~Dahil Minsan Nangangamoy Galit Din Ako.

|
Sa pagbalik ko sa Pinas, higit pa sa kayang i-digest ng utak ko ang aking mga nalaman. Tungkol sa kaibigan, kakilala at mga hinahangaan.

Sa kabila ng lahat, may natutunan ko, hindi ko sasayangin ang oras ko sa mga bagay na hindi nakakapag-pasaya sa akin. Hindi ko obligasyon ang taong mas piniling maging malungkot dahil sa nakikita nilang mas masaya ang iba.

Walang sigurado sa buhay, maaaring bukas makikita niyo pa ako, pwede din namang huling blog post ko na to. Walang pwedeng magsabi kung kelan matatapos ang buhay... kung kelan titigil ang paghinga. Pero isa lang ang alam ko, na hawak mo ang desisyon para i-enjoy ang buhay.

Masaya ako. Kuntento ako. Sinusubukan kong makagawa ng mas maraming tama kesa sa mali. Sinisikap kong maging isang mabuting kapatid, anak at kaibigan.

Pero sa kabila ng lahat, may mga tao pa ding pinipiling mas pansinin ang mali, kakulangan at ang pagkakataong maka sakit ng damdamin ng iba.

At marami dito ay magaling magsalita, kadalasan magaling magsulat ng blog.

Nakaka-awa.




Shit.




7 ang naumay sa:

Tristan Tan said...

Aw. Ano ito?

Mac Callister said...

hey,naku wag mo a isipin mga yan...ienjoy nalang ang bakasyon :-)

Desperate Houseboy said...

me punto ka jan parekoy. hopefully, yung mga taong gumagawa ng mali eh maitama ang mga bagay habang me oras pa. enjoy na lang
muna sa bakasyon. ;)

Von_Draye said...

ganda ng hinga ng sama ng loob mo ah...
okay, moving on...
sana yung next blog masaya na ha...

red the mod said...

It's a matter of maturity. Some people can't stand the fact that others are happy while they wallow in their own filth and depression. That self-entitlement proclaiming that if their not happy, noone else has the right to be.


Mature style does not mean mature writer. I learned that the hard way.

Don't worry. When you get home, we'll have that cup. Cool ka lang.

zeke said...

I believe that happiness has a one way ticket. If you reached it, don't fret: don't get sidetracked by the people who don't deserve your attention by pulling you down. Keep your cool, it will help you clear your mind and be justly over things unlike what other people has to say to you.

Jinjiruks said...

kagaya nga ng sinabi mo, wag mo nalang silang pagaksayahan ng panahon. nakaka-flatter nga minsan mga ganyang tao na inuubos talaga ang time and energy nila para pumuna ng mali ng ibang tao. at least may oras sila sa buhay mo.

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.