
Yeah, I hate goodbyes. Where's the good in goodbye, anyway? But whether we like it or not, goodbye will always be a big part of life.
"Aalis na ako next Saturday"
"Saan ang punta?"
"Magpapaka-alila sa ibang bansa."
"Saan nga?"
"Sa L.A."
"Sama ako, dali!"
"Gaga... Ano yun,picnic?
Aalis na siya. Nakakalungkot.
Asaran ang lagi naming bati sa isa't isa, akala nga ng karamihan magkaaway kami lagi. Pero nagkakaintindihan kami, ganun namin pinapa-tatag ang pagkakaibigan namin. Asaran. Kulitan. Hindi ko man masabi sa kanya na ma-mimiss ko siya, kasi alam ko tawa lang ang isasagot nun sa akin sabay sabi:
"Ang O.A. mo!"
Pero totoo, sa lahat ng naging kaibigan ko, siya ang ang hindi ako nahihiyang sabihin sa kanya ang ayaw ko sa kanya, at natatanggap niya naman 'to na parang ulam na glaing sa kapitbahay.
Siya si J.E.
Sa buong time na naging kami ni Siopao, isa siyang mumunting "cheerleader," always a believer that our relationship will survive, no matter what. Siguro nga, yun din ang wish niya sa sarili niya.
Nagkakilala kami nung college. Nagka girlfriend siya, na naging kaibigan ko din. May bestfirend siya si Al, na klasmeyt ko nung high school. Dun lang umiikot ang pagkakilala namin sa isa't isa.
Ako, si AL, si J.E. at ang gilfriend niya, minsan tumira sa isang bahay nung bago pa lang kami dito sa Manila. Masaya, magulo at maraming away ang naganap sa lahat sa amin.
Minsan isang gabi, nagising ako habang naririning ko yung girlfriend niya umiiyak sa banyo.
"Bakit?"
"Nakita ko si J.E. at si AL magkayakap habang natutulog!"
"Wait lang, naiihi ako"
Hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin.
Minsan din na notice ko nung patulog kami. We decided sa iisang kama kami lahat matutulog. Ang set up. ako nasa dulo ng kama, may space tapos ang girlfriend niya. Al decided to sleep beside me. So ngayon ang set-up ay naging... Ako, Si Al, at ang girlfriend niya.. bakante ang nasa tabi ng girlfriend niya.
Normal kong naisip na dun na siya pupwesto kasi una, yun na lang ang bakante. Pangalawa, normal naman siguro na tatabi ang boyfriend sa girlfriend niya.
Ang nangyari, ginising niya ang GF niya, pinalipat sa dulo at siya ang tumabi kay Al. Ang set up, Ako, Si Al, Si J.E. at ang GF niya. Dun ko na relaize iba siya. Pero ni minsan hindi ko nasabi sa kanya na alam ko na. Siguro nga hindi pa siya handa.
Para kay J.E., alam ko na kung bakit tayo close. Kasi pareho tayo ng isip, at pareho tayo ng gusto sa buhay. Sana pagdating mo sa ibang bansa, ma kaya mo nang tanggapin ang sarili mo. Wala nang mas sasaya pa sa pagkakataong confident ka sa kung sino ka. Mahal ka ng mga kaibigan mo at hindi magbabago yun dahil sa kung ano ka man.
Bon Voyage! At least dun walang makaka-kilala sa'yo. Malaya mong magagawa ang gusto mo. Kasabay ng pagpapaalam ko sa'yo, sana magpa-alam ka na din sa aparador mo, kung saan ilang taon kang nagtago... nangangamoy "Moth Balls" ka na. Ingat lang lagi. Wear rubber.
This song is for you:
Photo Source here.
7 ang naumay sa:
napatambling naman ako sa kwento. bon voyage kay j.e.! sabihin mo ingatan nya abs nya. haha
@citybuoy: sige, makakarating... sana lang magamit niya ng tama ang abs niya.
Im sure living in another country will be liberating for him. It was for me :) Pwede bang magkiss goodbye sa abs nya?
siya pala... i remember that story...
Siguro naman tuturuan siya ni L.A. kung paano gamitin ng maayos ang ABS niya. haha.
Pero sana nga makita na niya yung sarili niya.
kakaiba nga si j.e. good luck sa kanya. i wish him happiness. :)
ang cool ng kaibigan mong si J.E. :D
Post a Comment