~ meron din ako niyan, promise!

|
I never thought it was worth it, you know waiting for your love, and then I felt your kiss, I could wait forever for this

hindi pa man kita lubos na kilala, pero base sa nababasa ko, alam ko na hindi iba ang nararamdaman mo sa minsang naramdaman ko.

LUNGKOT.

magka-iba lang siguro sa kung bakit at saan nanggagaling ang lungkot. magka-iba man ang rason, pero pareho parin ang nararamdaman.

LUNGKOT.

pero gusto kong isipin mo, na hindi ako kailanman kailangan kainggitan. kagaya mo lang din ako. naghanap ng kaligayahang kagaya ng ninanais mo. pero siguro, kung alam mo ang kuwento ng pagkatao ko, maiisip mo na ang lungkot na nararamdaman mo ngayon ay wala sa lungkot na dinanas ko dati.

naisip ko. siguro binigay si siopao sa akin at minahal ako ng totoo at lubos dahil kailanman hindi ako nakaranans ng pagmamahal mula sa mga taong inaasahan kong magbibigay sa akin nito: MAGULANG. PAMILYA. KAIBIGAN.

lumaki akong hindi ko nakuha ang klase ng pagmamahal na alam ko meron ka mula sa iyong pamilya. ang suporta ng iyong mga magulang sa kung ano ka at ang sayang hatid ng mga kapatid at kamag-anak na matatakbuhan --- WALA AKO.

wala akong mga kaibigan mula nung ako'y nagsimulang magka-isip. tinago ko sa sarili ko ang lahat ng nararamdaman ko, Diyos ang lagi kong kausap. walang gustong makipag kaibigan sa akin, sa kagustuhan na din ng mga magulang ko. naging mailap ako sa kalaro... sa tao. nagkaroon ako ng matalik na kaibigan, pero tinarantado ako. nagluksa ako sa ginawa niya. nanlumo. muntik ng sumuko. naisip ko, malas ako sa kaibigan. ikumpara sa'yo, ang dami ng mga kaibigang nagmamahal sa'yo --- WALA AKO.

dumating ako sa punto, na parang wala na ring saysay na magpatuloy sa buhay. nagsumbong ako sa Diyos. minsan nag-sumbat. pero sinabi niya sa akin, 'wag akong bumitaw.

MAS MABUTI NG MAPAGOD SA PAGHIHINTAY.... at least, NAGHINTAY.

sa lahat ng dinaanan ko, sa pamilya, sa kapwa, sa kaibigan... ang pagdating ni siopao sa buhay ko ay hindi lamang isang bagay na matagal kong hinintay, binigay siya dahil alam ng Diyos, na achieve ko na ang quota ko sa dami ng luhang dapat iluha.

humihingi ako ng paumanhin sa lahat na nagbabasa, kung wala akong ibang bukambibig na banggitin dito sa blog ko kundi kung gaano ako ka saya, ka-swerte sa kung ano mang sitwasyon meron ako at ang relasyon namin ni siopao.

hindi yun para inggitin ang sino man (alam ko maraming naiinis), o palungkutin ang sino man.
gusto ko lang ibahagi sa lahat na bawal mawalan ng pag-asa. na andito kami bilang patunay na pwede at merong may nakalaan para sa lahat. may pag-ibig na malaking pwedeng paghatian ng bawat isa.

hindi man gaya ng sa amin ni siopao ang klase ng pag-ibig na makukuha niyo, pero sure ako may pag-ibig na nakalaan sa inyo, sa paraang Diyos lang ang may-alam.

hindi man patas ang oras, pero patas tayo pagdating sa pag-ibig. hindi ako ma suwerte...
NAUNA LANG.



Photo Source here.

9 ang naumay sa:

Anonymous said...

hindi man patas ang oras, pero patas tayo pagdating sa pag-ibig. hindi ako ma suwerte...
NAUNA LANG

- I love this. There's just so much love in this world for someone to think na mauubusan sila.

Thanks for inspiring others.

- santino santita

engel said...

i think i know who this is for.

and i've told him what i thought of it. =)

nice to know that you're a good friend. =D

Jinjiruks said...

well said bunwich. tagos sa puso ng mga bumabasa nito.

sa totoo lang parang kaharap lang kita nang sinasabi mo ang mga ito. tama lahat ng sinabi mo. pana-panahon lang at medyo nauna ka lang.

siguro nga. may plano ang nasa taas kung bakit hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita. sana nga makita ko na rin siya. maramdaman ang kasiyahan na nararamdaman mo ngayon kasama si siopao.

still isa ka sa mga hinahangaan kong blogger.

bunwich said...

salamat sa comment.
@santino: may mga taong ganun talaga... we cannot blame them
@engel: thanks.
@jinjiruks: apir!

the geek said...

nakakatuwa na andiyan ka bilang kaibigan para sa kanya. much more, to write a post.

you are lucky to have siopao, and kung para kanino ang post na ito, maswerte siya dahil kaibigan ka niya.

bunwich said...

@geek: salamat gid. ilonggo ka di ba?

Darc Diarist said...

pwede mag-comment?







ayun lang. hehe :)

bunwich said...

@darc: kainis.

Anonymous said...

i like this one "MAS MABUTI NG MAPAGOD SA PAGHIHINTAY.... at least, NAGHINTAY."

and u keep me believing n hindi p huli ang lahat, mahahanap at mahahanap ko dn ang siopao ng buhay ko, talagang hindi p cguro ngaun ang tym n mgkita kmi...

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.