~ Oo, Ikaw!

|
From the deepest desires often come the deadliest hate. --- Socrates
Oo, Ikaw. Ikaw na masaya lang sa una, masaya lang sa mga araw na bago pa lang ang relasyon. Na pagdating ng time na nagkakaroon na ng misunderstanding, 'break up' lagi ang naiisip. Ikaw, na ang tanging rason ay 'madami pa namang mas okay diyan.' Pero kung marami ngang mas okay diyan, bakit marami pa ding single? Hindi ba dapat nakuha na din sila? Hindi mo naisip na ang problema parte ng relasyon. Ano'ng assurance mo na hindi yan magiging problema ulit sa susunod mong relasyon?Dapat naisip mo, na kahit saang relasyon ka dalhin, kung sa bawat problema, pakikipaghiwalay ang naiisip mong solusyon --- 'wag ka ng mag-boyfriend. Aksaya ka lang sa kuryente!

Oo, Ikaw. Ikaw na nagpapa-ibig at nang-iiwan kung kelan hulog na ang isa. Ikaw na mahilig lumandi, pagkatapos ay bigla mong hindi i-tetext o hindi na magpapakita sa kanya. Hindi mo na naisip na may masasaktan ka. Kung wala ka din namang seryosong balak sa kanya, 'wag mong bigyan ng dahilan para mahalin ka niya. Ginawa mong laro ang pag-ibig, at sinigurado mong hindi ikaw ang taya. Kung ganyan na din lang --- 'wag kang paasa. Sakit ka sa bangs!

Oo, Ikaw. Ikaw na kahit meron na, lumalandi pa sa iba. Hindi ito pa raffle, na '"the-more-entries-you-send, the-more-chances-of-winning." Nag commit ka na lang din sa isang relasyon, sana tinodo mo na. Hindi mo man lang naisip na ang nilalandi mo ay may karapatan din namang makakuha ng buong pagmamahal at hindi lamang kalahati na galing sa'yo. Ang pag-ibig hindi nakukuha ng tingi-tingi. Kung hindi mo kayang maging 'stick to one' --- magmahal ka ng tuta, walang limit. Hindi ka nakaka-tuwa!

Oo, Ikaw. Ikaw na kahit minsan ay wala ng matinong nagawa. Na sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ay pasakit at pait ang dala mo sa lahat na tapat na nagmamahal.

Mahabag ka sana. Darating ang araw, iikot ang gulong ng buhay, mararamdaman mo din ang sakit na dinulot mo sa lahat na biktima mo. Luluha ka sa sobrang sakit pero hindi sapat ang luhang kayang ibigay ng mata. Aasa kang babalik ang minamahal mo pero tatanda kang naghihintay at hindi naka pag move-on sa buhay. Ipinapangako mong magiging tapat ka sa minamahal mo, pero magiging pipi ka para hindi mo masabi ang iyong nararamdaman habang harap-harapang bina-baboy ang pagkatao mo. Magiging 4 kayo sa buhay niya pero wala kang magagawa.

Babalik sa'yo lahat ng ginawa mo.
Matakot ka sa KARMA.


Photo Source here.

5 ang naumay sa:

Von_Draye said...

may pinaghuhugutan.... hhhmmm...
di tuloy maka sumbat ng comment heehehe.
nakakatakot!

red the mod said...

It was, a sad story, a sullen one. Replete with excused transgressions and selfless understanding. I was young. And I was gullible, fully willing.

But I've grown tired. Of being that intermediary guy. The one they'd keep around, until their supposed actual 'the one' finally arrives. Of being hoodwinked into believing the feeling and affection is mutual, when I'm the only one invested in the relationship.

Of waking up one day, for so many instances, just to find out that they've found their 'one,' and I, a mere pagebreak to their blossoming future. Because I was never really a consideration, rather a mere distraction. To pass time, just so they can say their not 'unwanted.'

And I? I lick my wounds, and try to heal. Broken like all romantics. Believing I will prevail, and love is enough. It is, only if its real. Next time around, I won't assume. I have to know. If serious relationship, means he's serious. And no other half-meant synonym.

Thanks for this post. It was, surprisingly, therapeutic. Like words unsaid finding a conclusive voice. Finally, and with conviction.

Jinjiruks said...

hayz. mahirap magsalita. kasi iilan diyan ginawa ko at ginawa sa akin.

iurico said...

"Ikaw na masaya lang sa una, masaya lang sa mga araw na bago pa lang ang relasyon. Na pagdating ng time na nagkakaroon na ng misunderstanding, 'break up' lagi ang naiisip. Ikaw, na ang tanging rason ay 'madami pa namang mas okay diyan.' Pero kung marami ngang mas okay diyan, bakit marami pa ding single? Hindi ba dapat nakuha na din sila? Hindi mo naisip na ang problema parte ng relasyon. Ano'ng assurance mo na hindi yan magiging problema ulit sa susunod mong relasyon?"

Sheeeeeeeet! kinalembang ako ng linyang ito.

bunwich said...

@von: huwag matakot, maki-baka!
@red: can't agree more...
@jinjiruks: sapul ba? pacenxa. well aptas naman pala. hahaha!
@iurico: tumonog ang kampana? :P

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.