
4 na oras lang ang tulog dahil sa mga bagay na hindi maiwasang isipin (ang pag-alis), minabuti kong bumili ng kape.
Naglakad ako papuntang Starbucks sa Rockwell. Medyo mainit at maalikabok dahil sa ginagawang daan. Walang pakialam, for the love of coffee.
Konti pa lang ang mga tao, as usual, puno pa din ng mga Atenistang nag-aaral ng Law sa katabing building. Walang tigil pa din ang pag-litanya ng ingles na hindi ko naman naiintindihan. Siguro dahil antok ako, o dahil blue sila at true blooded green ako. LOL
Smile si ate sa counter. Nag ra-rapport. Deadma.
"One Grande Americano"
"For here?"
"To Go"
"Name po nila?"
"Eva"
Ngumiti si Ate. Ako, deadma.
Pumunta ako sa lagayan ng mga newspaper. Dinampot ang isang Phil Star at nagbasa. Kunwari. Inip.
"Hi, is this seat taken?"
"No"
"Today?"
"No, It's Phil Star"
"No, i mean if the newspaper is for today?"
"Uhmm, Sh*t tanga ako" isip ko, nakakahiya sa chick. (Straight? Paki-baba ang kilay, please)
Nagpakawala ng malaking tawa.
"Sorry, yeah... you want?"
"After you"
Dead air.
Dead air.
Pagkalipas ng 48 years na paghihintay.
"One Grande Americano for EVAH!"
Lumingon ang mga tao, may konting tawang pinakawala ang mga labi nilang hindi gaanong mapula.
Ako na yun. Kinuha ang kape.
"What's your name again?" tanong ni Ateng katabi ko kanina, na maganda at sexy at pag nagsalita parang kaka graduate lang sa POVEDA.
"Uhmmm... MARIAH!"
Exit Right. Repeat to fade. Smile ng konti.
******
Para kay Hakob, ang unang nagbigay ng 'Mariah' sa taong nag-tanong ng pangalan niya sa BED.
Photo Source here.
10 ang naumay sa:
kuwawang ate. napatabling sayo. haha
masaya yan! mangtrip sa starbucks. pwede rin for hugh (tapos pag sinigaw, sabihin mo for me? awww!!!) or for free.. pwede rin for mia. haha
americano din pala gusto mo. tatlo na tayo. kaso ako mas gusto ko siya pag may caramel. :D
PANALO!!! mamimiss ko yang mga kwento mong yan John. haaay. see you after 2 years? promise matutupad ang sinabi mo sa akin :)
@citybouy: Oo, maka kano din. Hehehe! epekto yan ng walang tulog..nag ti-trip!
lakas ng trip ah. nakakahiya pero astig!
had my first laugh for the day.
salamat. =D
makakano? haha kilala mo ba si red the mod? venti americano trip nun. i think nagpapadagdag ba siya ng extra shot. gising hanggang miyerkules!
ahahaha!!!
thanks for the laugh.
not a starbucks fan eh, siopaobunwich fan lang.
hahaha!!
@jinjiruks: oo nga e, epekto ng antok
@engel: salamat idol. (april boy?)
@citybouy: 'Kano' tawag namin dun.
@von: magkamukha ba kami ng butil ng kape? LOL
@Nyl Ay, may ganun? Hehe, sorry na lang. I ayoko namang maging euphemistic na caffeine-holic. Addict kung addict. Yesterday it was Dark Mocha Frappucino grande, non-fat, no-whip, double extra shot. Solb!
@red: hala nyl.. ayansumagot na...
Post a Comment