Showing posts with label insight. Show all posts
Showing posts with label insight. Show all posts

Usapang Straight (End)

|

For the first part, click this.

Pagkatapos sabihin sa akin ni Jeff na may nangyari nga sa kanila ni Marvin. Naisip ko, ruler na lang talaga ang straight, lahat isa ng french curve. Kung makapag "Pare" naman si Marvin, talo pa ang balon na pinagkukunan ng tubig ni Jack at Jill sa lalim,at tapos eto pala siyang 3 months pa lang ay naka benta na ng Maruya.

Naisip ko tuloy, bakit ako nagkukulong sa kwarto. Bakit di ko na experience yan, e 7 months na ako dito.
"Gaga, may boyfriend ka kaya... Higpitan ang Chastity Belt!"bulong ng konsensiya, na mas mayaman pa sa akin dahil sa kanyang mga Safeguard Commercial.
"Ay, Sahree naman..." sabi ko sa sarili. (ganyan ang pag promounce, Sahree, kasi naka braces ako)

Hindi ko sinabi kay Marvin ang sinabi ni Jeff. Baka bigla akong bigwasan, o di kaya maging showbiz bigla ang isagot:

"We're just friends kaya.. hindi ako bading noh, haleer! Hindi porke't sumusubo ako, e bading na ko!" yan ang mga naiisip kong depensa ni Marvin. LOL

After maka-pamili ni Marvin sa mga hihiraming DVD, nagpaalam na din itong umuwi at nag promise na sasamahan akong pumunta ng MOA (Mall Of Arabia) sa susunod na weekend.

"Sige Pare, text text na lang... Paki sabi sa Mama mo, nagkita na tayo!"

"Sige Tol!" (dito ako muntik masuka sa pagsabi ng 'Tol')

Dumaan ang ilang weeks na wla akong balita kay Marvin. Di ko na kinulit tungkol sa pagsama sa MOA, naisip ko baka busy sa paglalako ng Maruya. LOL

Isang araw (parang pocketbook lang), may natanggap akong message sa Facebook. Galing kay Jeff.)

Stop flirting with my boyfriend... He's mine. Don't send him text messages or even chat with him here on Facebook. By the way, after this I'll remove you on my Friends List.
Winarla Abellana ako, sa isang bagay pa na hindi ko pa ginawa. Uminit ang ulo ko, tumaas ang blood pressure ko, sumingkit ang mata ko, at nagpanting ang tenga ko. Matagal na akong hindi kumakain ng gulay. Oras na para mag PATOLA (patulan). Nag reply ako.

Hey Mister, Una sa lahat hindi ko alam kung sino ang boyfriend mo. But if you are referring to Marvin, well by all means sa'yo na. Don't you dare start something na hindi mo kayang tapusin. Alalahanin mo, straight ang claim mo sa Bacolod, and if I may add, we have common friends, and I can easily spread the rumor of you having a boyfriend here. Careful! Baka hindi mo kayang ubusin ang kanin sa plato mo, na ikaw mismo ang nag hain.

Nananahimik ako dito, hindi ako tinuruan ng Nanay ko na mang-agaw ng laruan ng iba. And If I may brag, my toy is much better than yours!
Hindi na nag-reply si Jeff after nun. Nakatanggap din ako ng text mula kay Marvin, apologizing for what happened.

Isa lang ang natutunan ko sa lahat na nangyari. Kung makapag claim silang mga straight, pero ang ba-bakla ng mga pinag-gagagawa. Walang pinagka-iba ang Jeddah sa Malate. Mas straight-acting lang ang mga andito.


**P.S. Nalaman kong nag-react si Jeff ng ganun, kasi nahuli niya pala si Marvin na may ka text na ibang lalaki, at pangalan ko ang nilagay ni Marvin sa Phone book niya para hindi pala maghinala si Jeff. Kinuha na nga mga DVD ko, ginamit pa ako. Nanghihinayang lang ako sa chance na maging isang magandang pagkakaibigan sana yun. Pero salamat na din siguro, kasi ayoko din ng magulong buhay. Hobby nila ang magkalat.


Photo Source here.

~ twitter killed the blogosphere

|

Habang nag-uusap kami ni Darc sa McDonalds Shaw kagabi, naisip namin ang saya na dulot ng twitter.

Naging isa na siyang micro-blogging site. Mula sa mga taong sinusundan mo ang twit araw-araw, para ka na ring nakatutok sa daily activities niya araw-araw. Para ka na ring si kuya sa Big Brother house.

Si ganito naging ganito ni kwan, na naging ex ni kwan, tapos dine-date ni ano.

Napansin din namin, onti na lang ang masigasig na nag uupdate ng blog, dahil andun sa twitter nakikipa-palitan ng kuro-kuro, kabastusan man o may sense.


Sabi ng karamihan, ang twitter ang pumatay sa negosyo ng fanaTXT at Ktext, kung dati nagbabayad ang mga fans para maka receive ng latest update ng mga artista, sa twitter, i-click mo lang ang 'follow'. Hindi mo lang malalamn ang latest sa kanila, pwede mo pa silang awayin kung tatanga-tanga.

I once had an experience, I'm following Ruffa G. tapos one morning, she's twitting about JLC found drunk and sleeping sa isang sulok ng Fiama. She was flooding the whole time, ranting about having another kid to take care of aside from her two daughters.

I replied to her twit saying na sana di ba, bago mag rant at mag flood, aminin muna kung anong meron sila. The next day, nag DM siya sakin, a very sarcastic 'thank you for enjoying the show' sabay block me sa twitter niya. Wahahaha!

Another incident was with Bianca King, she was twitting over and over tungkol sa nangyaring pagpapalayas sa kanya sa tent na tinutuluyan ni Krista Ranillo. Sobrang paawa ang twit, kesyo inaapi daw siya at ayaw niya daw magsalita na sa isyu. I twit her back saying na kung ayaw niyang pag-usapan ang issue, bat siya twit ng twit, at tigilan niya ang pag-papaawa effect kasi nagmumukhang gimik ang issue. Ayun, as usual naka-block na naman ako. Hahaha!

Pero wala ng mas makulay pa sa kwento ng mga blogger, you get to know their true personality outside of their blog. More than the stories they post. Minsan nga hindi tugma ang personalidad sa mga kwentong bino-blog. Napap-isip tuloy ako, parang karamihan sa post hindi totoo. Wahahaha!

On the positive side, twitter is a bit intimate, a little bit personal. You get reactions right away. You get suggestions and answers in no time. Not to mention, may mga pagka-kaibigang nabuo.

Sa sobrang dami ng bading sa twitter. Music na lang kulang, isa na siyang online Malate.



Photo Source here.

~ Oo, Ikaw!

|
From the deepest desires often come the deadliest hate. --- Socrates
Oo, Ikaw. Ikaw na masaya lang sa una, masaya lang sa mga araw na bago pa lang ang relasyon. Na pagdating ng time na nagkakaroon na ng misunderstanding, 'break up' lagi ang naiisip. Ikaw, na ang tanging rason ay 'madami pa namang mas okay diyan.' Pero kung marami ngang mas okay diyan, bakit marami pa ding single? Hindi ba dapat nakuha na din sila? Hindi mo naisip na ang problema parte ng relasyon. Ano'ng assurance mo na hindi yan magiging problema ulit sa susunod mong relasyon?Dapat naisip mo, na kahit saang relasyon ka dalhin, kung sa bawat problema, pakikipaghiwalay ang naiisip mong solusyon --- 'wag ka ng mag-boyfriend. Aksaya ka lang sa kuryente!

Oo, Ikaw. Ikaw na nagpapa-ibig at nang-iiwan kung kelan hulog na ang isa. Ikaw na mahilig lumandi, pagkatapos ay bigla mong hindi i-tetext o hindi na magpapakita sa kanya. Hindi mo na naisip na may masasaktan ka. Kung wala ka din namang seryosong balak sa kanya, 'wag mong bigyan ng dahilan para mahalin ka niya. Ginawa mong laro ang pag-ibig, at sinigurado mong hindi ikaw ang taya. Kung ganyan na din lang --- 'wag kang paasa. Sakit ka sa bangs!

Oo, Ikaw. Ikaw na kahit meron na, lumalandi pa sa iba. Hindi ito pa raffle, na '"the-more-entries-you-send, the-more-chances-of-winning." Nag commit ka na lang din sa isang relasyon, sana tinodo mo na. Hindi mo man lang naisip na ang nilalandi mo ay may karapatan din namang makakuha ng buong pagmamahal at hindi lamang kalahati na galing sa'yo. Ang pag-ibig hindi nakukuha ng tingi-tingi. Kung hindi mo kayang maging 'stick to one' --- magmahal ka ng tuta, walang limit. Hindi ka nakaka-tuwa!

Oo, Ikaw. Ikaw na kahit minsan ay wala ng matinong nagawa. Na sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos ay pasakit at pait ang dala mo sa lahat na tapat na nagmamahal.

Mahabag ka sana. Darating ang araw, iikot ang gulong ng buhay, mararamdaman mo din ang sakit na dinulot mo sa lahat na biktima mo. Luluha ka sa sobrang sakit pero hindi sapat ang luhang kayang ibigay ng mata. Aasa kang babalik ang minamahal mo pero tatanda kang naghihintay at hindi naka pag move-on sa buhay. Ipinapangako mong magiging tapat ka sa minamahal mo, pero magiging pipi ka para hindi mo masabi ang iyong nararamdaman habang harap-harapang bina-baboy ang pagkatao mo. Magiging 4 kayo sa buhay niya pero wala kang magagawa.

Babalik sa'yo lahat ng ginawa mo.
Matakot ka sa KARMA.


Photo Source here.

~ ang puno, ang Bb. Pilipinas at ang mapag-patol

|

“Magandang gabi po sa inyong lahat. Akin pong sasagutin ang inyong katanungan sa ating sariling wika, ang wikang Pilipino. Kung ako’y pagbibigyan po muli ng isa pang buhay, mas gugustuhin ko pong maging halam-… puno. Puno na nagbibigay sa atin ng hininga, nagbibigay sa atin ng buhay. Maraming salamat po.”

- Czarina Catherine Gatbonton, Binibining Pilipinas-World 2010

Yan ang sagot ni Czarina sa tanong ng isang foreigner judge: “If you had another life to live, what would you like to be and why?”

Eto naman ang naging sagutan namin ng isang ka FB na hindi ko kakilala, itago natinn siya sa pangalang 'die hard' o DH, after kong i-post ito: "Unbelievable ang mga Bb. Pilipinas candidates... pa-bobo ng pa-bobo." --- ENJOY!

(Siya talaga ang nagsimula ng sarili naming q&a at verbatim ito, may elemento ng bugso ng damdamin, kaya pasintabi sa mga grammar police)

DH: oh ano ngayon, napahiya kayo..si Number 21 will represent the country for Miss World.. sigh* may naiinggit..haha hanggang diyan na lang kayo
ME: pag ganun naman, d na kailangan kainggitan. i wouldn't want to be ridiculed nationwide.
DH: may mali ba sa sagot niya?..try to disect her answer..even si Wilma pumalakpak at nabilib sa sagot niya..and hey, hindi po bobo ang mga judges..I mean try to look over their credentials..ngayon, e kumpara niyo credentials niyo sa maga judges..tingnan natin kung reliable kayong mag judge..
ME: what's so reliable about an ambassador or an ex colonel on a beauty pageant? and given the kind of contestants they have, i wouldn't mind not being one of the judges. i don't think bobo ang judges. it's just that, based on their answers, there are others who actually make sense, far more than the winners.

(Note: I was referring to 2nd Runner Up Helen Nicolate henson (Candidate No. 18) from Pampanga--- Question: What are you looking for in the presidential candidate? Answer: I am looking for someone who is dedicated, well motivated and have a good heart, because they can make good followers, and they influences people of what they are and what they can be.)

DH: 1st point: kasi po ang tinitingnan sa pageant ay over all..2nd point: kailan ba naging pagiging bobo ang pagsagot sa answer ng mga judges in Tagalog and last point: assuming although not conceding that Janina's stint in Bb was a disater, do u think bobo ang Bb na maulit ulit yun?..duhhhh!

(At may enumeration ka pang nalalaman ha!)

ME: 1st point: over-all nga tinitingnan..kaya dapat kasama ang utak. 2nd point: walang masama sa pagsagot ng tagalog. ang masama yung mismong sagot, "ang puno ang nagbibigay ng hininga?" -- alam mong hindi tama yun. kasi hindi hininga ang binibigay ng puno. OXYGEN. OXYGEN. OXYGEN. 3rd point: they just did. inulit nila uli.
DH: correction ang puno ang nagbibigay buhay..hehe
ME: review the tapes... ang sinabi niya, HININGA!
DH: o cge ibabalik ko sayo ang tanong..bakit sa tingin mo hindi yun sapat..alam mmo ba kung ano yun itinanong sa kanya?..
ME: alam mong may dapat ka pang tamang isasagot dun.. nag-tagalog na nga lang siya di pa niya tinodo.
DH: hindi bobo ang sagot niya..sigh*
ME: i respect your opinion (depende lang din yan sa kayang intindihin ng nakikinig at naniniwala), and given that it's my fb wall. i believe you should also respect the fact that i don't find her answer intellectually correct... given that it's a prestigious contest.
---para ka lang nagsuot ng puting damit sa isang black party. hindi angkop.
DH: oo naman..I respect ur opinion..kaso yun ang kulang sayo..di mo kayang e respeto sagot niya..
ME: opinyon ko to... wala na akong magagawa sa sagot niya, pina-ngalandakan niya na sa buong pilipinas kung ano lang ang kaya niyang isagot.
i respect it as much as i respect Janina's answer before... so respect my disapproval as well.
DH: yun lang ang kaya niyang naisagot pero worthy enough to represent the country in Miss World.
ME: sana nga worthy.. pero hintayin mo sa mga susunod na araw, magiging sikat ang sagot niyang "PUNO" kung di man siya manalo at least sumikat siya.
DH: kaya maraming maiinggit sa kanya..eh kasi naman di lahat will be given a chance to compete in miss World..maraming tao ang maglalaway na panoorin siya sa kanilang mga telebisyon..haha
ME:ambilis naman. may naiinggit agad sa kanya sa sagot niyang yun?
DH: oo kasi sabi mo sisikat siya..eh ngayon pa lang sikat na siya..I still remember one question in the last Ms Universe..what is it about fame that many people want it?
ME: but its also noble to choose where you'll be famous at. Say, Hayden Kho fame or Obama fame?
i guess it all boils down to the level of judgement of an individual. if you think her answer is the best answer.. FINE!
---- hindi ko na kakayaning yumuko pa para maintindihan where you're coming from.
DH: ofcourse Hayden Kho..at least na proved niya na lahat ng tao ay may mga tinatagong baho..too bad for him nalantad sa publiko..lahat ng tao ay may tinatagong kababuyan... di mo naman kailangang yumuko oi..haha

(Kaya pala waging-wagi sa kanya ang sagot ng nanalong Ms. World!, pareho lang sila)

ME: amen!
DH: haha, nakarelate?..hehe
ME: no, i was never that shallow... i can never relate to it.
DH: only GOD knows..HE knows all..
ME: san galing yan?

(di na sumagot ulit ang hitad... sana man lang nag "I thank you!" siya)


****

Alam kong hindi siya dapat patulan, pero minsan ang sarap sumagot at subukin kung hanggang saan siya bibitaw sa laban. Ka-chat ko si Ewik ng mga oras na yun... Nag 'volt-in' kami sa pagsagot at pag-tawa.

Hindi man kami pareho nagkaroon ng kanya-kanyang gimik nung Sabado ng madaling araw na yun... Nahulog naman ang panga namin sa kaka-tawa.


Pero hindi pa rin ako sang-ayon sa "Ang puno ang nagbibigay ng hininga!" --- FAIL!


Photo Source here.

~ totoong may nag text

|
(Click image to enlarge)

Saturday. Naging ugali ko na ang mag log-in sa facebook, sa blog, at sa twitter para i-check at mag reply sa mga nag-comment overnight.

Kaka log-in ko pa lang sa fb ng may apat agad na sunod-sunod na nakipag chat, lahat sila ay hindi ko personal na kakilala, puro mga nakaka-sagutan ko lang sa mga comment.

Una: "Okay ka lang ba?"
Pangalawa: "Ano ba yung tinext mo kagabi?"
Pangatlo: "Totoo bayung text mo"
Pang-apat:"Manloloko!"

Sa lahat ng message, maliban sa hindi ko naiintindihan kung bakit ganun ang mga sinabi nila, hindi ko din matanggap ang sabihin akong manloloko.

Kahit saang networking site, hindi ko kailanman tinago ang aking mukha, pagkatao, o panglan dahil naniniwala akong wala akong dapat ikahiya o itago sa aking pagkatao. Kahit hindi ako out sa family ko, ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang magpanggap o manlinlang ng kapwa.

"Bakit?" Sagot ko sa apat na parang hinihintay talaga ako mag online. Parang fans na nag-aabang sa mall show.

Nagreply ang lahat na parang may kodigong pinagkunan ng sagot. Pareho ang nilalaman, iba-iba nga lang ang pagka-kuwento.

May nag text daw sa kanila ng gabing yun, nagpakilalang ako at nanghihingi ng pera kapalit ay SEX. (prangkahan na, naiinis ako e!)

Sabi sa text:
Hi, Si _____ po to, yung friend mo sa facebook.
Check mo na lang picture ko sa facebook.
1000 pesos lang kapalit SEX tayo, kahit ano gagawin ko!

Namutla ako sa sinabi nila. Dalawang bagay lang ang pumasok sa isip ko:

1. Since hindi ko sila ka-close masyado, gusto kong i-convince sila na hindi ko gawain ang mga ganyang bagay, at ni minsan hindi ko inisip na gawing kalakal ang pakikipag SEX. Na hindi ako ang nag text sa kanila at ginamit lang ang facebook ko at ang inosente kong mukha para pagka-perahan sila.

2. Sino kayang hinayupak ang gumawa nun at sa dinami-dami ng member sa facebook, ako pa ang napili niya. Ano kaya ang ginamit niya? Tambiolo ba o electronic raffle? At paano ko magawang mahuli ang litsugas na yun at magawang balatan ang talampakan at palakarin sa mainit na Aspalto papuntang Baclaran. Isa lang ang sure ako, isa lang din sa mga friends ko sa fb.

Na convince ko ang tatlo, hindi kasi pumatol sa malisyosong text kaya hindi mahirap paliwanagan. Nasabi ko tuloy na imposibleng i-text ko sila kasi SMART ang number ko at puro GLOBE sila. (Ako na lang yata ang natitirang SMART subscriber sa buong mundo) Kitams, pati ang nanloloko sa kanila GLOBE din. Hayup!

Nahirapan ako sa pang-apat mag convince, nagpadala kasi si Bakla ng 1000 thru Western Union, na convince kasi daw siya na magpadala kasi kahit pamasahe daw wala ang manloloko. Sabi niya, based daw sa picture ko sa facebook ay mapagkaka-tiwalaan naman daw ako. (May isa pa siyang sinabi bakit napapayag siya, hindi ko na sasabihin, mabigat magbuhat ng bangko. Nakaka-pilay!)

"Ang mukha ko sa facebook mapagkakatiwalaan talaga yan, pero ang nag text sa'yo kagabi...HINDI!"

Buti na lang may common friend kami na classmate ko nung college at online sa araw na yun. Sinabi ko sa kanya na tanungin ito para mapatunayan kong hindi ako naglalako ng karne thru text. Buti na lang naniwala, pero ang araw ko nasira.

Dali-dali akong nag post sa FB, para bigyan babala ang mga fans.. ay mali, friends pala. Nakahakot siya ng record breaking comments at marami din ang nag nag-confirm na nakatanggap ng parehong text message.

Naisip ko, account ko lang ang pwede kong kontrolin hindi ang pag-iisip ng ibang tao na pwedeng gamitin ang mga picture ko at ang pagkatao ko para maka panloko ng kapwa.


Siguro, oras na din para mawala ako sa cyberspace. Babalik na lang ako sa "Airmail"



~ sa muli

|


nagmamadaling umuwi pagkatapos ng klase.
high school ako nun ng ika'y aking makilala.
hindi ko inakalang ganun ako kabilis nahulog sa'yo.

sa isang batang katulad kong walang gaanong kaibigan
ikaw ang nagpasaya, nagpa-iyak at nagpahalakhak sa akin.
ang taas ng tingin ko sa'yo, andami mong kaibigan lahat magaling mag-ingles,

ikaw ata ang nagturo sa akin kung paano magsalita ng ingles-- ng tama at may yabang.
ginagaya kita lagi, pati mga suot niyo gusto ko.
lagi kang may bagong kwento.

sinamahan mo ko ng mahabang panahon.
binigyan mo ng kanta ang bawat lungkot at saya ng buhay ko.
pinaramdam mo sa akin na naiintindihan mo ako.

naisipan ko din dating sumulat sa'yo.
humingi ng favor na kantahin mo ang "favorite song" ko.
hindi mo ko binigo, nilagay mo pa sa kuwarto mo ang sulat ko.
kinilig ako, kinuwento ko sa lahat ng ka-klase ko.

ng nabalitaan kong wala ka na.
sobra pa sa lungkot ang naramdaman ko.
naging parte ka ng high school life ko... ng kabataan ko.

ng pinatugtog mo na ang kantang "video killed the radio star"
para akong nawalan ng kaibigan. nawalan ng kasama.
matagal man tayong hindi nagkita pagka-graduate ko ng college.
hindi ka nawala sa ala-ala ko.

ma mi-miss kita.
hanggang sa muli.

paalam
MTV.


Photo Source here.

~ sana maulit muli

|
A part of you has grown in me. And so you see, it's you and me together forever and never apart, maybe in distance, but never in heart.


THURSDAY (March 29, 2007)

umalis ako ng bahay papuntang MIA bandang 6:30 ng hapon, ang sabi darating daw siya mga 8:45 ng gabi... ma trapik, so kailangan kong umalis ng maaga. dumating ako 8:10 na ng gabi...

F*CK... delayed ang flight niya, 9:10 ATA pa... wala na akong magawa kailangan kong maghintay... nag yosi, kumain, nag yosi.... paulit-ulit.

halong kaba, excitement, inip at inis ang naramdaman ko nung time na yun... hindi ko alam kung bakit parang mabagal ang takbo ng oras ng panahong yun.

9:30 na ng sa wakas lumabas na siya ng airport.hindi ko siya agad nakilala, ang laki ng pinagbago ng itsura nya...

binati ko siya, nagulat siya nang bigla ko siyang niyakap at hinalikan... una yun, hindi ko kasi ginagawa sa kanya dati. natawa na lang siya.

hindi ko ma explain ang feeling... nahihiya ako sa kanya, yung feeling na dahil matagal kayong hindi nagkita - nahihiya ka. pero parang gustong tumalon ng puso ko na andito na rin siya sa wakas.

dumating kami sa bahay, nag dinner, nagkwentuhan hanggang umaga... saya. sana hindi na matapos ang mga ganitong okasyon ng buhay ko... sana.

FRIDAY (March 30, 2007)

buong araw nasa bahay lang kami, nagligpit ng gamit nya... nag ayos ng bahay, nanood ng dvd.

bandang hapon na kami lumabas para manuod ng sine at gumala. ang tagal ko ring hinintay ang araw na makakasama ko siya. sa wakas. haay!


********

Galing ito sa luma kong blog, kinuwento ko kung paano ako lubos na natuwa ng dumating si Siopao galing Bacolod at sa wakas titira na kami sa iisang bahay. Antagal din naming tiniis ang malayo sa isa't isa. Halos 2 taon din yun. After ng graduation niya, nag decide siyang sumunod ng Manila para kami magkasama. Isa yun sa pinaka-masayang araw ng buhay ko.

Pero ilang araw mula ngayon, 3 taon mula ng naisulat ang post na yan, muli kong iiwan si Siopao. Ang mas malala, higit pa sa 2 taon kaming magkakahiwalay.

Sana lang darating ulit ang pagkakataon na ma-isulat ko ulit sa blog na 'to ang kung ano man ang nai-kwento ko sa taas. Parehong eksena. Walang pinag-kaiba.

Sana.



Photo Source here.

~ pareho

|

Pareho ang kulay, brand at hugis ng toothbrush namin ni Siopao. Hindi yun sadya at hindi namin namalayan hangga't nagtabi na ang mga ito sa lalagyan.

Kaninang umaga, habang nag hahanda papuntang 'pisina (opisina, para sa first timers).

Kinuha ang toothbrush.
Naglagay ng toothpaste (hindi ko alam ang tagalog ng toothpaste, sa nakaka-alam... buti ka pa). Nagsimula ng ritwal.

"Shit!"

Na realize ko na parang hindi akin ang toothbrush.
Hinugasan ang bumubulang toothbrush.
Kinuha ang isa.
Nilagyan ng toothpaste (hanggang ngayon di ko pa din alam ang tagalog nito. Pacensiya).

Ng akmang isubo.
Narealize na tama ang toothbrush na ginamit ko nung una.

"Shit!"

Bad trip.
Hinugasan ang toothbrush.
Binalik.
Kinuha ulit ang na-unang ginamit.
This time, sure ako... akin na talaga 'to.
Nilagyan ng toothpaste. (ano nga ba ang tagalog ng toothpaste? Kulit)

Habang nagsisipilyo naisip ko.
Buti sa toothbrush lang ako nagkamali.

Paano kung lovelife ko yun.
Kinuha ko ang una.
Inakala kong mali.
Binitawan ko.
Kinuha ko ang isa sa pag-aakalang yun ang tama.
Hindi pa man nagsisimula, narealize ko tama pala ang una.
Mali ang pangalawa.

Pag ganun.
Parang toothbrush din ba, na pwedeng ibalik ulit at kunin ang una?
Ang una na minsan ay inakala kong mali?

Buti na lang talaga sa toothbrush lang ni Siopao ako nagkamali, hindi sa kanya.
Buti na lang.

Di baleng hindi ko alam ang tagalog ng "toothpaste."
Di bale na.


Phot Source here.

~ ASAL (Ang Sa Akin Lang)

|

"What's your secret?"

Yan ang laging tanong kasunod ng salitang,

"Antagal niyo na..."

Sa totoo lang, walang namang espesyal kaming ginagawa para umabot kami ng ganito ka tagal. Hindi din pwedeng sabihing may librong sinusundan para tumagal ang relasyon. Una sa lahat, hindi kami pagkain para may susunding recipe, at lalong hindi kami parang "internet package" na may "quick install kit manual."

Pero kung may ma-isasagot ako sa tanong, hindi ito tip o sekreto, ito'y sariling pananaw, sariling opinyon at pagkakaintindihan ng dalawang tao. Most of my friends find my beliefs, position and treatment with the relationship weird, but if it's what works then why not... I am not saying that this is also applicable to some, kasi sabi nga ng mga nagmamarunong sa libro, "To each is own!"

~ We never impose rules.
We live by respect for oneself.
We're old enough to know what is right or otherwise. Kung may gagawin mang masama, hindi ito kabawasan ng pagkatao ng isa kundi kabawasan ng pagkatao mo mismo. Sa'yo guguhit ang mga pinag-gagawa mo, hindi kailanman sa akin. If you respect yourself, you give respect to others too.. you give respect to the relationship.

~ Understand the life, lifestyle and the world you're both into.
We are not in any way a "man-woman relationship," so why pattern your relationship to it. Understand what is expected given that you're in a world (Gay World) where everything is run by, to name a few, superficial, judgmental and very competitive individual (no pun intended). Not to mention a very small world it is... si ano kilala ni ano, na naging ex ni ano, na friend ko, na naka sex ni ano na officemate ko, na naging fubu ni ano nung last year! At kung anu-ano pang koneksiyon na pwedeng maisip. Ibig sabihin, hindi dahil ansa relasyon kayong dalawa, e safe ka... minsan may mga taong walang respeto sa relasyon ng iba... magiging "forever" ka kompetensiya mo sila. Kailangan mong intindihin ang kung ano meron ang mundong ito para sa'yo. Para mapag handaan mo

~ Being a "MAN" is a big factor to consider.
Lalaki ka, lalaki din ang ka relasyon mo. You don't impose on things that you know for yourself you're not capable of doing as well.


"there's always a possibility that a person can get attracted to another.
it's human nature.
it's not wrong.
but that's why you're in a commitment.
you DISCIPLINE yourself.
one may get attracted to numerous prospects and it's ok.
as long as you don't nurse the feeling and wont do something about it.
borderline between CHEATING and FAITHFULNESS.
recognize the reality that you already have the person that can give you MORE than what you get from the cheap thrills of attraction..."


Photo Credit here.

~ Eh, ano naman?

|





"Bakit hindi pwede?

"Hindi ba obvious? O di nakarating sa'yo ang MEMO na hindi ako single?"

"Alam ko. Weh, ano naman?"

"Alam mo dahil sa sinabi mo, hindi na ako magtataka bakit wala din sumeseryoso sa'yo"


Bakit nga ba laging ganun, maraming may gusto ng "seryosong" relasyon pero bakit andami pa ding single? parang hindi tugma sa logic ng "supply and demand."

I'm no expert to things such as this, but one thing is clear... a lot of gay men do not have respect to another's relationship.

Minsan naisip ko, we can't blame them, siguro nga they've been to some heartaches that caused them to play around. But is it an excuse? or just a way to find some decent justification?



Picture Source here.

~Dalawampu't Limang Bagay

|


Sa tuwing sasapit ang Pasko, gumagawa ako ng 25 na bagay na magpapa-alala sa akin sa kung anong inihanda ng taong ito para sa akin. Feeling ko nga bagay ito sa new year gawin, pero since ako ang may pakana nito... wala kayong magagawa kung sa pasko ko gagawin. Sana ma-enjoy niyo ang pagbasa nito, kung hindi man, basahin niyo pa rin.. nakaka-gamot ng goiter!

25. Naging mahirap sa akin ang bawat Thursday ng taon, mula Makati going to Mendiola.. Bus, MRT, Lakad sa Gateway, LRT, Lakad sa Mendiola hangang St. Jude. Magsisimba. Iba ang fulfillment na dulot niya. Nakaka-adik. Nakakaramdam ako ng linis.

24. Ang mga kaibigan kong nagkaroon at nawalan. Nagka boyfriend... nagpalit ng maraming beses... nagkahiwalay... nawalan... naiyak... muntik ng mag suicide.

23. Ang mga nagalit, nangutya, nagduda, gumawa ng kwento, nang-asar... Eto sa inyo: "Kamutin niyo Betlog niyo.. wla akong paki-alam!"

22. Naiyak ng very, very light... dahil sa hamon ng relasyon, buhay pag-ibig at karera. Buti na lang malakas ako kay Bro. Ok pa din kami, pumapagaspas!

21. Ang mga "sira-ulo-kong-kaibigan" na walang sawang nagpapasaya, nagpapatawa at nagbibigay stress kung minsan. Sa mga bagong kakilala, ka facebook, ka twitter, at ka-blog na nagpapa-iyak sa akin at pumapawi ng kalungkutan sa tuwing nababasa ko ang mga blog at status nila. Salamat sa computer, naging tamad ako.

20. Ang aking pamilyang, naging hobby na ang mag diskusyon at mag palitan ng ka-gagahang opinyon. Sana wag kayong magbago, kayo ang humihigop ng lakas ko.

19. Sa aking mahal na Siopao, na may bagong blog "Sauce ni Siopao", salamat ng marami sa pagmamahal, pag-aaruga at pagbibigay buhay sa salitang "buhay" Hindi ko man lubos naipapadama kung gaano kita ka mahal at kung gaano ako kahandang alagaan ka. Ang simpleng ngiti mo ang laging kumukumpleto sa araw ko. Sana ganun din ako sa'yo, Mahal Kita! Malapit na 7th Anniv. natin... regalo!

18. Ang mga gamit kong nawala, perang nahulog sa imburnal, celfone na ninakaw sa bus at ang wallet kong laging naiiwan sa mesa. Natutunan kong, may mga mabubuting taong nag sasauli ng gamit, doble din nito ang dami ng mga taong nangunguha. Sa buhay ngayon, kailangan mahigpit ang pagkakahawak mo sa mga bagay na mahalaga sa'yo. Mas agrisibo ang ibang tao, kukunin nila yan sa'yo. Maghanda.

17. Naka 5 uri ako ng gupit sa taong ito.. napag kamalang adik, call boy, snatcher.. pero bihira lang akong napagkamalang bading. Bakit kaya?

16. Marami-raming DVD ang napanuod, maraming luha ang binitawan habang nanunuod... maraming tissue ang naubos. Salamat sa pagkakataong matuto at magsayang ng luha.
Natuwa sa Glee. 13 episodes. Na-iyak sa Brothers & Sisters.

15. Sa dami ng librong nabasa, na buklat, natapos at nabili... Alam kong, mahilig akong magbasa. Na realize ko, tahimik ako pag nagbabasa. Alam niyo na kung ano ang makakapag patahimik sa akin.

14. Libo-libong kantang dinownload.. sana ganun lang kadali ang buhay, isang download lang... solve na.

13. Ang namayapa kong cellphone, paalam sa 4 na taong tayong magkasama sa hirap at ginhawa. Ngayong taon na 'to nakita ko ang kapalit mo. Napagsilbihan mo ako ng taos puso. May you rest in peace!

12. Ilang lugar ang napuntahan, nagpa picture, nag upload at nag crop... sa dinami-dami ng ala-alang nakunan ng camera, hindi na enough ang tawagin akong "camwhore"

11. Buti naman, wala akong naka-away ngayong taong ito, di gaya nung nakaraan. Senyales na matino na nga siguro ako. LOL

10. Starbucks.. napakadaming kape sa buong taon. Kulang na lang magpa tattoo ako ng logo nila.

9. Nagustuhan ko ang black na t-shirt. Sa pagkahilig, naging puro itim ang damit ko.

8. Na adik sa facebook at twitter. Naging maiksi ang panahong manuod ng t.v. dahil sa dala ng "Plants vs. Zombies" Babawi ako sa'yo... relaks ka lang.

7. Ang maraming beses na anging laman ng Malate, nalasing, na tipsy, nagpawis kaka sayaw.. naghamon ng away, nag-turo kung sino ang pangit, namintas ng mga di ka-uri. LOL Sinabi ko sa sarili kopag 30 years old na ako, hindi na ako sa Malate pupunta... kukuha na ako ng insurance, burial, at life plan.. Sisimulan ko na ang pag plano ng aking katandaan.

6. 46 tickets ang nabili para sa sine. Mangilan-ngilan lang ang natatandaan. Yung iba indie film, kadalasan "chick flick."

5. Naging 26 ang edad. Hindi katanggap-tanggap.

4. Naghahanda sa pag-aaral ulit. Humanda.

3. Nag solve ng 130 Math problems. Baka ma bobo ako sa math.

2. Nag type ng di mabilang na letra para sa blog na 'to. Nag enjoy!

1. Naging aktibo sa pag-blog. Nakaka wala ng stress.

Salamat sa 2009, naging mahirap man, naging malungkot... pero marami pa ring dapat ipagpasalamat. Sa Dioys, maraming salamat sa bigay mo. Pasasalamat na lang ang pwede kong sabihin. Hindi na ako hihingi. Ikaw na ang bahala.


Photo Source here.

~ Mourning

|
Nothing beats a BAD MONDAY seeing this...

and I am asking you...

"How's your sleep?"

I am one with the nation, demanding (for the lack of better word) JUSTICE to what happened.
CRUCIFY them.






PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.