~ sweet revenge

|
Revenge is sweet and fattening.

Kaninang umaga, may kung anong hangin ang pumasok kay siopao para bigla niya akong gisingin, sabay daw kami. Idadaan niya ko sa office tapos makikipag meet siya sa mga dati niyang ka opisina. Ano na? Makikipag-kita ng 5 ng umaga? Breakfast meeting?

The entire trip, hindi ako pinapansin. Para lang akong plastik na aso na umuuga-uga ang leeg na nakalagay sa harap ng driver ng taxi. O di kaya yung kuting ng mga intsik na walang ginawa buong maghapon kundi kumaway.

Nainis ako. Nung pababa na, biglang nag-smile at nag goodbye. Adik. Inirapan ko nga. Walang lingon-lingon. Talo si Amor Powers kung mag galit-galitan.

Bilang ganti, hindi ako tinext buong araw. Siyempre nainis ako lalo. Mabuti pa ang SMART nag-text sa akin tungkol sa kung magkano ang charge pag nag upload ng picture sa facebook. Buti pa ang Q, nagtetext sa akin ng mga happening sa weekend, na until now hindi ko malaman kung sino ang nagbigay ng number ko dun. E hindi ko nga mahanap ang lugar na yan sa mapa. Buti pa si Aling Lucing, na kahit na mis-sent lang siya at inakalang ako ang kumare niya, ay nakuhang yayain akong mag mahjong. Buti pa si Vice Ganda laging may nagte-text. Pero si siopao hindi nagparamdam. Walang text. Kahit sut-sut, wala.

Nangangamoy away ah. (Drum roll!)

Bago ako umuwi galing work, dumaan muna akong Pancake House para bumili ng pasta.

"Take out po ba?"

"To Go"

"Ay sir, dun po yan sa kabilang street."

"Ang alin?"

"Ang ToGo"

Naningkit ang mga mata ko na parang si Maricel Soriano, at gusto ko siyang talakan ng mga 145 words a minute na walang hingahan. Pero dahil naniniwala ako sa goodness, pinalampas ko na si Ate. Walang gamot sa pagiging tanga, kundi pagkukusa.

Pag-uwi ko ng bahay, tulog ang mokong. Nakadapa at walang damit. Sh*t, baka rape ang kahahantungan nito. Joke! (First day ko ngayon, bawal... di ba girls? LOL)

"Wi, gising na?" mala Jacklyn Jose, malumanay tone.

Ungol.

"Sige na gising na?" in a very Angelu de Leon pa tweetums na boses. (T.G.I.S. Days)

Ungol lang na may halong pagkatamad ang ginanti.

"Sige na, gising na. May pasta akong dala..."

Parang nagkasunog bigla sa kapitbahay at gising na gising na agad ang diwa niya.

"Ano to? Bat nagdala ka ng pasta?"

"Pakonsensiya"

"Huh?"

"Dahil nainis ako sa'yo kaninang umaga, at dahil hindi ka nag text buong araw, bubusugin ko ang konsensiya mo"

"Ang galing mo talaga"

"Killing people with kindness, is the best revenge! Kung tatalakan kita, baka ako pa ang magmukhang balahura."

"May point ka diyan... mula ngayon aawayin na kita para may 'revenge' kang laging dala."

"Utot mo!"

Ang sumunod na eksena ay ang pag sentensya sa pasta. Hindi na nagsalita. Sa bilis na naubos ang pasta, I doubt kung nakonsensiya.

Di bale na. Nakita ko namang tuwang-tuwa siya. Solve na.


Photo Source here.

16 ang naumay sa:

engel said...

awwww how sweet. =)

Dhon said...

Ang TWEEET naman! :P

Jepoy Dacuycoy said...

ahahahaha. napakanta tuloy ako ng PERFECT COMBINATION. ahihihi

Jinjiruks said...

hayz. nangiinggit ang isa dyan. naubos na ng langgam ang keso sa inyong dalawa.

Von_Draye said...

Haha!!!
Yan ang hirap, walang kasiguruhan ang"revenge" kung makokonsensya sya o hindi...

So walang boom boom pow afteR?
ready na sya di ba?
ehehehe.

bunwich said...

@engel: hehe! hindi naman, kung alam mo lang numero unong sarcastic yun
@dhon: tweet talaga?
@jepoy: naka videoke mode ka na naman.
@jinjiruks: nagsara ng nga ang EDEN.
@von:walang boom boom pow. natulog lang after.

POPOY said...

potah ingit ako... wish may ganyan din sakin hehehehe SWEET!

iurico said...

potek! kaiinggit. waaaaaaaah

lee said...

d ko matapos-tapos basa nag post mo. ang dami kasing crawling ants ng screen ko. ANG SWEEEET NYO KASI!!! :">

citybuoy said...

ang cute cute niyo! haha alam mo honestly, confused na ako kung sino si siopao at sino si bunwich. nagkakapalit na kayo ng mukha eh. hihi

sabi nila revenge is a dish best served cold. apparently, warm pala with a side of garlic bread. hehe

Eternal Wanderer... said...

"Take out po ba?"

"To Go"

"Ay sir, dun po yan sa kabilang street."

"Ang alin?"

"Ang ToGo"


omg. SOBRA akong natawa!!!

AHAHAHAHAHAHA

bunwich said...

@popoy: meron yan... hintay ka lang, baka nag c.r. lang
@iurico: ano na! ang pasta may kasalanan. hindi ako
@lee: sorry, andami ba talaga?baka nasa ilalim ka ng mangga
@citybouy: ako din na coconfuse e, minsan nakikipag s*x ako sa sarili ko. peace!
@eternal: oo, FTW! si ate, gusto ko siya ibalik sa mars.

Jinjiruks said...

akalain mo anung oras na gising ka pa rin bunwich. baka sabog na mata mo niyan!

Von_Draye said...

@citybouy: ako din na coconfuse e, minsan nakikipag s*x ako sa sarili ko. peace!



-panalo na sa blog panalo pa sa comment!
hehehehe

bunwich said...

@von: nabasa ko ang blog mo.. natutuwa ako. hehehe!

Anonymous said...

grabe, khit mejo late n ako mgcomment... sna matagal ko ng n discover to... daming nkaka aliw blogs... nkaka tanggal ng stress...

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.