong kami sa hallway ng school. "Hi-Hello" lang ang naging batian namin. Parang hindi kami minsan naging close. Mga few meters after namin maglampasan, naisip kong lumingon. Pagkalingon ko, tamang lumingon din siya. Nagtitigan ng saglit. Yumuko. Tinanggal ang pagkalingon sa isa't isa.

    Yun na ang naging huli naming pagkikita. Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ang simpleng paglingon na yun ang tumapos sa aming dalawa.


    ~ Soon

    |











    Someone's going on LDR. Soon.

    Sana ma kaya. Sana maging okey ang lahat. Sana may babalikan. Sana ganun pa din. Sana.


    ~ ♥

    |

    ~Nakiki-uso

    |

    Dahil nag post si Galen ng mga sagot niya... at dahil as of press time ay may 26 questions pa akong hindi nasagutan sa Formspring.me, I'm posting some weird and crazy (pronounced as ku-rey-zy) questions na binato (aray!) sa akin.

    ►Vangie Labalan, Bella Flores or Liza Lorena? Sino ang gusto mong landlady?

    vangie labalan... masaya yun.

    ►awww ano ba ang mga bagay bagay na nagpapaiyak sa iyo? ='(

    actually hindi bagay, alam mo yung mga nananalo sa game, basta mga success story, naiiyak ako.. graduation, nanalo sa singing contest.. nanalo sa basketball.

    ►In your opinion OK lang bang maging syota ng iyong kaibigan ang ex mo? at bakit naman?

    ok lang...bakit hindi, hindi ko sila pag-aari.

    ►Ano ang dalawang pang-araw araw na gawain na kayang kaya mong pagsabayin kahit weird pagsabayin?

    ang magtoothbrush habang jumejebs... lol

    ►What would attract you the most if you were a straight guy, boobs, legs or butt?

    even now, i'm a "legs" kind of guy.

    ►Ano ang pinakamasunuring parte ng iyong katawan at bakit?

    my mouth, I say what my mind and heart tells me.

    ►Tunay bang masarap ang bawal?

    oo, lalo na kung may maggi magic sarap...

    ►gaano kalaki si junior?

    high school na si junior...binata na.

    ►magkano suka sa pinakamalapit na sar-sari sa inyo?

    hindi ko alam e. tatanong ko bukas.. i'll get back to you

    ►where's the good in goodbye?

    nasa first syllable.

    ►(1)Piolo (2) Sam (3) Danton Remoto.. piliin ang naiiba.

    yung last lng ang aminado.

    ►one thing you think everybody thought you did?

    hindi pa ako nakapasok sa government... yung dating bar sa makati, considering 5mins away lang siya sa bahay.

    ►Sinong artista ang alam mo na mag-syota na perhong lalaki?

    si P.P at M.B


    The good thing about formspring.me is that you get to ask no-holds-barred questions to a friend or to anyone, and at the same time be anonymous. You'll be surprise to know other people's answer and you get to know their views as well first hand. Eyelavett!

    PAALALA

    Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.