
busy ako ngayon, pero di pwede hindi mag blog. uuwi ako ng bacolod, so malamang wala sa bukabularyo ko ang mag-internet dun, so walang blog update for the holy week. makikipag kita ako sa mga friends, frenemies (friend and enemy at the same time ) at maliligo sa lahat ng beach na pwedeng languyan. magpa-paalam sa pamilya bago tuluyang lisanin ang bansang pilipinas. alas-2 ang flight ko, pero tinatamad ako. kasi naman si siopao, pa-cute ng pa-cute, pina-pamukha na ma-mimiss ko talaga si mokong. haaay... nakaka lungkot na naman.
nag blog hopping ako, maraming bagong blogger, pero kokonti lang ang may utak, dumadami na kami (isasama ko na ang sarili ko para walang ma hurt). yung iba naki-uso lang, may mga bagong nagbibigay ng advice din, ayan sana dagsain ng sulat, minsan nakakatulong ang pag-hingi ng advice, depende sa tao kung makikinig. ako sa MMK ako magpapadala at least may 10,000 pang bayad. mukhang pera? hehehe!
nagpa-alam na ako sa trabahao, official member na ako ng unemployment rate ng pilipinas. naiyak ang karamihan sa kanila, pmaraming antuwa sa desisyon na ginawa, maraming nalungkot. masayang malaman na ganun sila ka-apektado sa iyong paglisan (insert cookie chua song here) mabuti man o masama, alam kong naging aprte ako ng buhay nila. aliw! pero masaya din pala. nakapag-pahinga ako. nakaka-twitter at nakaka nuod ng showtime... hahaha!
bumili si siopao ng saging, hindi pa luto, pinilit lang dumilaw. yan ang mahirap pag 'hinog sa pilit', maganda lang ang itsura pero patapon ang lasa. huwag pilitin ang ayaw, at huwag pilitin ang hindi pwede. ikaw din ang iiyak sa huli. (nag-rhyme)
lumindol daw kahapon, pero hindi ko naramdaman, andito lang naman ako sa makati. buti pa ang taga-kyusi nakaramdam. trending topic sa twitter at lahat ng tao nag post ng status message sa facebook ng "i am so scared, OMGEE!" siguro taga-poveda silang lahat. hindi na siguro ako ganun ka sensitive, pati lindol di na nagparamdam sa akin.
sa mga mahilig bumisita dito, tingnan niyo 49 followers na. ilang araw ko ng tinititigan yan di pa rin nagiging 50. sino kaya ang pang-fifty. promise ilalagay ko siya sa blog at padadalhan ko ng isang pakete ng cornick. ayain ang mga kaibigan para sumali. ugaliing bisitahin ang blog na ito. nakakagamot ng goiter. himasin alng ang screen.
hanggang sa susunod.
quiet muna ako.
wala lang.
Photo Source here.
15 ang naumay sa:
Actually 50 na yan, naka "Follow anonymously" lang ako. :P
- santino
@santino: utos ba yan ni bro na i-follow ako anonymously?
wag daw pilitin ang ayaw? hehe
parang nagmamadali ang gumawa ng blog entry na ito.
hmmmp sayang ang cornick.... naghintay nalang sana ako ng konti bago kita ni-follow....
@darc: oo, huwag ipilit... masakit
@jinjiruks: nagmamadali talaga.. nag tatali ng sapatos habang nagb-blog.
@yj: sige,may cornick ka pa din. lol
woaaaaah. parang usapan lang natin ito kagabi. bwahahaha.
enjoy ur Bacolod trip john. uulitin ko, ANG CALEA namin ni darc ha? :P
pacenxa na di ako maka relate sa Lindol... sleeping ugly ako nun... zzzzzzzzz "with Tulo laway LOL"
ingat sa byahe....
"i am so scared, OMGEE!
that's very woodrose kaya! hahahaha
natawa ako sa realizations mo about blogging. ang dami ngang bago ngayon. medyo nakakaumay.
ingat ka sa biyahe!
I blog, therefore I am.
Although anonymity is a prime commodity in this alternate reality we inhabit, the semblances of one's character can still be perceived through the words we chose to profess. Because, the distillation of our inner consciousness is the very vocabulary we create for ourselves.
Which means, light-hearted ka ngayon. Based on the insinuations and side-way remarks. That, sir, is a good thing. Pax ego, peace of the mind.
isa ako dun sa konti ang utak..puro kaelyahan kc ang laman ahahha... have a safe trip ;)
Eto nga oh pang 51 na ata ako..
isang linggo pa lng ang nakakaraan ng mabasa ko ang blog mu at nakalkal ko na ang archives. Natuwa ako..hindi ko lng hihimasin ang screen para maipang gamot sa goiter.
Ang taong may goiter mismo ang ipapahid ko sa screen.(tapos disinfect to its higher level ang mangyayari)
[^^,]
ang dami namang mga sinabi.
ako, eto nalang.
kahit di mo ko kilala at di tayo close, paki ko!
*Hugs*
para sa may mga minamahal. God bless both of you.
waaahhh! natutuwa ako at kung kelan 'sabaw' ang entry na to... eto pa ang may pinakamaraming comment.
salamat ng marami. i am so honored like an honor student.
lol
kung pwede ko lang kayong i-kiss lahat, pero bawal kasi may trankasao ako.
salamat.
may kwento ako tungkol sa biyaheng naganap.
Post a Comment