
Saturday. Naging ugali ko na ang mag log-in sa facebook, sa blog, at sa twitter para i-check at mag reply sa mga nag-comment overnight.
Kaka log-in ko pa lang sa fb ng may apat agad na sunod-sunod na nakipag chat, lahat sila ay hindi ko personal na kakilala, puro mga nakaka-sagutan ko lang sa mga comment.
Una: "Okay ka lang ba?"
Pangalawa: "Ano ba yung tinext mo kagabi?"
Pangatlo: "Totoo bayung text mo"
Pang-apat:"Manloloko!"
Sa lahat ng message, maliban sa hindi ko naiintindihan kung bakit ganun ang mga sinabi nila, hindi ko din matanggap ang sabihin akong manloloko.
Kahit saang networking site, hindi ko kailanman tinago ang aking mukha, pagkatao, o panglan dahil naniniwala akong wala akong dapat ikahiya o itago sa aking pagkatao. Kahit hindi ako out sa family ko, ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang magpanggap o manlinlang ng kapwa.
"Bakit?" Sagot ko sa apat na parang hinihintay talaga ako mag online. Parang fans na nag-aabang sa mall show.
Nagreply ang lahat na parang may kodigong pinagkunan ng sagot. Pareho ang nilalaman, iba-iba nga lang ang pagka-kuwento.
May nag text daw sa kanila ng gabing yun, nagpakilalang ako at nanghihingi ng pera kapalit ay SEX. (prangkahan na, naiinis ako e!)
Sabi sa text:
Hi, Si _____ po to, yung friend mo sa facebook.Check mo na lang picture ko sa facebook.1000 pesos lang kapalit SEX tayo, kahit ano gagawin ko!
Namutla ako sa sinabi nila. Dalawang bagay lang ang pumasok sa isip ko:
1. Since hindi ko sila ka-close masyado, gusto kong i-convince sila na hindi ko gawain ang mga ganyang bagay, at ni minsan hindi ko inisip na gawing kalakal ang pakikipag SEX. Na hindi ako ang nag text sa kanila at ginamit lang ang facebook ko at ang inosente kong mukha para pagka-perahan sila.
2. Sino kayang hinayupak ang gumawa nun at sa dinami-dami ng member sa facebook, ako pa ang napili niya. Ano kaya ang ginamit niya? Tambiolo ba o electronic raffle? At paano ko magawang mahuli ang litsugas na yun at magawang balatan ang talampakan at palakarin sa mainit na Aspalto papuntang Baclaran. Isa lang ang sure ako, isa lang din sa mga friends ko sa fb.
Na convince ko ang tatlo, hindi kasi pumatol sa malisyosong text kaya hindi mahirap paliwanagan. Nasabi ko tuloy na imposibleng i-text ko sila kasi SMART ang number ko at puro GLOBE sila. (Ako na lang yata ang natitirang SMART subscriber sa buong mundo) Kitams, pati ang nanloloko sa kanila GLOBE din. Hayup!
Nahirapan ako sa pang-apat mag convince, nagpadala kasi si Bakla ng 1000 thru Western Union, na convince kasi daw siya na magpadala kasi kahit pamasahe daw wala ang manloloko. Sabi niya, based daw sa picture ko sa facebook ay mapagkaka-tiwalaan naman daw ako. (May isa pa siyang sinabi bakit napapayag siya, hindi ko na sasabihin, mabigat magbuhat ng bangko. Nakaka-pilay!)
"Ang mukha ko sa facebook mapagkakatiwalaan talaga yan, pero ang nag text sa'yo kagabi...HINDI!"
Buti na lang may common friend kami na classmate ko nung college at online sa araw na yun. Sinabi ko sa kanya na tanungin ito para mapatunayan kong hindi ako naglalako ng karne thru text. Buti na lang naniwala, pero ang araw ko nasira.
Dali-dali akong nag post sa FB, para bigyan babala ang mga fans.. ay mali, friends pala. Nakahakot siya ng record breaking comments at marami din ang nag nag-confirm na nakatanggap ng parehong text message.
Naisip ko, account ko lang ang pwede kong kontrolin hindi ang pag-iisip ng ibang tao na pwedeng gamitin ang mga picture ko at ang pagkatao ko para maka panloko ng kapwa.
Siguro, oras na din para mawala ako sa cyberspace. Babalik na lang ako sa "Airmail"
10 ang naumay sa:
Whaaatttt?!!!
Yikes nakakatakot!
HHmm...
Get used to it, di ka pa artista ginaganyan ka na,....
Pano kung artista ka na?
hehehehe.
no seriously, don't let it get you....
i know nakakbad trip siya, but keep your cool...
ano magagawa mo sikat ka na eH? hehehe...
iprivate mo na fb mo. and change the profile pic.
dami talaga asshole sa mundo.
pardon my french.
That's the reason bro why I don't easily show my face pictures sa internet.
Just the same, I'd raise my alarm too. Ingat ingat ka lang.
Nabiktima rin friend ko.
me ganyang modus pala, akalain mo nde kpa nag-aartista meron nang kumikita sa iyo.
pero saludo ako sa mga kagaya mo na hindi tinatago ang sarili at nagpapanggap dahil wala ka namang dapat itago.
hala ka. that's not nice. panira ng pangalan.
madaling sabihin na hayaan mo nalang. it would be nice if there was some place we cuold report this to.
salamat sa concern guys, medyo nakakalungkot lang that some people are capable of doing such things at other's expense.
i'm thinking of totally putting everything to rest.
wag mo naman isama ang blog mo sa pagpapahinga na yan.
tsk tsk may mga tao lang talaga na mapagsamantala :(
Post a Comment