Danger and delight grow on one stalk. --- Scottish Proverb

Nagsimula nung college. Nagpapadala ka ng sulat at pina-aabot mo sa guard ng school. Hindi ka pa nakuntento, minsan pinadalhan mo ko ng sobreng puno ng picture ko. Kuha mo habang kumakain ako sa canteen, humuhiram ng libro sa library, gumagawa ng assignment sa lounge, tumatawid ng kalsada o di kaya habang nakikinig sa klase. Nagsimula na akong kabahan. Hindi ko din matukoy kung sino ka, kasi paiba-iba ang nag-aabot ng sulat sa guard.
(Hobby mo pala ang kumuha ng litrato, sana dun ka sa mga patay, kasal, binyag ograduation pumunta... magkakapera ka pa!)
********
Nakikita kita na sinusundan mo ko sa mall, kung saan ako dumadaan papunta sa sakayan ng jeep pauwi. May tina ang 'yong buhok, mahaba. Naka maiksi kang palda at t-shirt na kupas. Nakangiti ka sa akin habang sinasalubong mo ko. Bigla mong hahawakan ang kamay ko. Paglampas, bigla kang lilingon at ngingiti. Ilang beses mong ginagawa yan sa akin.
(Try mo kayang hawakan din ang iyong kamay, mare-realize mo na pareho lang naman ang hugis nito. Buti na lang hindi dry ang skin ko.)
********
Ilang beses na akong nagpalipat-lipat ng apartment dahil sa lagi kang nakatayo sa kanto malapit sa inuupahan ko. Hindi ka pa nakuntento, minsan kumatok ka mismo sa pintuan ng apartment ko. Pagbukas ko, iniwan mo ang luma mong teddy bear at may note na nagsasaad na dapat ingatan ko 'to dahil matagal na to sa'yo.
(Ginawa mo naman akong kolektor ng basura. At wala akong balak mag-ampon ng patapon na teddy bear. Marami ako niyan sa kwarto)
********
Pagpasok ko ng opisina, may mababasa na lang akong e-mail galing sa email mong puro 'consonant' at nakalagay dun na may cake kang iniwan sa ref ng right wing pantry. Na ikinatutuwa naman ng mga officemate ko kasi sila ang umuubos at kumakain ng mga cake na pinapadala mo. Nung minsan, inisip mo na hindi ko gusto ang mga cake na yun kasi sa iba ko pinapakain, nag-iwan ka sa pantry ng 4 na klaseng cake. Sabi mo sa email mamili na lang ako ng gusto ko.
(Salamat at pinasaya mo ang mga officemates ko, pero hindi ako mahilig sa matamis... at ayaw ko siyang kainin kasi baka may gayuma.)
********
Pinaghintay mo ang delivery boy ng LBC nung minsang nagpadala ka ng bulaklak. Akala ng delivery boy pang-umaga ang pasok ko ng mga buwan na yun, hinintay niya ako hanggang sa papasok na ako ng office, kasi ayaw tanggapin ng front desk sa opisina ang bulaklak.
(Hindi ko din siya inuwi, baka bigla na lang damputin ako paglabas ko ng office. Ang sino mang may dalang bulaklak a ki-kidnapin.)
********
Kayong lima na lagi kong nakikita na naka-tayo sa labas ng school o ng office, sa kanto papunta sa apartment o sa bahay. Ilang beses niyo akong pinagod, sa kaka pa blotter sa inyo. Maski si Siopao, minsan natakot dahil kumakatok kayo sa pintuan namin.
Nakaktakot na kayo.
8 ang naumay sa:
hala STALKER. katakot naman. tsk. sana nagpapakilala na lang sila. :|
ohmy... hindi naman siguro ako aabot sa ganitong level. pa-cute lang ang stalking ko.
buti hindi nakakapatay ang siopao mo...
naks may stalker. celebrity ka na nga. =)
ingat.
@jepoy: sana di ba mag twitter na lang, at least legal mag follow
@darc: hindi namna.. natutunan niya ng deadmahin
@engel: stalker ba sila, o bored lang? hehehe! gusto mo bigay ko yung iba.
ibang level na itong stalking na ito ah. celebrity na talaga kayo. siguro it would be wise na wag na kayong magbigay ng personal info online o kaya ipaalam whereabouts niyo pag napag decide nyo nang lumipat para makaiwas sa mga ganyan. unless close nyo talaga yang stalker na yan at gusto lang kayong guluhin.
hirap maging maganda noh?
basta konting ingat, tingnan mo nangyari kay prue sa charmed and her stalker...
that's not nice. mukhang nagawa mo na ang lahat, ultimo blotter. nakakainis naman sila. tama si von, mahirap maging maganda. haha
May naging stalker din ako before. Ex ko na hindi maka-move on. Katakot! Pfffffftttt...
Basta, ingat lagi!
At wag kalimutang mag...
KAMPAI!
Post a Comment