
Pa-sara na ang pinto ng bigla akong sumiksik sa banig ng taong nag-aabang din sa labas. parang hindi maituturing na 'medical exam', sa dami ng tao... mahihiya ang palengke ng Guadalupe sa ingay, siksikan at dugyutin ang mga nandun.
May mga pabalik-balik, may mga nagagalit sa sikip, may mga sumisigaw na kagagaling lang ng C.R. dala-dala ang boteng puno ng ihi pero walang takip. Kadiri.
Sa wakas nakapasok na din ako sa kuwarto na may buradong sign na "P.E" Kailangan ko ng gawin to para matapos na ako at maka-alis na impyerno... ay sa 'clinic' pala. Nagulat ako ng biglang nag-sunuran ang 4 pang mga lalaki.
"Sh*t sabay kami sa physical exam! Wala man lang poging naka-sama, karamihan mga matanda at malalaki ang mga tiyan... Pero buti ng walang pogi, baka kumanta ako ng Lupang Hinirang sa loob" sabi ng mataray kong isip.
Pagkatapos ng 'inhale-exhale' at tanong kung may hika o may highblood, inutusan kami ni Doc na tumayo, at biglang nagsabi...
"HUBAD!"
"Patay! May drawing na mga bulaklak ang suot kong underwear." isip ko, habang nagpapaka straight.
Baka pag nakita nila ang underwear ko, umayaw silang mag-hubad dahil may bading silang kasama.
"Ano ngayon at ma-bulaklak ang underwear ko... E, environmentalist ako!" depensa ng isip ko. Na pa-smile ako.
No choice na, naghubad na ng pants at underwear. Tumalikod. Tumuwad. At humarap ulit sa Doktor. Nagkakitaan na din lang, mabuti nang matingnan at makapag compare 'notes'. LOL
"Wala naman akong kahilig-hilig sa inhaler!" sa isip ko.
Paglabas ko ng kwarto, binulungan ko yung babaeng kasama ko:
"Bili tayo ng achara"
"Bakit"
'Pantanggal umay lang... at para di masuka!"
"Ganun ba ka pangit yung kanila?"
"Mas okay pa manuod ng horror movie kahit pauli-ulit!"
Photo Source here.
7 ang naumay sa:
ahahahaha. i remember my physical exam... buti ako lang inexamine ng matandang doktor. mejo hassle ang mag ayos ng papers, pero fulfilling at times. haha =D
Goodluck!!! =P
@cloud: salamat... agree, nakaka pagod talaga.
hahaha kaya pala ganun ung title ;))
few more weeks na lang... good luck! :)
aww. hindi ka nba mapipigilan niyan. ok lang ba kay siops na iwan mo siya.
lol! yun pala yun. pwede rin kimchi para matabunan yung lasa!
ai sayang. haha
@lee: oo, malapit na talaga
@jinjiruks: ok lang naman.. para din yan sa amin.
@itybouy: mas ok pag kimchi
@iurico: sayang talaga?hahaha!
Post a Comment