~ paano na si siopao?

|

Sa napipinto kong pag-alis, lahat ng friends, kamag-anak, tambay at madlang people, ang tanging tanong ay:

"Paano na si Siopao?"

Nakakatuwa din namang isipin na concern silang lahat sa magiging kalagayan ni siopao dito, pero sana di ba concern din sila sa akin, kasi ako ang pupunta ng Jeddah at hindi si siopao. (kulang ako sa atensiyon?)

Hindi magiging madali kay siopao, pero alam kong magiging okay siya kasi andito siya sa Pilipinas. Andito ang mga kaibigan, kamag-anak, may alak, may malate at hindi bawal gumimik kasama ang mga babae.

Kamusta naman ako di ba?

Bawal daw tingnan ang mga babae pag nasa kalsada. Naisip ko din naman, hindi magiging problema sa akin yun, kasi kahit dito sa Pilipinas hindi naman talaga ako tumitingin sa babae. Hehehe!

Bawal daw mag-suot ng damit na hindi mo kayang ipaliwanang ang print. Baka daw iisipin nila na nagpapalaganap ka ng satanismo. Eh naku, bumili ako ng puro plain na shirt. Iba't ibang kulay. Baka hindi satanismo ang ma-ipalagananp ko, kundi suporta sa Care Bears at Rainbow Bright.

Magpa-tubo ng bigote para hindi ma rape. Mas mataas daw ang rate ng mga lalaking nare-rape kesa sa mga babae. Sa policy na to, wala akong marereklamo. Joke!

Bawal kumain ng karne. Pero parang kulang ang policy na 'to, dapat "Bawal kumain ng Karne na nauubos... Ang mga hindi nauubos, okay lang kainin!" Hehehe!

Konti pa lang yan sa ga tissue ka habang kailangna sundin pag nasa Jeddah na.

Sige tanungin niyo uli ako, sa pag-alis ko...

"Paano na nga ba si siopao?"

Feeling ko sa mga bawal dun sa pupuntahan ko, for sure magiging okay siya na andito siya.


Photo Source here.

11 ang naumay sa:

Justine said...

good luck on your trip...sa middle east din ang punta ko...sabi nila magpatubo din daw ako ng balbas? mukha ba akong babae? hehehe


ingat sa disyerto.

iurico said...

hahaha - i love this post.natuwa ako.Good luck tsong!

Mugen said...

Paampon mo sa amin si Siopao!!

bunwich said...

@justine: oo nga, mas concern sila sa bigote. haha
@iurico: salamat ng madami
@galen: sige, paampon ko siya sa inyo... pero hindi kasi nagsasalita yun. hahaha!

london boy said...

bawal nga kumain ng karne, pero pwede namang isubo tapos iluwa ulit :)

subo lang ng subo, basta wag lulunukin, hehe

Dhon said...

nakakatuwa naman.. :)

Anonymous said...

ahhhhh, sad na walang nagtatanong sa yo.
kaya mo na daw sarili mo, di ka na nene noh!!!

Jinjiruks said...

tnt kay london boy. make sense.
ingat bunwich. sana sa al-khobar kanalang na destino.

Anonymous said...

good luck! wish you well :)
kaya ni siopao yun :)

bunwich said...

@london_boy: basta hanggang bibig lang pwede. hehe!
@dhon: nakakatuwa ang alin? ang pag-alis ko 0 ang di pagkain ng karne? hehe!
@anonymous: salamat. sana nga kaya ko din.
@jinjiruks: bakit anong meron sa al-khobar?
@curious cat: thanks.

JR said...

Nyahahaha...nice post!...

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.