May 14, 2011
Kabado akong sumakay ng Saudi Airlines, di dahil sa may sasalihan akong contest kundi sa kung anu-ano ang naiisip kong pwedeng mangyari, maliban sa excitement iniisip ko paanu kung bumagsak ang eroplano, edi di na kami magkikita ni Siopao? Ako na ang positibo ang pananaw sa buhay. Haha!
Sa dami ng pasaherong Pinoy pauwi, ako tong walang katabi, inamoy ko tuloy ang sarili ko kung dahil baka nahawa ako sa amoy ng mga Arabo. Haha.
Yun ang pinaka-matagal na 9 hour flight ng buhay ko. Sa wakas, makikita ko na ulit ang Siopao.
Ang usapan namin, hihintayin ko siya sa Arrival dun sa mga may letra ako tatayo... Pagdating ko ng arrival, wala na ang mga letrang A-Z. Goodluck.
After few minutes, may naaninag akong bortang naka sando... Hmmm. Nagulat ako, si Siopao na pala, at deadmang nag hug. Ako ang nahiya. Ako na ang conservative. Ako na ang Immaculada.
"Parang di ka na excite?"
"Eh kasi, naka sando ka? At andaming nakatingin"
"Hmp Issue ang sando ko?"
"Oo kasi kulay yellow!" Pero ang totoo, na excite ako sa braso niya. (Nalibugan agad? Hahaha)
*** Alam niyo na ang sumunod na eksena pagdating sa bahay***
(Insert Katy Perry to the tune of Fireworks)
Happy New Year!
LOL
10 ang naumay sa:
maligayang pagdating! sana maging napakasaya ng iyong pag-uwi. :)
welcome home at maligayang reunion sa inyong mag-asawa. ang saya!
Welcome back Bunwich! Kape no to, bilis! :D
gaya nga ng sabi mo "abot hanggang kisame ganyan" :D sulit na ang isang taong walang ulit. hehehe
welcome back!!!
hay salamat nag post din after ten years!!!
nag wowork out ata ang siopao mo kaya pinarangya na nya kaya sando anywhere?LOL!
HAHAHA! natuwa ako sa moment sa airport. lol.
welcome home po.. :)
welcome back! :-) ngayon na lang ulit ako nakpagbasa ng blog mo. na-miss ko ito ng bongga! :-)
its nice to know that you are once again reunited with your partner. are you already staying here for good or are you just in short vacation?
btw, dont you have plans of migrating to wordpress.com? im just curious.
Salamat domsent,kenchu,the green breaker. Thank thanks as with wordpress. Ok nko sa blogspot. Mahirap kasi mag bago. Hahaha
Post a Comment