Write to be understood, speak to be heard, read to grow... ---- Lawrence Clark Powell

Normally sa gabi ako nag susulat ng blog, at dahil sa umaga may pasok ako,"blog hopping" ang pwede kong gawin sa opisina. Masahol pa sa kape ang pagbabasa ng blog. Nakakawala ng antok, nakaka tanggal boredom at nakaka wala ng stress, yun nga lang mapagkakamalan kang baliw ng ka officemate mo dahil pwedeng matawa ka o ma-iyak sa mga post.
Sa office, halos kalat na ang mga blog links dahil sa kaka forward ko ng mga magagandang mga entry post. Kung may isang bagay na nakatulong ang blog sa office, ito ay dahil sa almost sa mga officemates ko, tumatahimik at hindi pakalat-kalat dahil nagbabasa ng blog, yun nga lang may occasional na tawa at minsan may violent reaction. Yes, may "carried away" factor ang mga blog. At eto pa, kahit mga lalaking straight sa office nakiki-basa, yun nga lang ang kukulit, tanong ng tanong kung ano ang ibig sabihin ng mga "gay lingo." Hello, sa akin pa nagtanong? (joke!)
Nagiging ugali ko na ang i-bookmark ang mga blog site na nagugustuhan ko, at nagiging part na siya ng mga binubuksan kong link sa araw-araw. Kung gaano ka automatic sa akin ang mag check ng email, Inquirer, Phil Star, Pep.ph, ganun din kadalas sa mga blog. Gusto kong i-share sa inyo ang mga "first impression" ko sa mga blog na ito, sa mga makakabasa nito, kung sa tingin niyo mali ang impression ko, well, impression ko to... pero may chance kayong baguhin. LOL
Citybouy - Ang batang naka-yuko sa picture. May kakaibang pananaw ang taong to, at kakaiba ang mga picture na nilalagay sa bawat entry. Nakaka-aliw, pwedeng ipa-frame at isabit sa sala.Maxwell - Nakaka-silaw ang puting blog, tanda ba ito ng kabusilakan ng may akda? Bakit kaya naka ekis ang mukha niya?Darc Diarist - Ang taong nakabukaka sa picture. Laging pinagmumulan ng diskusyon sa lunch break ang mga post niya. Na iintimidate ako sa blog niya.Galen - Gusto ko ang blog lay-out niya. Magaling mag-sulat. Nahulog ang panga ko ng binabasa ko ang mga entry niya. Lalo na nung nakita ko ang picture niyang naka-sando.Curious Cat - Na curious din ako sa mga title ng mga post niya, iisang word lang. Eto ang blog na nalulungkot ako lagi dahil sa mga kwento niya at nangyayari sa kanya.Lee - Based sa picture niya akala ko morbid, di naman pala,nakaka-aliw ang mga post. Minsan napapa-isip ako sa mga sinasabi niya.Ming Meows - ang blog na kahit anong topic may nailalagay na humor.Subtle Bliss - ang may kaibigang si Mr. T (parang si Judy Abbot na may Daddy Long Legs), siya lang ang naka Tabulas sa lahat ng binabasa ko. Siya lang din ang blogger na na meet ko na in personPrince Cloud - Overseas blogging ang drama. Lagi kong ka-kwentuhan sa twitter.M2M Tripper - Ang Boom Boom Pow ng Blogging. Enough said.Jepoy - Pag nag kwento sa blog parang nagkukwento lang sa kapitbahay. Napaka-candid.Wandering Commuter - Nakaka-aliw ang mga post pang MMK, lalo na ang mga words na ginagamit.Johnny Cursive - Ang blogger na naka Hoodie, ang English version ni Aris. I am Johnny Cursive = Ako si ArisAko Si Aris - Kung saan ko nakuha ang link ng lahat ng blog na nabanggit sa taas. Ang blog na laging may conversation at "open&close quotation."Mac&Hubee - Ang kuya ko at ang kanyang partner na si Will. Na lagi akong kinikilig sa mga post. High School kilig.
(Yung iba ko pang binabasa, pwede sa second batch na? Promise. Nagrereklamo na ang daliri ko kaka-type!)
Ang Valentines ay hindi lamang sa mag partner, mag-asawa, mag boyfriend. Ito'y para din sa kaibigan, personal man o online. Gusto kong kunin ang pagkakataong ito upang banggitin ang mga taong napadaan dito sa blog na 'to:
Dhon, Jepoy, Citybouy, Darc,Maxwell,Galen,Aris,Wandering commuter, The Curious Cat,Parteeboi,Hinata5,Xallternative,Domjullian,Maccalister,Lee,Bampira Ako,Ming meows,Subtle Bliss,Prince Cloud,Atomic Dumb,M2MTripper,Mickey's Closet,Victor Gregor,London Boy,Mac&Hubee,Looking for Vince,DonaldPal,AfterQuake,Zachary&Zoren,Fox, Mr. RF, and Jaypee.
Nakakataba ng puso, hindi ng puson, ang malamang ang mga nagsusulat ng blog na dati'y sinusundan ko lang araw-araw ay napapadalaw din sa mumunting blog na 'to. Nagsimula itong blog na 'to bilang "gift" lang sa isa sa mga monthsary namin, at ngayon, nakaktuwang marami-rami na din ang nakakadalaw dito. Mas na-iinspire tuloy kami ni Siopao na pagbutihin at lalong palakasin hindi lang ang blog na 'to pati ang aming relasyon. Hindi man namin maipakita ang aming galak at tuwa, nais naming sabihing malaki ang naging parte ng mga dumadalaw dito sa amin.
Happy Valentines sa inyong lahat.