Showing posts with label life. Show all posts
Showing posts with label life. Show all posts

~ Narsisa

|

Kahapon, niyaya ako ni Phillip (hindi tunay na pangalan, ang tunay niyang pangalan ay Lester) sumabay mag dinner malapit sa accommodation nila. Since walking distance lang naman ang kina Phillip, nag decide akong mag-taxi. Hindi pa na kumpleto ang pag-ikot ng gulong ng taxi, dumating na ako.

Nasa counter na siya ng pumasok ako sa restaurant.

"Atat umorder, natatae? nagmamadali?"

"Eh kasi nagugutom na ako, baka bigla ko na lang ngat-ngatin ang plastic na halaman diyan kung di pa ako o-order"

Pagkatapos naming umorder, nagsimula angBible sharing, este ang kwentuhan. Nakaka 3 lagok pa lang ako ng Sprite ng may tumawag kay Phillip sa telepono niyang Blackberry (na binigay ng isang Arabo na nanliligaw sa kanya).

"Pwede mo ba akong samahan sa flat ng friend ko?"

"Saan yan?"

"Diyan lang, malapit lang, kukunin ko ang mga DVD's na pinahihiram niya"

"Okay, mabilis lang ha... bawal ako magpa-gabi, nagiging kalabasa ako."

Pagkatapos namin kumain, at hindi ubusin ang pagkain, dumeretso na kami sa flat ng kaibigan niya na malapit lang.

"Bakit tayo sasakay ng cab? Akala ko ba malapit lang?"

"Eh ikaw nga, isang dura lang ang bahay mo nag cab ka din kanina... nakita kita."

"Fine!"

Nalaman ko, habang nakasakay kami sa cab na ang kaibigan pala ni Phillip ay isang Narsisa (Nurse) sa isang Hospital (malamang). Nalaman ko din na Grade 2 siya nung na-circumcise, 2nd family sila at tamad mag-aral ang bunso niyang kapatid. O diba, sa napag kwentuhan namin, halatang anlapit lang talaga ng flat ng kaibigan ni Phillip. 5 piso na lang ata ang kulang, makaka-apak na kami sa langit.

Dumating kami sa wakas sa napakalapit na flat ng kaibigan ni Phillip, at this time World War III na.

Pumasok. Nag-elevator. Pumindot ng 5th Floor.

Kumatok si Phillip sa pintuan ng flat habang ako naman aay busy sa mobile twitter at naka sampa sa gilid ng hagdan.

Umulit ng pag door bell si Phillip na parang 1 Kilometro ang layo ng pinto sa sala, para abutin ng ganun katagal ang taga-bukas.

Sa wakas. may nag magandang loob na buksan si Phillip. na this time ay 23 lbs na ang nabawas sa timbang sa tagal ng pag pindot sa door bell.

Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa flat, bumulaga sa akin ang 15 lalaki. (Bago, pumalakpak..wait) 15 lalaking bading. (shet, lalong nagpalakpakan). Hindi ko na iwasang bumulong kay Phillip.

"Nasa Malate ba tayo?'

"Hindi, nasa F tayo!" balik na bulong ni Phillip.

Nangalay ang kamay ko sa kaka handshake (yung totoong handshake). May promise naman lahat ang mga mukha nila. Sa pagkakataong ito, parang gusto kong magpalit ng career at sisihin ang nanay ko kung bakit Engineering ang natapos ko. LOL

Usap-usap. Pabilugan at pababaan ng boses. Muntik na akong mahatsing sa naglipanang paminta sa buong bahay.

Aaminin ko, sa oras na yun, sobra akong nakadama ng saya. Saya na hindi ko pa naramdaman simula ng dumating ako dito. Ang sarap makipag-usap sa taong alam mong pareho kayo ng takbo ng isip at pilantik ng daliri. Maya-maya (hindi klase ng isda) may nag alok na doon na kami mag dinner pero since busog na kaming pareho ni Phillip, nag dahilan na lang kami na may pupuntahan pa kaming isa pang flat. (para naman kaming nag Bisita Iglesia sa ginawa naming rason)

Sa kanto na kami naghiwalay ni Phillip, sumakay na ako ng cab, dahil malapit na akonng maging kalabasa. hindi pa nakakalayo ang cab, tumawag na ulit si Phillip.

"Nakalimutan ko ang DVD kunin!'

Hindi na kao sumagot. Na comatose ako bigla sa katangahan ni Phillip.

Habang ang tugtog sa cab ay pasimula pa lang na "It's not the flowers, wrap in fancy papers. it's not the ring I wear around my fingers...", tumatakbo sa isip ko ang kung gaano ko na miss ang ganung klaseng kwentuhan.

Sa trabaho ko dito, isang milagrong maituturing kung may isa ding bading ang sumulpot sa construction site o kahit sa opisina man lang. Nakaka-tuwa din ang makipag-usap sa straight na lalaki, pero aaminin kong minsan kahit isa sa isang buwaan, magkaroon man lang akong makaka-usap na taong "mapula" din ang hasang. Hehehe!

Pagdating ko sa bahay, tumawag ulit si Phillip.

"Nakuha ko na, binalikan ko! May house party daw next week, gusto ka nila pumunta."

"Sige ba, anlapit lang kasi ng flat nila diba?!"

"Potah ka!"



Photo Source here.

~ Ano na?! 6 months ka na.

|

"Ano na nangyari sa'yo? How's 6 months so far?" tanong sa akin ng kaibigan ko sa telepono habang ako naman ay nag gugupit ng kuko. (kailangan i-describe ang ginagawa para more more ang pagka makatotohanan ng kwento.)

Bigla kong naalala, buti pa siya naalala niyang 6 months na ako dito sa Jeddah. Ako, tinigil ko na ang pag bilang ng araw, mas lalong tumatagal ang araw pag sinasamahan mo ng bilang.

"Okay naman... nasanay na din ako na walang pork at walang beer, walang sine, buti na lang may Starbucks, fridays, Chilis, Burger King, Dunkin donuts, Krispy Kreme at Jollibee, at least nararamdaman kong nasa mundo pa din ako. Actually, mas gusto ko na dito. Kulang lang talaga friends."

"Paanong walang friends?"

"Di gets? Gusto mo sign language ko? O Braille para challenging? Walang kakilala, walang ka kwentuhan. Walang kasama mag mahjong...Hahaha!"

"Mag-ingat ka diyan ha, balita ko bawal bading diyan?"

"Chusko, e kasing dami ng langgam sa garapon ng asukal ang bilang ng bading dito. Pina deport nga lang ang mga nagbibistida. Hehehe!"

"Kamusta sex life?"

"Ay biglang ganyan ang shift ng question? Para mo na ding tinanong sa akin, kung umulan na ba dito sa Saudi. Pag-uwi ko nga sa Pilipinas, mag-nenegosyo na lang ako ng ALSA Gulaman, nata de Coco at Pearl Shakes!'

"E ang love life, kamusta?"

"Alam kong pupunta din tayo sa tanungan na 'to. Okay naman, medyo mahirap sa umpisa, pero salamat sa twitter, sa skype at sa facebook....nakakatipid ako pang IDD. Salamat sa kanya, mabait at matiisin. Gusto ko na nga siya ipalit sa rebulto ni Rizal sa Luneta"

"Gusto ko nga diyan mag-work kaso baka ma-rape ako."

"Kung maka pag dahilan ka naman, as if ka pa na di mo din hilig yang 'habulang gahasa.' Dito, wala na medyong gahasaan, siguro sa mga province, pero dito kasi sa city, wala masyado. Marami lang mga batang, nagtatapon ng papel na may mobile number."

"Ay may ganyan?"

"Na sense ko sa 'rising and falling of intonation' mo ang galak, tuwa, at kasiyahan!"

"Gaga, nagulat lang ako!"

"Aminin na excite ka! Punta ka kasi dito nang may kasama akong gumala. Mahirap gumala pag walang kasama, baka hatakin na lang ako bigla sa daan."

"Ay may ganyan?"

"Pwede ka naman tumanggi... pero pag inabutan ka na ng Blackberry, dun ka na mag dalawang-isip."

"Wahahaha... ang saya diyan."

"Sabi ko sa'yo e. O siya, tama na 'to. mahal na 'to"

"Kuripot ka talaga"

"Mana lang sa'yo Bye!"

Pagkababa ng telepono, kinuha ko ang isang folder na puno ng papel. Mga sulat ko sa araw-araw, kung paano ko pinalilipas ang araw ko. Kasi darating ang araw, babalikan ko 'tong experience na 'to at sasabihin ko sa sarili ko "TOTOO PALA ANG HOMESICK."

(Insert Flor Contemplacion Movie theme song here)


~ goodbye for now

|

Malamang habang binabasa niyo 'to nasa eroplano na ako nagtitinda ng yelo... ay hindi pala,nasa eroplano na ako papuntang Jeddah, sa hinaba-haba ng paghihintay ko, eto't tuloy na din sa wakas.

Ba't ba kasi ako na delay? Well, kagagawan ko din naman. Hingi ako ng hingi ng extension kay Lord na huwag muna ako paalisin. Ayan, pinagbigyan. Andaming dapat pagpa-alamanan. Gusto ko ding mag spend ng holy week sa Bacolod, given hindi uso ang holy week sa Jeddah. Nararapat lang na i-spend ko to kasama ang family ko.

Hindi din naman ako makakapayag na pupunta ako ng ibang bansa na hindi ko nakikita ang family ko. Kailangan ng emotional recharge, maka-hingi man lang ng huling payo sa magulang. Okay na sa akin yun.

Ano naman mangyayari kay siopao? Uhmm... mawawalan siya ng sauce this time. Hehehe! Well, matagal ng ready si siopao sa pag-alis ko, pero hindi kanina. Muntik ng dumating ang Maynilad para i-check kung may sira ba ang gripo namin dahil bumaha... luha lang pala galing sa kwarto namin.

I know pag babasahin niya to, tataas ang kilay nito. Hindi naman ganun ka drama ang naging eksena. Naluha lang ng mga 3 1/2 drops tapos nag simula na siyang mag impake ng gamit ko. Oo, siya ang nag empake, hinayaan ko na, siguro gusto mag MMK moment, yung nagtutupi ng damit habang umiiyak? Hehehe!

Gusto kong kunin ang pagkakataong ito, kahit hindi niyo ito ibibigay, na magpasalamat sa lahat ng nag "Wish me Luck" sa akin. Cliche man maituturing, pero para sa isang taong aalis, malaking bagay ito. Lalo na't pupunta siya sa lugar na maraming bawal. Hehehe!

Hanggang sa muli kong pag update ng blog. Naway may internet ang aking titirhan dun at para ma-update ko kayo sa bagong yugto ng buhay namin ni siopao.

Kung dati ang blog na 'to ang nagpatunay na may M2M relationship na tumatagal. This time, gusto naman naming patunayan na may 'Long Distance Relationship' M2M edition na nagtatagal din. (Parang MELASON lang! may chapter?!)

Nais ko sanang hingin ang inyong panalangin sa bagong hamon ng buhay naming dalawa. Diyos na ang bahala sa inyong mabubuting puso.

Naway ang mga single ay magka boyfriend na. Ang mga malilibog ay maging negative sa HIV test. At ang mga manloloko ay lapain ng aso now na!

Hanggang sa susunod.

Nagmamahal,
Charo

(Pati ba naman dito, e-eksena ka? Charo?)

~ paano na si siopao?

|

Sa napipinto kong pag-alis, lahat ng friends, kamag-anak, tambay at madlang people, ang tanging tanong ay:

"Paano na si Siopao?"

Nakakatuwa din namang isipin na concern silang lahat sa magiging kalagayan ni siopao dito, pero sana di ba concern din sila sa akin, kasi ako ang pupunta ng Jeddah at hindi si siopao. (kulang ako sa atensiyon?)

Hindi magiging madali kay siopao, pero alam kong magiging okay siya kasi andito siya sa Pilipinas. Andito ang mga kaibigan, kamag-anak, may alak, may malate at hindi bawal gumimik kasama ang mga babae.

Kamusta naman ako di ba?

Bawal daw tingnan ang mga babae pag nasa kalsada. Naisip ko din naman, hindi magiging problema sa akin yun, kasi kahit dito sa Pilipinas hindi naman talaga ako tumitingin sa babae. Hehehe!

Bawal daw mag-suot ng damit na hindi mo kayang ipaliwanang ang print. Baka daw iisipin nila na nagpapalaganap ka ng satanismo. Eh naku, bumili ako ng puro plain na shirt. Iba't ibang kulay. Baka hindi satanismo ang ma-ipalagananp ko, kundi suporta sa Care Bears at Rainbow Bright.

Magpa-tubo ng bigote para hindi ma rape. Mas mataas daw ang rate ng mga lalaking nare-rape kesa sa mga babae. Sa policy na to, wala akong marereklamo. Joke!

Bawal kumain ng karne. Pero parang kulang ang policy na 'to, dapat "Bawal kumain ng Karne na nauubos... Ang mga hindi nauubos, okay lang kainin!" Hehehe!

Konti pa lang yan sa ga tissue ka habang kailangna sundin pag nasa Jeddah na.

Sige tanungin niyo uli ako, sa pag-alis ko...

"Paano na nga ba si siopao?"

Feeling ko sa mga bawal dun sa pupuntahan ko, for sure magiging okay siya na andito siya.


Photo Source here.

~ walang preno... walang kwenta, wala lang

|

busy ako ngayon, pero di pwede hindi mag blog. uuwi ako ng bacolod, so malamang wala sa bukabularyo ko ang mag-internet dun, so walang blog update for the holy week. makikipag kita ako sa mga friends, frenemies (friend and enemy at the same time ) at maliligo sa lahat ng beach na pwedeng languyan. magpa-paalam sa pamilya bago tuluyang lisanin ang bansang pilipinas. alas-2 ang flight ko, pero tinatamad ako. kasi naman si siopao, pa-cute ng pa-cute, pina-pamukha na ma-mimiss ko talaga si mokong. haaay... nakaka lungkot na naman.

nag blog hopping ako, maraming bagong blogger, pero kokonti lang ang may utak, dumadami na kami (isasama ko na ang sarili ko para walang ma hurt). yung iba naki-uso lang, may mga bagong nagbibigay ng advice din, ayan sana dagsain ng sulat, minsan nakakatulong ang pag-hingi ng advice, depende sa tao kung makikinig. ako sa MMK ako magpapadala at least may 10,000 pang bayad. mukhang pera? hehehe!

nagpa-alam na ako sa trabahao, official member na ako ng unemployment rate ng pilipinas. naiyak ang karamihan sa kanila, pmaraming antuwa sa desisyon na ginawa, maraming nalungkot. masayang malaman na ganun sila ka-apektado sa iyong paglisan (insert cookie chua song here) mabuti man o masama, alam kong naging aprte ako ng buhay nila. aliw! pero masaya din pala. nakapag-pahinga ako. nakaka-twitter at nakaka nuod ng showtime... hahaha!

bumili si siopao ng saging, hindi pa luto, pinilit lang dumilaw. yan ang mahirap pag 'hinog sa pilit', maganda lang ang itsura pero patapon ang lasa. huwag pilitin ang ayaw, at huwag pilitin ang hindi pwede. ikaw din ang iiyak sa huli. (nag-rhyme)

lumindol daw kahapon, pero hindi ko naramdaman, andito lang naman ako sa makati. buti pa ang taga-kyusi nakaramdam. trending topic sa twitter at lahat ng tao nag post ng status message sa facebook ng "i am so scared, OMGEE!" siguro taga-poveda silang lahat. hindi na siguro ako ganun ka sensitive, pati lindol di na nagparamdam sa akin.

sa mga mahilig bumisita dito, tingnan niyo 49 followers na. ilang araw ko ng tinititigan yan di pa rin nagiging 50. sino kaya ang pang-fifty. promise ilalagay ko siya sa blog at padadalhan ko ng isang pakete ng cornick. ayain ang mga kaibigan para sumali. ugaliing bisitahin ang blog na ito. nakakagamot ng goiter. himasin alng ang screen.

hanggang sa susunod.
quiet muna ako.
wala lang.

Photo Source here.

~ summer senti

|

"if there’s one thing i really miss…"

the sun reminds me of someone i once share my most memorable "beach moment" with. unfortunately, tornado came and the summer heat was no longer there…
i wished the sun was patient enough to have stayed.
i know i could’ve done better.

being in the limelight is pretty hard.
you have the tendency of losing your ownself, just to keep up with the challenges of who the others thought you are.
it’s hard.

sometimes it’s taking its toll... like the sun, it burns the skin.

sana nga hindi na umabot sa ganun, sana nga hindi na naging ganun ka komplekado ang lahat. pero naisip ko din, kung hindi nagyari yun, walang nabago…
magiging ganun pa rin siguro ako.
sa bandang huli, naisip ko, mabuti na din.

sa buhay ko, wala ni isa sa mga nangyari sa akin ang pinagsisihan ko… lahat ng yun ang gumuhit sa akin para maging ako.

maghihintay ako.
darating ang araw, susukob ang ulap para pagbigyan ang hiling ng araw.
hiling para makapag bigay ng liwanag sa naghihintay na lupa.

sana hindi pa huli ang lahat…
sana maalala ko pa na mahalaga siya.
sana.


Photo Source here.

~ walang kawala

|

hindi lahat ng bagay, kaya mo...
hindi lahat ng sitwasyon, kaya mo...
hindi sa lahat ng oras, kaya mo...

mga hayop, puno, bagay
kagaya nila... napapagod din ang puso!

hindi ko lubos mawari kung ano ba ang dahilan bakit parang umaayaw ka na sa hamon ng buhay... marahil tama ang iyong mga kaibigan, hindi mo na kaya.

isang kapaguran na hindi mo pwedeng hindi-an. isang kapaguran na ang tanging magagawa ay ang mag "buntong hininga" na lang.

nasa mundong ito ang tinatawag na sukdulan...
sukdulan ng pagiging martyr, pagiging mabait, pagiging mapagmahal.

pero saan at kelan mo pwedeng sabihin na tapos na? na pagod ka na?
walang nakaka-alam.

pero isa lang ang sigurado sa buhay...
na ang pagka pagod ay para ding ikot ng tsubibo
may hangganan... may katapusan.

ang pagka-pagod sa mga pagsubok ng buhay ay hindi kailanman man mawawala...
eto ang buhay ng buhay....
dito umiikot ang buhay...
at dito mas sumasaya ang buhay.

marahil, naitanong mo na rin sa sarili mo kung paano hindi mapagod at kung kelan ka pwedeng umayaw.

wala tayong kawala...
lahat tayo makakaranas ng ganito...
pumirma tayo sa kasunduang ito.

sobra man o kulang...
ang pagiging pagod ay isang tanda na ikaw...
ako...
tayo...
ay tao.

pwede kang mapagod, pero hindi ka pwedeng tumakas.


Photo Source here.

~ kwentong pambata

|
Dahil naging bata ako, eto ang kwento ko:

3 years old pa lang ako, memorize ko na ang "Angel Of God" at alam ko na kung ano ang mga buwan na 30 days lang. Madal-dal na ko bata pa lang. Ang pader ng bahay namin may tanim na kamatis. Iniiwan ako ng nanay ko sa gate tuwing umaga, tapos mauubos ko lahat ng kamatis kaka-kain hanggang dumating ako sa dulo ng pader. Kaya daw makinis ako, dahil sa kamatis. LOL

4 years old ako, nung nagsimula na akong mag-aral. Dahil ayoko sa teacher, naging visitor na lang ako. Malapit lang ang office ng tatay ko sa school, so sa tuwing nawawala ako sa classroom, sinusundo ako ng teacher ko sa office ng tatay ko. Minsan ko ding tinanong ang teacher ko kung bakit wala pa siyang asawa, at sinigaw sa buong klase na umihi si Ma'am sa C.R. Naging ninang ko siya sa kumpil.

5 years old ako,ng sinira ko ang laruan kong "remote control car." Sa labas ng bahay namin, may 65 steps pababa papuntang creek. Dahil hindi gumagana ang "toy car" hinulog ko sa hagdan, pagdating sa baba---- BASAG! Nagalit ang tatay ko dahil wala lang palang battery ang remote. Ang G.I. Joe at ang Hulk Hogan kong laruan na mas malaki pa sa akin ay nasa kwarto ko pa din.

6 years old ako, naging tambayan ko ang bubong ng bahay kubo sa tabi ng puno ng bayabas. Lagi akong umaakyat sa bayabas, para umupo dun sa bubong habang kumakain. Minsan, nakatulog ako, nahulog ako sa bubong ng kubo at natusok ang hita ko sa kawayan. Kinainlangan pa ng tatay kong gumamit ng"chain saw" para matanggal ang kawayan at dalhin ako sa ospital--- yes, nakatusok pa din ang kawayan. Nag-iwan siya ng malaking marka sa hita ko, hindi nadala sa 'katialis.' Minsan naisip kong palagyan ng tattoo, pero nakakahiya naman, kasi nasa hita.

7 years old ako nung naging pulitiko ang tatay ko, nakasanayan na namin na ang bahay namin ay hindi nawawalan ng taong nanghihingi ng abuloy, pagpapalibing at pagpapa-ospital. Meron din nangungutang ng pera o nakikipag-palit ng manok, gulay, bigas at agila.

8 years old ako ng nawili ako sa farm, may piggery, poultry, mga kambing at ang mortal kong kaaway ang mga 'turkey'. Minsan na-aliw ako sa itlog nilang malaki at parang polka dots, kaya ninakaw ko siya, bigla na lang ako sinunggaban ng 3 Pabo (turkey), nawalan ako ng malay at puro kalmot at tuka ang aking likod. Simula nun hindi na ako lumalapit dun, natutunan ko ng makuntento sa pagsakay sa kambing.

9 years old ako, naranasan kong maging 'pari' sa kindergarten fancy graduation. Ako ang nagsasabi ng "By the power vested in me, I now declare you Graduates of 1992." Naging ring bearer ng napakaraming kasal, escort sa napakaraming 'beauty contest' ng mga bagets. Ni minsan hindi ako ang kinoronahan.

10 years old ako ng nagsimulang mag collect ang nanay ko ng "Barbie," kakatapos lang maipanganak ang bunso kong kapatid at na realize niyang walang chance magka-anak ng babae. Dahil sa depression, bumili ng mga manika, binibihisan at ginagawan ng damit. Nainis ako sa mga manika, pinagpuputol ko an gmga ulo at tinatago sa ilalim ng sofa. Nahuli ako ng nanay ko, pinalo ako at pina-harap sa pader ng buong araw. (Kaya hindi lahat ng bading gusto ng manika... isaksak mo yan sa kokote mo!)

11 years old ako ng na-circumcised, buong akala ko ang 'circumcision' ay puputulin ang haba, yun pala babalatan lang. Tanga lang. Iyak ako ng iyak. May 1, 1994 yun, kasabay ng 'Labor Day', parang nag labor din ako. After 1 week, nanghuhuli na ako ng langgam sa labas ng bahay.

12 years old, grumaduate na ko ng Elementary. Excited na mag high-school at excited na din maging 13. Sa mga panahong ito, hindi pa din ako nagsusuot ng underwear. Pinilit lang ako ng tatay ko kasi daw binata na ako. Nawalan ako ng choice.

*******

Naalala ko ang lahat ng 'to habang tinitingnan ko ang mga luma kong litrato. Malayo na din ang narating ko. Ilang taon na din ang nalampasan ko. Salamat sa Diyos at okay pa din ako. Nakaka-tuwang isipin na hindi nasayang ang araw ng kabataan ko. Ang mga pangyayaring ganito ang nag-hubog sa akin para maging ako.

Ako ito.


Photo Source here.

~ sa muli

|


nagmamadaling umuwi pagkatapos ng klase.
high school ako nun ng ika'y aking makilala.
hindi ko inakalang ganun ako kabilis nahulog sa'yo.

sa isang batang katulad kong walang gaanong kaibigan
ikaw ang nagpasaya, nagpa-iyak at nagpahalakhak sa akin.
ang taas ng tingin ko sa'yo, andami mong kaibigan lahat magaling mag-ingles,

ikaw ata ang nagturo sa akin kung paano magsalita ng ingles-- ng tama at may yabang.
ginagaya kita lagi, pati mga suot niyo gusto ko.
lagi kang may bagong kwento.

sinamahan mo ko ng mahabang panahon.
binigyan mo ng kanta ang bawat lungkot at saya ng buhay ko.
pinaramdam mo sa akin na naiintindihan mo ako.

naisipan ko din dating sumulat sa'yo.
humingi ng favor na kantahin mo ang "favorite song" ko.
hindi mo ko binigo, nilagay mo pa sa kuwarto mo ang sulat ko.
kinilig ako, kinuwento ko sa lahat ng ka-klase ko.

ng nabalitaan kong wala ka na.
sobra pa sa lungkot ang naramdaman ko.
naging parte ka ng high school life ko... ng kabataan ko.

ng pinatugtog mo na ang kantang "video killed the radio star"
para akong nawalan ng kaibigan. nawalan ng kasama.
matagal man tayong hindi nagkita pagka-graduate ko ng college.
hindi ka nawala sa ala-ala ko.

ma mi-miss kita.
hanggang sa muli.

paalam
MTV.


Photo Source here.

~ ang plano

|

Last Sunday, sa Greenbelt, naghihintay magsimula ang misa, ng may tumabi sa amin ni siopao, mag boyfriend (babae at lalaki).

Maporma si lalaki, may konting tiyan nga lang. Si babae, legs ang panlaban, kung makapag shorts, parang hindi na pwede mag shorts bukas.

Nung natapos na ang misa, si Siopao biglang nag-litanya:

"Parang gusto ko ulit magka-girlfriend!"

Para akong balloon na hindi nakatali at binitawan sa ere, lumiit sa hangin. Siyempre kunwari cool lang ako:

"Bakit? Dahil dun sa katabi natin, naisipan mong maging taksil sa Kapatiran?"

"Oo, parang ang sarap magka girlfriend... pero wala nga lang s*x at ayokong manligaw"

"Eh pag ganun, hindi tao hanap mo..."

"Eh, ano?"

"Pigurin!"

Tumawa lang ng malakas. Kunwari nagtampo ako.

Pero sa totoo lang, mas malala ang gusto kong mangyari. Hindi lang girlfriend ang gusto ko. Gusto ko magka-anak, at gusto ko sa akin manggagaling. I think kaya ko. Sana kaya ko.


~ Nakaka-miss!

|
- Piaya. Dati hindi ako kumakain nito, ngayon na mimiss ko siya.

- The Ruins. Just a walk away from our house. It's a very old Spanish House turned into a tourist destination and a restaurant.

- Bacolod Jeep. May sounds at hindi uso ang punuan. Wala din silang terminal kasi kailangan paikot-ikot lang sila sa buong city.

- Calea Cakes. Hindi available to sa ibang lugar, sa Bacolod lang, wala din silang balak mag branch out kasi they've already become Bacolod's finest.

- Murang Chicken Inasal. You can normally get it at around 35php with rice na yun!

Haay! Gusto kong umuwi ng Bacolod!

Photo Source here, here, here, here and here.

~ ang ipod at ako

|

Oh, huwag OA! Hindi ako magaling kumanta, hindi ko rin pwedeng sabihing marunong ako. Huwag mag alala, hindi niyo kailanman maririnig ang boses ko. Na i-stapler ko na ang bibig ko. Partida, marami akong alam na kanta, mahilig ako sa music. Oo, adik ako sa music at mamamatay ako pag wala akong dalang iPod pag lalabas ako ng bahay.

Mahilig ako sa lumang kanta, 70's, 80's at 90's ang mga kantang makikita mo sa playlist ko. Hindi ibig sabihin na naabutan ko 'tong mga kantang 'to (Bata pa ako noh, or so I thought). Iba ang lumang music, may mararamdaman kang passion sa kumakanta, may hugot sa puso, at may pagbibigay halaga sa salitang damdamin. Siguro dahil kokontii lang ang singers dati kaya magagaling sila. Ngayon kasi kahit "Boses Plemahin" basta sikat gagawan ng album. Susmaryosep!

Rock, Alternative at Punk. nagulat ba kayo? Pero totoo, mahilig ako sa Rock, i-level up pa natin sa Hard Metal. Mga kantang buwisit ang nanay ko dati dahil umagang-umaga e yun ang naririnig niya sa kwarto ko... Para na daw magigiba ang bahay. Sa awa ng Diyos, hindi ko naman na translate ang pagkahilig ko sa pananamit ko... Hindi naman ako naging si Pepe Smith.

At para sa lahat, paki record ito, hindi rin nakatulong ang pakikinig ko ng Rock sa sexual orientation ko. Hindi mo pwedeng isiping, magiging mangga ang sa umpisa palang ay isa nang Saging sa pamamgitan ng pagpapausok sa puno nito.

Pop Music. Ang pabago-bago at ang walang kamatayang pauli-ulit ng mga pagkakatunog. Kumpara sa lumang kanta, intro pa lang alam mo na ang kanta, ibahin mo ang Pop Music, nangalahati na ang kanta, di mo pa din gets ang ibig sabihin niya.

Sabi ng firend ko, ako daw ang may pinaka magulong playlist ng iPod sa buong mundo. Hindi niya daw kayang i-categorize ang mga playlist. Parang gusto niya daw isauli ang diploma niya ng college bilang Engineer, kasi hindi niya mabigyan ng tamang calculation ang nangyayari sa iPod ko.

Heto ang mga weird na mga playlist/songs sa iPod ko, kung meron ka ring ganito sa mp3/iPod mo, sabihan mo ko, pra masabi ko din na may mga ka-uri ako.

1. Ace of Base
|From All That She wants to Beautiful Life meron ako. Sabi ng friend ko, aling parte daw ng buhay ko pinapatug-tog ito. Sabi ko pag nasa daan ako, at feeling ko hindi ako masaya sa gising.

2. AQUA
| Isang buong playlist. Favorite ko ang Cartoon Heroes. Hindi ko din alam kung bakit.

3. Smokey Mountain
| Dahil sa kantang "Paraiso"

4. Shanice
| I love your smile, Saving forever at Fall for you . Need I say more?

5. Jose Mari Chan Christmas Album
| Christmas In Our Hearts ang panalo sa pinakaraming times na pinatug-tog ko siya. Kahit hindi Pasko, kinankanta ko siya.

Weird man ang choice of music ko, or masyado mang malawak ang trip kung music sa buhay. Isa lang ang mahalaga para sa akin, ang music ay parang "Vitamins" ng buhay. Hindi ibig sabihing pag malungkot ang kanta ay malungkot din ang mood mo, minsan may mga mahahalagang mga pangyayari sa buhay natin ang ating naaalala dahil sa mga kanta. Hindi dahil sa mensahe ng kanta mismo, pero dahil eto ang kanta ng nangyari ito, o eto ang kanta sa FX na sinasakyan mo papuntang Monumento, habang katabi mo ang kras mo.

Kahit minsan, hindi tayo iniwan ng musika, andiyan sila sa bawat gabing unan lang ang kasama, sa gabing sumisigaw ka sa buong mundo na masaya ka, andiyan siya sa bawat pagkikita ng magkaka-ibigan, sa lahat ng reunion, sa lahat ng family gathering at kahit sa mismong Kasal o sa Kamatayan. Sa bawat mahalagang parte ng buhay mo.

Kaya kahit ang blog nito, may nakakabit na kanta, may play button sa gilid ng header (ayan titingnan niya na!). Kanta ko yan para sa inyong lahat (huwag matakot, hindi ko boses yan.) Sa taong 2010, isa lang ang gusto kong isipin nating lahat "Life Goes On"

"It's a fact, once you get on board say goodbye 'cause you can't go back"


Photo Source here.


PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.