~ behind the cloud... is an airplane (the BIG reveal)

|
sa pagpapatuloy...

sa mga hindi maka-relate, sumegwey muna ditey.

so ayun, magkatabi kami sa eroplano. since wala akong tulog the night before, nag-hihikab ako na parang wala ng bukas. so naisipan kong matulog.

pagtanggal ng seat belt sign, agad kong kinuha ang ipod at natulog.

after 20 minutes, naramdaman kong ang binti ni kuya ay nakadikit sa binti ko.

ka-stress.

ang balikat nakadiin sa balikat ko.

"Puno ba ako, para sandalan?" isip ko.

gumalaw ako ng konti para maramdaman niyang sising ako. saktong padating ang flight attendant para mag-abot ng maiinom.

"Coffee, Water or Juice" sabi ng F.A.

"Juice sa'kin, sa'yo?"

"Close tayo?" sa isip ko. Tumingin ako sa F.A.

"I'll have coffee, extra sugar and not too hot!"

Pagkatapos kumain, kinuha niya yung cup na inipit ko sa tapat ng seat.

"Tapon ko na 'to?"

"No, don't bother"

"I'll take care of it!"

"Thank you"

Pinanganak ata si Kuya ng may Best in Customer Service sa nuo. Inabot niya rin ang bag ko from the compartment. Ako naman, parang sirang plaka na kaka thank you sa kanya.

"Do we know each other?" habang naglalakad palabas ng eroplano.

"No, I just happen to like you!" sagot niya habang ngumiti ng very very light.

Diyos ko pong mahabagin. Parang gusto kong sabihan ang babae sa tabi ko na kurutin ako at baka isa lang itong panaginip. For the first time, sa daldal kung 'to, hindi ako nakasagot. Siguro dahil hindi ako prepared. Wala sa script ang eksenang ganito. Akala ko MMK entry ang pag-uwi ko, pero parang nauwi sa 'Precious Hearts Romances' ang eksena.

Balik sa composure. Dali-daling lumabas ng 'Arrival Area' para hindi na kami magpang-abot. Sa maniwala't hindi, kinabahan ako. Naisip ko baka isa itong 'trap' ng pamilya ko para makapag OUT na ako. Inisip ko baka naka video ito at ipadala sa Nanay ko. Lagot.

"John!" boses na galing sa likod.

"OMG!"

Paglingon ko, niyakap agad ako ni Jen, classmate ko nung college. Biglang nawala ang kaba ko knowing na may kakilala pala ako dun.

"What are you doing here?"

"May hinihintay ako"

"Sino?"

"Ay eto... John meet Eric, boyfriend ko." pakilala ni Jen sa lalaki

Yes, si Kuya nga. Nakita kong nagulat siya sa nangyari. ako man din ay nagulat. Minsan na nga lang mag boyfriend si Jen, sablay pa.

Inabot ko ang aking mga kamay kay Eric para pormal na magpakilala.

"Hi! Nice meeting you" sabay bigay ng i-know-what-you-just-did stare.

"Jen, mukhang pinag papawisan ata si Eric kasi nameet niya ko" habang nakatingin kay Eric.

Habang naglalakad kami palabas, binulungan ako ni Jen.

"Pasensiya ka na, medyo takot kasi yan sa mga bading"

"Oh, really now!" sagot ko sabay smile.

Kung alam lang ni Jen, baka siya ang matakot.

15 ang naumay sa:

Aris said...

hahaha! i love the twist. :)

~Carrie~ said...

TITIlating twist

citybuoy said...

ang twist! aylahvet!

Jinjiruks said...

HAHA. katawa ang twist na ito. talaga lang ah. tama nga ang studies na ang mga homophobes eh may tendency talaga na bading din.

naalala ko na naman ang bus moment na iyan nung katabi niya gf niya at type ka pala.

wala na talagang matinong bf. hehe.

CLOUD said...

ayyy. natanso si Jen!

Von_Draye said...

hahaha!!
Kawawang Jen, ruler na lang talaga straight!

casado said...

wow...haha..ang tanong, magiging "The Other Woman" ka kaya? abangan....

lee said...

hahahaha d ko akalain ang twist :D

bunwich said...

@soltero: hindi ako magiging other woman kasi: 1 d ako woman. 2. hindi ako single 3. hindi ako pumapatol sa taong hindi tanggap ang sarili niya
4. ayoko sa manloloko.
(hahaha\1 nag explain?)

@lee: ako din. na tahimik ako sa na ngyari
@von: oo ruler na lang talaga.
@cloud: oo, naloko na..na-tanga pa!
@jin: tama... ang mga takot sa bading, yun ang nangangamoy
@carrie: anlaki ng TITI lalaga sa TITIllating?
@aris: idol... hehehe! thanks sa pagdalaw.

wanderingcommuter said...

kaya pala di straight ang tawag sa bading kasi twist... makiki ilove the twist na din ako! iluv it!

bunwich said...

@wandering: oo, kasi ruler na alng ang straight. LOL thanks for dropping by.

Clayman said...

tumbling! :P

Alagad ni Redorna said...

Naloka ako dito. BIG TIME.

gian hernandez said...

ilovethis JZE!

bunwich said...

@alagad ni redorna: hahaha! kilala kita. wahahaha!
@mindrubbles: hamishu!

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.