Showing posts with label ofw. Show all posts
Showing posts with label ofw. Show all posts

~ Unang Eksena

|
May 14, 2011

Kabado akong sumakay ng Saudi Airlines, di dahil sa may sasalihan akong contest kundi sa kung anu-ano ang naiisip kong pwedeng mangyari, maliban sa excitement iniisip ko paanu kung bumagsak ang eroplano, edi di na kami magkikita ni Siopao? Ako na ang positibo ang pananaw sa buhay. Haha!

Sa dami ng pasaherong Pinoy pauwi, ako tong walang katabi, inamoy ko tuloy ang sarili ko kung dahil baka nahawa ako sa amoy ng mga Arabo. Haha.

Yun ang pinaka-matagal na 9 hour flight ng buhay ko. Sa wakas, makikita ko na ulit ang Siopao.

Ang usapan namin, hihintayin ko siya sa Arrival dun sa mga may letra ako tatayo... Pagdating ko ng arrival, wala na ang mga letrang A-Z. Goodluck.

After few minutes, may naaninag akong bortang naka sando... Hmmm. Nagulat ako, si Siopao na pala, at deadmang nag hug. Ako ang nahiya. Ako na ang conservative. Ako na ang Immaculada.

"Parang di ka na excite?"

"Eh kasi, naka sando ka? At andaming nakatingin"

"Hmp Issue ang sando ko?"

"Oo kasi kulay yellow!" Pero ang totoo, na excite ako sa braso niya. (Nalibugan agad? Hahaha)

*** Alam niyo na ang sumunod na eksena pagdating sa bahay***
(Insert Katy Perry to the tune of Fireworks)


Happy New Year!
LOL


~ Usapang Straight

|

"May estudyante akong andiyan pala sa Jeddah, kitain mo para may makaka-usap ka diyan" sabi ni Mama sa telepono.

"Ano ang number, para matawagan ko. Sana malapit lang"

"Okay na, binigay ko ang facebook mo."

"Ikaw na ang namamahagi ng mga impormasyon ko sa lahat!"

"Basta, kitain mo."

Ganyan si Muder, concern sa lahat ng tao sa mundo, di niya naiisip nakaka-abala siya. Marilou Diaz - Abala.

Mga two days after namin mag usap ni Muder, may friend request na ko.
Marvin, 24, mukhang straight. (safe!). Infurnace sa itsura, parang raffle stub lang, the more entries you send the more chances of winning. May itsura, pero hindi na enhance kasi straight nga. Nakakapag duda lang na ang common friend namin ay ang bestfriend kong si Yon (see story here)

Accept. Online.

"Meg" sabi sa chat.

"Oh, musta?"

"Tumawag ba si Ma'am sa'yo?"

"Oo, nung Friday"

"San nga yang sa inyo?"

Nagkapalitan ng mobile number at address, buti naman at ilang tumbling lang ag accommodation niya sa Villa namin. Nagtatrabaho siya sa KFC. Suprvisor. Since we went to the same school, marami kaming napag kwentuhan. Since recommendado ni Muder, I felt safe makipag meet.

Gabi hanggang madaling araw ang trabaho niya. (Ganyan dito sa Jeddah, hapon na nagbubukas at madaling araw na nagsasara ang mga mall, kainan at mga pasyalan). Since one week akong walang pasok, we decided na pumunta siya ng Villa after ng work niya. Manghihiram ng DVD at mga mp3 sa itunes.

Alas-6 nagkita kami sa supermarket sa kanto, tapos diretso sa bahay. Kumain at nagkwentuhan. maya-maya kanya-kanya na kaming busy sa laptop. Napunta ang usapan sa girlfriend (patatalo ba ako sa usapang yan, may naka handa na akong scriptt para sa usapang straight)

6 years na sila ng girlfriend niya na nasa Singapore. Since pareho naman kaming lalaki, napagkwentuhan ang scarcity ng sex dito sa saudi sa mga babae.

"Kelan ang last mong sex, pare" sinabi ko yan na parang nasusuka. LOL

"Bago umalis ng Pinas. 3 months ago. Dati kong kaklase." sabay tawa.

Pero hindi dun natapos ang litanya ni Marvin.

"Sa lalaki naman last 2 weeks lang, nurse diyan sa hospital bago tong kanto niyo."

Namanhid ang buong katawan ko sa narinig.

"Ayoko na mag follow up question baka san pa umabot 'to" sabi ng isip ko habang hinihigpitan ang chastity belt.

Iniba ko ang usapan, napunta sa Mara Clara na palabas sa TFC nung oras na yun.

"Ganun talaga pag OFW, lalo na pag sa Saudi pa"

"Oo nga daw..." sagot na parang di interesado.

"Sorry pare kung na ilang ka sa sinabi ko."

"Wala yun. Ayos lang!" pahingi ng kape. Nalalason na ko.

Maya-maya may pinakita siyang profile sa facebook, taga Bacolod din daw kilala niya. Si Jeff.

"Ipapa-add kita sa kanya, para at least marami ka ng kakilala dito"

"Okay sige."

Maya-maya may friend request na ako mula sa friend niya. May common friend kami. Si Alfred na friend namin ni Siopao at si Valeen na schoolmate din namin. Mga officemate niya pala dati sa Bacolod.

Mas natuwa ako kasi may mga common friend kami, meaning at least mapagkakatiwalaan din.

Accept. Online.

"Musta?"

"Okay naman..."

"Paano kayo nagkakiilala ni Marvin?"

"Estudyante siya ni Mama nung high school.. Kayo?"

"Mga 2 years ago pa, tumatambay sila sa harap ng bahay namin nung college sila at bestfriend niya kuya ko at school niya ang girlfriend ko na andito din sa Jeddah"

"Ah ok. Small world."

Maraming tanong at sagot ang naipon muna bago ako nagka interes sa usapan namin ni Jeff.

"Ang iksi ng sagot mo, siguro pinagod ka ni Marvin"

"Huh?" shet naka-amoy.

"Gago. Wala. Tarantado ka ah."

"Ayos lang yan, kami nga last 2 weeks lang may nangyari."


Nag duda tuloy ako kung tama ang kasabihang:"Mother knows best"


to be continued...
Photo Source here.

~ Ano na?! 6 months ka na.

|

"Ano na nangyari sa'yo? How's 6 months so far?" tanong sa akin ng kaibigan ko sa telepono habang ako naman ay nag gugupit ng kuko. (kailangan i-describe ang ginagawa para more more ang pagka makatotohanan ng kwento.)

Bigla kong naalala, buti pa siya naalala niyang 6 months na ako dito sa Jeddah. Ako, tinigil ko na ang pag bilang ng araw, mas lalong tumatagal ang araw pag sinasamahan mo ng bilang.

"Okay naman... nasanay na din ako na walang pork at walang beer, walang sine, buti na lang may Starbucks, fridays, Chilis, Burger King, Dunkin donuts, Krispy Kreme at Jollibee, at least nararamdaman kong nasa mundo pa din ako. Actually, mas gusto ko na dito. Kulang lang talaga friends."

"Paanong walang friends?"

"Di gets? Gusto mo sign language ko? O Braille para challenging? Walang kakilala, walang ka kwentuhan. Walang kasama mag mahjong...Hahaha!"

"Mag-ingat ka diyan ha, balita ko bawal bading diyan?"

"Chusko, e kasing dami ng langgam sa garapon ng asukal ang bilang ng bading dito. Pina deport nga lang ang mga nagbibistida. Hehehe!"

"Kamusta sex life?"

"Ay biglang ganyan ang shift ng question? Para mo na ding tinanong sa akin, kung umulan na ba dito sa Saudi. Pag-uwi ko nga sa Pilipinas, mag-nenegosyo na lang ako ng ALSA Gulaman, nata de Coco at Pearl Shakes!'

"E ang love life, kamusta?"

"Alam kong pupunta din tayo sa tanungan na 'to. Okay naman, medyo mahirap sa umpisa, pero salamat sa twitter, sa skype at sa facebook....nakakatipid ako pang IDD. Salamat sa kanya, mabait at matiisin. Gusto ko na nga siya ipalit sa rebulto ni Rizal sa Luneta"

"Gusto ko nga diyan mag-work kaso baka ma-rape ako."

"Kung maka pag dahilan ka naman, as if ka pa na di mo din hilig yang 'habulang gahasa.' Dito, wala na medyong gahasaan, siguro sa mga province, pero dito kasi sa city, wala masyado. Marami lang mga batang, nagtatapon ng papel na may mobile number."

"Ay may ganyan?"

"Na sense ko sa 'rising and falling of intonation' mo ang galak, tuwa, at kasiyahan!"

"Gaga, nagulat lang ako!"

"Aminin na excite ka! Punta ka kasi dito nang may kasama akong gumala. Mahirap gumala pag walang kasama, baka hatakin na lang ako bigla sa daan."

"Ay may ganyan?"

"Pwede ka naman tumanggi... pero pag inabutan ka na ng Blackberry, dun ka na mag dalawang-isip."

"Wahahaha... ang saya diyan."

"Sabi ko sa'yo e. O siya, tama na 'to. mahal na 'to"

"Kuripot ka talaga"

"Mana lang sa'yo Bye!"

Pagkababa ng telepono, kinuha ko ang isang folder na puno ng papel. Mga sulat ko sa araw-araw, kung paano ko pinalilipas ang araw ko. Kasi darating ang araw, babalikan ko 'tong experience na 'to at sasabihin ko sa sarili ko "TOTOO PALA ANG HOMESICK."

(Insert Flor Contemplacion Movie theme song here)


PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.