
"Ano na nangyari sa'yo? How's 6 months so far?" tanong sa akin ng kaibigan ko sa telepono habang ako naman ay nag gugupit ng kuko. (kailangan i-describe ang ginagawa para more more ang pagka makatotohanan ng kwento.)
Bigla kong naalala, buti pa siya naalala niyang 6 months na ako dito sa Jeddah. Ako, tinigil ko na ang pag bilang ng araw, mas lalong tumatagal ang araw pag sinasamahan mo ng bilang.
"Okay naman... nasanay na din ako na walang pork at walang beer, walang sine, buti na lang may Starbucks, fridays, Chilis, Burger King, Dunkin donuts, Krispy Kreme at Jollibee, at least nararamdaman kong nasa mundo pa din ako. Actually, mas gusto ko na dito. Kulang lang talaga friends."
"Paanong walang friends?"
"Di gets? Gusto mo sign language ko? O Braille para challenging? Walang kakilala, walang ka kwentuhan. Walang kasama mag mahjong...Hahaha!"
"Mag-ingat ka diyan ha, balita ko bawal bading diyan?"
"Chusko, e kasing dami ng langgam sa garapon ng asukal ang bilang ng bading dito. Pina deport nga lang ang mga nagbibistida. Hehehe!"
"Kamusta sex life?"
"Ay biglang ganyan ang shift ng question? Para mo na ding tinanong sa akin, kung umulan na ba dito sa Saudi. Pag-uwi ko nga sa Pilipinas, mag-nenegosyo na lang ako ng ALSA Gulaman, nata de Coco at Pearl Shakes!'
"E ang love life, kamusta?"
"Alam kong pupunta din tayo sa tanungan na 'to. Okay naman, medyo mahirap sa umpisa, pero salamat sa twitter, sa skype at sa facebook....nakakatipid ako pang IDD. Salamat sa kanya, mabait at matiisin. Gusto ko na nga siya ipalit sa rebulto ni Rizal sa Luneta"
"Gusto ko nga diyan mag-work kaso baka ma-rape ako."
"Kung maka pag dahilan ka naman, as if ka pa na di mo din hilig yang 'habulang gahasa.' Dito, wala na medyong gahasaan, siguro sa mga province, pero dito kasi sa city, wala masyado. Marami lang mga batang, nagtatapon ng papel na may mobile number."
"Ay may ganyan?"
"Na sense ko sa 'rising and falling of intonation' mo ang galak, tuwa, at kasiyahan!"
"Gaga, nagulat lang ako!"
"Aminin na excite ka! Punta ka kasi dito nang may kasama akong gumala. Mahirap gumala pag walang kasama, baka hatakin na lang ako bigla sa daan."
"Ay may ganyan?"
"Pwede ka naman tumanggi... pero pag inabutan ka na ng Blackberry, dun ka na mag dalawang-isip."
"Wahahaha... ang saya diyan."
"Sabi ko sa'yo e. O siya, tama na 'to. mahal na 'to"
"Kuripot ka talaga"
"Mana lang sa'yo Bye!"
Pagkababa ng telepono, kinuha ko ang isang folder na puno ng papel. Mga sulat ko sa araw-araw, kung paano ko pinalilipas ang araw ko. Kasi darating ang araw, babalikan ko 'tong experience na 'to at sasabihin ko sa sarili ko "TOTOO PALA ANG HOMESICK."
(Insert Flor Contemplacion Movie theme song here)
8 ang naumay sa:
Time goes by so fast. Next thing you know, naka-ilang taon ka na din dyan. I agree, sometimes, nakakahomesick - buti nga may Jollibee ka dyan. Ako dito, wala. Haha.
Lastly, totoo. Salamat sa Skype, YM, at kung ano ano pa... napapadali ang usapan. Malayo man, malapit din. Naks.
Hang in there. You'll be fine.
Cheers, T
nice post...naka relate naman ako ng konti haha...pero nainggit ako kasi madami pala jan na batang arabo na naghahagis ng papel ng number nila haha,dito sa qatar walang ganyan!
may plano ka pa ba mag renew ng contract jan?
Six months is six months, half a year. Many things can happen.
Iba rin ang lungkot ng nasa ibang bansa no? But I guess, at the end of the day, it's going to be worth it. And you still have a loving partner that makes all the sacrifices meaningful.
Maybe after six more months, things will also get better.
You'll have more friends, you'll be more "adjusted". Best wishes =)
Kane
@Tristan: thanks for dropping by. if I may add, thanks to this blog, nakaka-paglabas ako ng iniisip. san ka ba, if you don't mind?
@mac callister: hehehe, oo ang mga batang na ninitsit sa gabi at nagtatapon ng papel habang busy ka sa grocery akkapili ng totoong karne. hehe
if the price is right i may renew... im starting to like it here.
@kane; thanks man.. i know homesickness is just a phase. thank heavens, for internet and tfc. LOL
@Bunwich
I'm in Washington, DC. I barely know anyone here when I moved last year and the biggest challenge was to make friends. It felt like I was back in high school - trying to fit in with the people I meet. Eventually, I made a few friends and it became a lot easier to be far away.
And yes, I can totally understand your sentiments - my blog kept me sane on my first year!
Kain lang ng kain lagi ng Jollibee! Hehe.
@tristan: I guess, I'm back to h.s nga talaga at this point.
Hopefully, I'll get over this stage, I'm definitely not liking it.
Thank you for the words. And yes, sa Jollibee na lang ako kakapit. hahaha
hey bunwich... i enjoyed reading your blog.
guess i can totally relate to your situation. my partner of 7 years and i also have a long distance relationship. march 2011 is our 3rd year apart. difference is, i work here in a call center, and he works in dubai.
not easy, but definitely workable. so do not listen to doomsayers,and do not allow them to becloud your dreams and aspirations. long distance relationship just might work.
in our case, we take our relationship one day at a time, never have too much unreasonable expectations, never loose traction, but just go with the flow.
take care, be safe ka dyan :)
Anonymous: thank you for the encouragement. Yes we will prove them wrong. Hehe ill keep you posted. Cheers to more years for you too.
Post a Comment