
Naisipan kong pumunta ng Market! Market! nung isang araw galing sa office. At dahil sa mainit, naisipan ko ding mag abang ng FX sa may Valero.
Wala pang 2 minuto, may FX na agad. Panalo,swerte ako sa araw na 'to. Pagpasok ko sa may pangalawang pintuan, yung apatan sa likod ng driver seat, may isa ng babaeng naka-upo. Naka bubuyog shades, hindi ka putian at medyo maitim ang batok. (Nevermind sa batok, exaggeration ko lang yan).
Upo. Upo. Pay-pay. Text-text.
Paliko na ng Paseo Center ng biglang may pumasok na 2 malaking bulas na kalalakihan. (Huwag bigyan ng malisya dahil mukha silang taga-deliver ng gasul na naka long sleeve lang at neck tie.
So, 4 na kami, sa awa ng Diyos kumasya kami... Well, actually hindi naman talaga kami 4, sa payat kong to, mga 4 1/2 kami, yung 2 lalaki, ituturing kong bilangin ng 2 ang katawan ng babae at ako bilang 1/2/ lang. So literally... HINDI TALAGA KAMI KASYA.
Habang binabay-bay namin ang Paseo going to Buendia Flyover, napansin ko si Ate na panay himas sa balikat niya at sabay reklamo (may sinasabi na parang sarili niya lang nakakarinig).
"Isa na lang Ate, bi-bingo ka na!" isip ko.
Hindi pa din tumigil si Ate. Ganun pa din ang paulit-ulit na ginagawa.
"Ate, may problema ka?"
"Ikaw kasi, dumidikit ang braso mo sa braso ko"
"Wow, nakakhiya naman sa'yo, ikaw nga tong nag-occupy ng kalahati ng upuang binayaran ko, tapos rereklamo ka pa. Kung ayaw mo ng masikip, mag taxi ka, kung wala kang pamasahe, magsabi ka lang... PCSO mode ako ngayon" ang natatanging award na ginawad ko kay Ate.
Hindi na nakasagot si Ate. Nag busy-busyhan sa pag te-text sa kanyang China Phone na isang pulgada ang haba ng antenna. LOL
Quiet si Ate the entire trip. Parang may retreat ang buong FX sa sobrang tahimik. Bumaba ako ng FX pagdating ng Kalayaan para lumipat ng jeep.
"Ate sa susunod ha... Huwag mag-inarte kung hindi naman kasing payat ni Kim Chiu!"
19 ang naumay sa:
hahaha ang taray... Good job! mabuti un... at isa pa san wag magfeelingfeelingan if di kagandahan LOL
dito sa office may ganyan. nag-iinarte hindi naman kagandahan. hehe! ayoko naman gawin sa kanya ginawa mo. hindi worth ng energy!
Angas mo ah! Hahahaha!
@popoy: e kasi si ate eh..
@jinjiruks: it may not we worth the energy but it's therapeutic. LOL
@galen: ang bait ko kaya... naglalagay lang ng mga hayop sa tamang lugar. LOL
tunay ka na celia rodriguez!
AHAHAHAHA
Ang taray! Panalo! Igawad ang best actor in a taray role. Char char plane!
Hindi ako confrontational na tao, at epileptic ako sa mga confrontations, kaya hands down ako sa guts mey.
Winnur ka teh! Tarush mo! Haha
Huwag naman masyado sa physiological morphology. Tinatamaan ako eh, hehe. But I have to agree, in fact I've delineated several types of these irksome and irritating co-commuters in a past traffic entry. The spread-eagle, the pusher and the shover. Some just begs to be put in their proper places.
Oh, and your candid wit, priceless. ;)
antaray... pangarap kong gawin yung ginawa mo dun sa ale kaso madalas napipipi lang ako :p
teka...teka... overwhelming ang response. pero hindi naman talaga ako masungit sa personal, very very light lang... i have a way of saying them with gusto and flair but at the same time hindi namn barbaric ang dating... minsan pa bulong. lol
thanks guys.
ang sunod kong entry.. ang pagpasok ko sa kumbento. char!
sa iyo na ang korona ng pagiging bitchesa! nyahaha! love it!
ayy panalo na naman ito! klap klap!
kakaloka.. natawa ako.. hahahah..
ano nga ba yung sabi ni asunta de rossi.. "Umayon lang ng arte sa ganda. Pag di msyadong maganda, wag msyadong maarte." Yun yata yun? hahahaha..
@peter: "Umarte ng naayon sa mukha. Kung hindi masyadong maganda, huwag masyadong maarte"
napatambling naman ako! haha ang init naman ata ng ulo mo. lol sabagay, she totally deserved it naman eh. haha
ang kulit nung kasing payat ni Kim Chiu.
-129
ntatawa ako, while i imagine ung itsura n ate n ngrereklamo, tapos bnra mo p...hahaha
Post a Comment