~ sabi ng puso

|
Pagpasok ko sa kwarto, nadatnan ko si Siopao na nag-aayos ng cabinet. Walang imik. Alam kong fulfillment sa kanya ang mag-ayos sa kwarto. Umupo ako sa dulo ng kama habang pinapanuod siya. Mariin niyang tinutupi ang mga damit. Hinihiwalay ang damit na may kulay sa mga puti.

Alam kong napansin niya ko, pero hindi man lang tumango at tumingin sa akin.

"Uy, alis na ko sa next week."

"Kelan tayo mag start mag-impake"

"Hindi mo ba ko pipigilan?"

"Hindi!"

Umupo siya sa gilid ng kama. Blanko ang mukha.

"Hindi dahil boyfriend mo ko may karapatan na akong pigilan ka sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo. Ang pinaka magagawa ko lang ay suportahan ka sa mga pangarap mo. Hindi ba, sa simula pa lang, alam natin pareho na ang relasyon na 'to ay hindi dapat maka-apekto sa mga gusto nating maabot sa buhay?"

"Ahhhh..."

"Tanggap ko, na bilang asawa mo, may mga panahong gaya nito. Alam ko para sa'yo 'to at alam kong gusto mong gawin to. Masaya ako kung alam kong masaya ka sa ginagawa mo at natutupad mo ang mga pangarap mo."

"Eehhhh..."

"Huwag kang mag-alala, may babalikan ka pa naman. Hindi naman ako mawawala. Buong buhay na kitang hinintay at pinag-dasal. Ano ba naman ang 2 taon. Ayos lang yan."

"Haaaahhhh"

"Bakit ka ba sigaw ng sigaw? Hindi ka na nakapag-salita diyan."

"Eh, nagpapa-pansin lang naman ako e... nag sermon ka na diyan bigla. At inupuan mo kaya ang kamay ko. Ang sakit kaya!"

"Hay naku... Kahit kelan ka talaga... kung kelan nasa 'Maalaala Mo Kaya' mode na ko. Panira ka ng drama!"

Bumalik siya sa pagtutupi ng gamit.
Alam ko ang gusto niyang iparating, ramdam ko na higit pa sa pagmamahal ang kaya niyang ibigay.

Tiningnan ko siya habang tutok sa ginagawa. Alam kong malungkot siya.

"I love you"

"I love you more!" sagot niya.



Photo Source here.

12 ang naumay sa:

Jinjiruks said...

"Hindi dahil boyfriend mo ko may karapatan na akong pigilan ka sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo. Ang pinaka magagawa ko lang ay suportahan ka sa mga pangarap mo.."

I like this line..
napaiyak naman ako sa sobrang kakesohan ng entry na ito.. iba ka talaga, nagagawa mo akong paiyakin, kaya isa ka sa mga peborit kong blogger.

bunwich said...

@jinjiruks: sige, iiyak na nga lang din ako.. para quits na tayo. the pleasure is always mine. thanks for spending time reading this blog.

POPOY said...

langya naman John papaiyak ka nman ng reader...

Ramdam ko ung pakiramdam ni Siopao... and i admire him kasi di sya naging greedy though it really hurts to let you go, and he let you to fulfill your dreams... Hugs for you Siopao

Basta Be Good and Be Safe John

bunwich said...

@popoy: thanks... sorry naman sa iyak. d na mauulit.

Aris said...

na-choke ako sa emotion sa eksenang ito. kahit pinipilit mong magpaka-light, mabigat sa dibdib. kung maaari lang sanang huwag nang mangyari ang ganitong paghihiwalay...

bunwich said...

@aris: salamat sa pag daan mo...

hindi ko maituturing na paghihiwalay ito, gusto kong isiping ito ay parte ng relasyon na kailangan namin pagdaanan. salamat.

Mac Callister said...

ang cheeeeesy!LOL kidding aside kinilig ako hehe.ok lang yan,kaya nyo yan!

Yj said...

the last lines made me giggle like a 16-year old girl.... :)

red the mod said...

You handled it beautifully. Siopao doesn't have to be reminded of the foreboding future, but that you still have each other. No matter what.

If one could wait a lifetime, what is a moment? Distance is meaningless, time irrelevant. What you two share transcends physical boundary, like all things of genuine beauty.

bunwich said...

@mac: ma keso ba?
@Yj: thanks for visiting.
@red: thanks for the kind words.

citybuoy said...

ako din nakilig sa last lines. haha

Viva la BAM said...

Tear drop....

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.