Showing posts with label travel. Show all posts
Showing posts with label travel. Show all posts

~ paano na si siopao?

|

Sa napipinto kong pag-alis, lahat ng friends, kamag-anak, tambay at madlang people, ang tanging tanong ay:

"Paano na si Siopao?"

Nakakatuwa din namang isipin na concern silang lahat sa magiging kalagayan ni siopao dito, pero sana di ba concern din sila sa akin, kasi ako ang pupunta ng Jeddah at hindi si siopao. (kulang ako sa atensiyon?)

Hindi magiging madali kay siopao, pero alam kong magiging okay siya kasi andito siya sa Pilipinas. Andito ang mga kaibigan, kamag-anak, may alak, may malate at hindi bawal gumimik kasama ang mga babae.

Kamusta naman ako di ba?

Bawal daw tingnan ang mga babae pag nasa kalsada. Naisip ko din naman, hindi magiging problema sa akin yun, kasi kahit dito sa Pilipinas hindi naman talaga ako tumitingin sa babae. Hehehe!

Bawal daw mag-suot ng damit na hindi mo kayang ipaliwanang ang print. Baka daw iisipin nila na nagpapalaganap ka ng satanismo. Eh naku, bumili ako ng puro plain na shirt. Iba't ibang kulay. Baka hindi satanismo ang ma-ipalagananp ko, kundi suporta sa Care Bears at Rainbow Bright.

Magpa-tubo ng bigote para hindi ma rape. Mas mataas daw ang rate ng mga lalaking nare-rape kesa sa mga babae. Sa policy na to, wala akong marereklamo. Joke!

Bawal kumain ng karne. Pero parang kulang ang policy na 'to, dapat "Bawal kumain ng Karne na nauubos... Ang mga hindi nauubos, okay lang kainin!" Hehehe!

Konti pa lang yan sa ga tissue ka habang kailangna sundin pag nasa Jeddah na.

Sige tanungin niyo uli ako, sa pag-alis ko...

"Paano na nga ba si siopao?"

Feeling ko sa mga bawal dun sa pupuntahan ko, for sure magiging okay siya na andito siya.


Photo Source here.

~ behind the cloud... is an airplane (the BIG reveal)

|
sa pagpapatuloy...

sa mga hindi maka-relate, sumegwey muna ditey.

so ayun, magkatabi kami sa eroplano. since wala akong tulog the night before, nag-hihikab ako na parang wala ng bukas. so naisipan kong matulog.

pagtanggal ng seat belt sign, agad kong kinuha ang ipod at natulog.

after 20 minutes, naramdaman kong ang binti ni kuya ay nakadikit sa binti ko.

ka-stress.

ang balikat nakadiin sa balikat ko.

"Puno ba ako, para sandalan?" isip ko.

gumalaw ako ng konti para maramdaman niyang sising ako. saktong padating ang flight attendant para mag-abot ng maiinom.

"Coffee, Water or Juice" sabi ng F.A.

"Juice sa'kin, sa'yo?"

"Close tayo?" sa isip ko. Tumingin ako sa F.A.

"I'll have coffee, extra sugar and not too hot!"

Pagkatapos kumain, kinuha niya yung cup na inipit ko sa tapat ng seat.

"Tapon ko na 'to?"

"No, don't bother"

"I'll take care of it!"

"Thank you"

Pinanganak ata si Kuya ng may Best in Customer Service sa nuo. Inabot niya rin ang bag ko from the compartment. Ako naman, parang sirang plaka na kaka thank you sa kanya.

"Do we know each other?" habang naglalakad palabas ng eroplano.

"No, I just happen to like you!" sagot niya habang ngumiti ng very very light.

Diyos ko pong mahabagin. Parang gusto kong sabihan ang babae sa tabi ko na kurutin ako at baka isa lang itong panaginip. For the first time, sa daldal kung 'to, hindi ako nakasagot. Siguro dahil hindi ako prepared. Wala sa script ang eksenang ganito. Akala ko MMK entry ang pag-uwi ko, pero parang nauwi sa 'Precious Hearts Romances' ang eksena.

Balik sa composure. Dali-daling lumabas ng 'Arrival Area' para hindi na kami magpang-abot. Sa maniwala't hindi, kinabahan ako. Naisip ko baka isa itong 'trap' ng pamilya ko para makapag OUT na ako. Inisip ko baka naka video ito at ipadala sa Nanay ko. Lagot.

"John!" boses na galing sa likod.

"OMG!"

Paglingon ko, niyakap agad ako ni Jen, classmate ko nung college. Biglang nawala ang kaba ko knowing na may kakilala pala ako dun.

"What are you doing here?"

"May hinihintay ako"

"Sino?"

"Ay eto... John meet Eric, boyfriend ko." pakilala ni Jen sa lalaki

Yes, si Kuya nga. Nakita kong nagulat siya sa nangyari. ako man din ay nagulat. Minsan na nga lang mag boyfriend si Jen, sablay pa.

Inabot ko ang aking mga kamay kay Eric para pormal na magpakilala.

"Hi! Nice meeting you" sabay bigay ng i-know-what-you-just-did stare.

"Jen, mukhang pinag papawisan ata si Eric kasi nameet niya ko" habang nakatingin kay Eric.

Habang naglalakad kami palabas, binulungan ako ni Jen.

"Pasensiya ka na, medyo takot kasi yan sa mga bading"

"Oh, really now!" sagot ko sabay smile.

Kung alam lang ni Jen, baka siya ang matakot.

~ behind the cloud... is an airplane

|

May naganap.


Bago ko umalis, ay nagtampo ako kay siopao. Hindi ako ihahatid sa eroplano. Ayoko ng ganun, kulang sa drama ang pag-alis ko.


Tampo. Tampo.


Mamaya, nagbihis... effective. proven. effective.


Dumaan muna kami ng Robinson's Ermita para mag lunch... Bakit dun? Wala lang.

Pagkatapos, hinatid niya na ako sa airport at dahil wala pa siyang tulog from work. Natulog the entire trip. Sana naglatag na lang kami ng banig. Habang tulog si siopao sa aking balikat (walang magre-react) napansin kong mabilis ang takbo ng metro ni Kuya Drayber.


"Kuya, ang metring david mo... Harry Potter?"


"Sir?"


"Ambilis ng metro mo."


"Hahahaha!" inulit ni kuya ng ten times.


"Kuya, nasa cab tayo... hindi to comedy bar!"


"Walang daya ang metro ko, ma-traffic lang talaga kaya ganun."


"Defensive ka..."


"Hahahaha!" inulit ni kuya ng 5 times.


Bumaba kami ng taxi pagdating ng airport. (Malamang noh?!)


Goodbye. Kiss. Goodbye.

Sumakay ulit si siopao ng cab.


Pumipila na ko papasok ng entrance ng napansin ko si Kuya sa harap ng pila. Naka 'Basketball Shorts', Nike na sapatos at medyo fit na shirt. Matangkad. Basketball Player ata. May headset sa tenga at nakaipit ang pitaka sa garter ng shorts.


Confirmed, straight si Kuya.


Nung pila na sa check-in counter, ako na ang nasa unahan niya. Malamang siya ang nasa likod ko. Paulit-ulit? Bigla niya akong kinalabit.


"Sh*t!"


"Nahulog ang jacket mo, eto oh!"


"Salamat"


Back to Rubi mode.


Nung nagbabayad na ng terminal fee, sumisigaw ang booth ng


"200php TERMINAL FEE: EXACT CHANGE ONLY"


At dahil buong five hundred ang pera ni kuya. Nagkaroon na naman kami ng interaction. Nagpalitan kami... ng pera. (madumi isip?)


Rubi mode pa din. Ako at ang malaki kong shades.


Nauna siyang pumasok sa waiting area, dahil effort ang pagsuot ko ng sapatos. Naupo ako sa malapit sa Terminal door, malapit sa T.V. Nakita ko na dun siya malapit sa C.R. umupo.


Ipod. Basa ng Libro. Deadma.


Maya-maya, may tumabi sa akin. Yes, nahulaan niyo... As usual, si Kuyang Basketball player.


Deadma. Rubi mode. Deadma.

Dahil naka shades ako, nakikita ko ang ginagawa ni kuya, ng hindi niya nakikitang nakatingin ako sa kanya.


Panay ang tingin. Panay taas ng shorts, nakikita ko tuloy ang balbon niyang legs. Talo si Jepoy sa pagka-balbon. Hehehe! Panay din ang hawak sa kanyang harapan.


"Sh*t!"

(everybody sing now... "Oh, tukso... layuan mo ako!")


Boarding na. Nagsimula ng pumila ang mga tao.

Naging ugali ko na, na laging last pumasok sa eroplano. Naniniwala kasi ako na:


"Late entrance, early exit! Hahaha!"


Napansin ko si kuya hindi pa din tumatayo... sa kina-uupuan.

Ng nasimula na akong pumila. As usual nasa likod ko na naman siya.


Pina-una ko na si kuya pag dating sa inspection kasi hindi ko mahanap ang aking biarding pass.

Smile lang si kuya.


11F ang seat assignment ko. Pagkatapos kong ilagay ang bag ko sa compartment. Nag=excuse ako para maabot ang window seat. Pagtingin ko sa lalaking naka-upo...


As usual, si Kuya pa din.


Itutuloy...

~ manila! manila!

|
(Ang title ng blog post na ito ay hango sa Market! Market! at Brazil! Brasil!, pero ang mga lugar na nabanggit ay walang kinalaman sa kwento.... Gusto ko lang sabihin para makarami ng susulatin. Para masulit ang bawat pisong inihulog niyo sa donation box. Umupo, ilagay ang cellphone sa silent mode... Don't worry be happy... Relax, see a movie!)

Alas otso pa lang gising na ko. Alas 9:30am ang usapang darating sila Jepoy at Darc. Habang naghihintay ng text ay nagligpit muna ako ng mga gamit para sa napipintong pagpunta sa Jeddah para sa Miss. Earth competition (ang naniwala sa huli kong sinabi, siya ang taya!).

9:00 pa lang nag text na si Jepoy nasa sosyal na sosyal na siyang Guadalupe mall, naghihintay sa (as usual) late na si Darc. Dahil balot ang katawan ko ng mala-perfume kong pawis, naligo agad ako para masalubong na ng banda ang aking mga kaibigan. (Ang banda ay galing pang Bulacan - taga Mababang Paaralan ng Sta. Monica, Zest-O at isang pirasong Mamon lang ang bayad).

Nasa sosyal na sosyal na Guadalupe mall na kami ng nag text si Jepy, nasa jeep na sila at papunta na ng bahay. Teka, parang may mali ata --- andito ako sa Guadalupe tapos ang mga bisita ko nasa bahay na? Fail. Akalain mong lahat kami may cellphone, pero nagka salisi pa din. Katangahan na!

Nagkita-kita din kami sa kanto. Orange ang suot ni Jepoy na shirt, yellow kay Darc at ako naka-green. Nahiya ang Maxx Menthol Candy sa kulay namin.

Tumambay sandali sa bahay, nag-kwentuhan tungkol sa mga ka twitter, ka facebook, at blog ng kung sinu-sino. Napag-desisyunan namin na sumakay ng ferry from Guadalupe to Avenida. Excited ang first time na si Jepoy.

12:00nn na kami naka dating dun, at ang sabi ni kuya ay 1pm pa daw ang ferry. Musta naman. Naisip namin mag cab na lang papuntang Binondo for more fine-dining 'Estero' lunch date.


Narating din namin ang 'Estero' dala ang tig-iisang baldeng pawis. Not to mention ang tig-iisang sako ng alikabok sa aming mga tsinelas. Nagsisimula nang maging mukhang dugyot ang aming mga mala-porselanang, China ware na binti.

Kain. Lafes. Lafang. Cha. Tsibog.
(Note: Ang tsibog ay napaka 80's)

Siyempre hindi mawawala ang 'Pansit na i-uuwi kay inay'. Na binigay namin sa batang pulubi. Talo ang Binibining Pilipinas Charities sa aming kawang gawa.
(Ang 'Pansit na i-uuwi kay inay' ay ang tawag sa mga tirang pagkain na pwede pang ipa-balot at naka schedule ang kung sino ang mag-uuwi ng grand prize depende kung sino ang malapit sa kinainan. Hindi pa ata kumakain ng hindi kami nagkaroon ng 'Pansit na i-uuwi kay inay')

Dumeretso kami sa Avenida, para sumakay ng ferry. Kailangan naming sumakay ng ferry at mag-iwan ng bato. Char! Naisip ko, sooner or later magkakaroon na ng headline sa T.V.:

"Ferry Boat sa Pasig lumubog dahil sa sako-sakong batong naiwan sa loob! Lahat ng mahilig sa Jackstone, umiyak!" --insert Mike Enriquez here--

Bumaba kami ng PUP Terminal Station. Bakit? Wala lang. Pa-labas na kami ng terminal. More-more lang ang lakad ng 'Magka-kaibigang pinaglihi sa MAXX Candy', ng narealize namin na literally nasa loob na kami ng PUP Campus. Nagayak kami sa tuwa. Aba'y akalain mo, sino sa buong populasyon ng Pilipinas, maliban na lang sa mga estudyante ng nasabing school, ay nagkaroon ng pagkakataong maka-pasok sa PUP? Chosen few lang ata, ma i-cocompare mo sa dami ng taong nagkaroon ng multiple orgasm. Hindi namin napigilan ang aming sarili, nag papicture kami sa marker ng school. Para lang kaming nagpa-picture sa Eiffel Tower.


Naalala namin ang lugar kung saan tinawag ni Bea si John Lloyd ng 'August', dun namin na realize na ang aming tinatahak na landas ay tinatawag na 'Miss You Like Crazy Experience' talo ang 'Beyonce Experience.'

Dahil wala kaming makitang cab sa labas ng PUP, for obvious reason, kasi riles ng tren ang available dun, naglakad kami papuntang kanto para sumakay ng jeep papuntang Boni MRT station.

Destination: UP (Alma Mater ni Darc)
(Pagkatapos ng PUP, UP naman, expect baka ang next destination ay P na lang)

Kwentuhan tungkol sa indie film at ang mga film na nangyari sa totoong-buhay ang naisipang topis. Deadma sa nakakarinig sa loob ng jeep. Bakit, kanila ba ang jeep?!

Nag MRT, tapos bumaba ng Quezon Ave., at nag cab papuntang U.P.... Los Baños, ay U.P. Visayas... ay U.P. Diliman pala. Yun!


Naglakad. Nag-pawis.

Maya-maya naisipan naming mag isaw ni Mang Larry. (See Google map for location, pansinin ang larawan ng cart ni Mang Larry... 2x2 picture with white background. Akala ko nung una isa siyang malaking Resume) This time, pwede ng pag-taniman ng Monggo ang aming mga paa dahil sa kapal ng lupa.

Kain. Saw-saw. Boy watching. Kain. Tingin. Okray. Kain.

Pagkatapos kumain, naisipan namin mag Mang Jimmy's. (Sila Mang Inasal, Mang Bok at Mang Tomas na lang ang kulang... pwede na silang 'Mythical Five')

Pero hindi kami dun kumain. Bakit? Malayo kasi.

Nauwi kami sa Chocolate Kisses sa 2nd Floor ng U.P. Bahay ng Alumni. Nag-hire kami ng pianistang pwedeng tumugtog habang kumakain kami pero sa ibang Function Room siya dumiretso. Kaya nakikinig na lang kami. Gusto sanan naming mag-request ng Bad Romance. Hahaha!

Andami naming kinain. Dahil libre ni Darc ang dinner. Sino ba naman kami para tumanggi. Hindi pa kami na kuntento, nag-order kami ng dessert - 3 slice ng iba't ibang cake.


Bawat subo, hinihimay-himay ni Jeoy ang lasa at consistency ng luto. At dahil diyan, magiging food blogger na siya. Daig niya pa si Barefoot Contessa.

Nung nag-simula na ang kainan... ng Dessert (Uyy, madumi isip!) Huling tinikman ni Jepoy ang Carrot Cake.

Nag-orgasm sa sarap.

(Paano mag orgasm sa sarap: Nakatakip ang bibig ng kanang kamay, sa kabilang kamay hawak ang tinidor at may konting pang-gigigil)

Kaming 2 ni Darc, naluha sa kakatawa.

Pagkatapos ng diner, naisipan naming umuwi na. Sa wakas!

Ang 'Magka-kaibigang pinaglihi sa MAXX Candy' ngayon ay 'Magka-kaibigang pinaglihi sa MAXX Candy, Pregnant Edition' sa dami ng aming kinain.

Muli kaming naging pasahero ng MRT. Dun namin na realize na 'Foundation Day' pala nung araw na yun dahil kay kuya na 2 tones Fairer ang Foundation. Matalino siguro si kuya kasi na accelareate ang kulay ng foundation na ginamit.

Bago nag ka hiwa-hiwalay, nag-iwan ng isang matamis na kaway at pag-asang mauulit muli ang ganitong eksena sa aking pagbalik. At sa aking pagbalik, sisiguraduhin kong hindi na magiging dugyutin ang ating mga paa... pero nanaisin ko pa din maging 'Magka-kaibigang pinaglihi sa MAXX Candy'.


Sa uulitin.

~ effect sa FX!

|

Naisipan kong pumunta ng Market! Market! nung isang araw galing sa office. At dahil sa mainit, naisipan ko ding mag abang ng FX sa may Valero.

Wala pang 2 minuto, may FX na agad. Panalo,swerte ako sa araw na 'to. Pagpasok ko sa may pangalawang pintuan, yung apatan sa likod ng driver seat, may isa ng babaeng naka-upo. Naka bubuyog shades, hindi ka putian at medyo maitim ang batok. (Nevermind sa batok, exaggeration ko lang yan).

Upo. Upo. Pay-pay. Text-text.

Paliko na ng Paseo Center ng biglang may pumasok na 2 malaking bulas na kalalakihan. (Huwag bigyan ng malisya dahil mukha silang taga-deliver ng gasul na naka long sleeve lang at neck tie.

So, 4 na kami, sa awa ng Diyos kumasya kami... Well, actually hindi naman talaga kami 4, sa payat kong to, mga 4 1/2 kami, yung 2 lalaki, ituturing kong bilangin ng 2 ang katawan ng babae at ako bilang 1/2/ lang. So literally... HINDI TALAGA KAMI KASYA.

Habang binabay-bay namin ang Paseo going to Buendia Flyover, napansin ko si Ate na panay himas sa balikat niya at sabay reklamo (may sinasabi na parang sarili niya lang nakakarinig).

"Isa na lang Ate, bi-bingo ka na!" isip ko.

Hindi pa din tumigil si Ate. Ganun pa din ang paulit-ulit na ginagawa.

"Ate, may problema ka?"

"Ikaw kasi, dumidikit ang braso mo sa braso ko"

"Wow, nakakhiya naman sa'yo, ikaw nga tong nag-occupy ng kalahati ng upuang binayaran ko, tapos rereklamo ka pa. Kung ayaw mo ng masikip, mag taxi ka, kung wala kang pamasahe, magsabi ka lang... PCSO mode ako ngayon" ang natatanging award na ginawad ko kay Ate.

Hindi na nakasagot si Ate. Nag busy-busyhan sa pag te-text sa kanyang China Phone na isang pulgada ang haba ng antenna. LOL

Quiet si Ate the entire trip. Parang may retreat ang buong FX sa sobrang tahimik. Bumaba ako ng FX pagdating ng Kalayaan para lumipat ng jeep.

"Ate sa susunod ha... Huwag mag-inarte kung hindi naman kasing payat ni Kim Chiu!"


~ ang init ba?

|
Since summer na, at sobrang init na, malamang lahat sa inyo kating-kati na mag beach at mag suot ng pek-pek shorts. So let me take you to some Summer Destination from my hometown... Bacolod City, Negros Occidental.



►Jomabo presents a number of watersports and rides to entertain its visitors while under the sun like parasailing, trampoline, ocean kayak, aqua cycle, water wheel, island hopper and banana boat ride. What was unique about them is they have a solar powered cell that gives power supply to all its cottages, guesthouses, cabanas, bar/restaurant and its hotel.




◄Carbin Reef is a white sand bar located off Sagay City and the island of Negros in the Visayas (the central islands of the archipelago). It's about a 1 hour drive from Bacolod City and is accessible via a "pumpboat" (a small local boat) from the port of Sagay. This beautiful island is in fact a Marine Sanctuary where aquatic life can recover. The rules are so strict on the use of waste and it is forbidden to take anything from the island.




►Punta Bulata Resort is known to have one of the finest and whitest beaches in Negros Island. Nestled 154 kilometers south of Bacolod City lies one of Negros Island’s best-kept secrets. Punta Bulata White Beach Resort and Spa is a tropical hidden paradise that truly reflects the laid back lifestyle of the opulent sugar barons of Negros Island. Enjoy one whole kilometer stretch of white sand beach in privacy and exclusivity as you spend quality time with your friends and family.







◄The Mambukal Resort lies 1,200 feet or about 366 meters above sea level and serves as a gateway to the Mount Kanlaon Volcano. Mambukal is blessed with numerous beautiful natural resources. A huge mountain stream, fed by several water channels, flows down in a series of seven falls and flows through the center of the resort, feeding the swimming pools and boating lagoon.



PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.