~ walang kawala

|

hindi lahat ng bagay, kaya mo...
hindi lahat ng sitwasyon, kaya mo...
hindi sa lahat ng oras, kaya mo...

mga hayop, puno, bagay
kagaya nila... napapagod din ang puso!

hindi ko lubos mawari kung ano ba ang dahilan bakit parang umaayaw ka na sa hamon ng buhay... marahil tama ang iyong mga kaibigan, hindi mo na kaya.

isang kapaguran na hindi mo pwedeng hindi-an. isang kapaguran na ang tanging magagawa ay ang mag "buntong hininga" na lang.

nasa mundong ito ang tinatawag na sukdulan...
sukdulan ng pagiging martyr, pagiging mabait, pagiging mapagmahal.

pero saan at kelan mo pwedeng sabihin na tapos na? na pagod ka na?
walang nakaka-alam.

pero isa lang ang sigurado sa buhay...
na ang pagka pagod ay para ding ikot ng tsubibo
may hangganan... may katapusan.

ang pagka-pagod sa mga pagsubok ng buhay ay hindi kailanman man mawawala...
eto ang buhay ng buhay....
dito umiikot ang buhay...
at dito mas sumasaya ang buhay.

marahil, naitanong mo na rin sa sarili mo kung paano hindi mapagod at kung kelan ka pwedeng umayaw.

wala tayong kawala...
lahat tayo makakaranas ng ganito...
pumirma tayo sa kasunduang ito.

sobra man o kulang...
ang pagiging pagod ay isang tanda na ikaw...
ako...
tayo...
ay tao.

pwede kang mapagod, pero hindi ka pwedeng tumakas.


Photo Source here.

3 ang naumay sa:

POPOY said...

as long as u live u can't run and hide... tulad nag nasa PIC para yang kadena na nakalagay sa yong paAnan, kamay o sa leeg, parte ng buhay yan.. dipende kung pano mo dadalhin at haharapin!


KAYa YAN!:)

Anonymous said...

instead of resisting, baka panahon naman para malunod... life is full of suprises pa din.. malay mo mas magaling ka pala lumangoy kesa tumakbo

citybuoy said...

nakakalungkot naman to. :c

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.