
nagmamadaling umuwi pagkatapos ng klase.
high school ako nun ng ika'y aking makilala.
hindi ko inakalang ganun ako kabilis nahulog sa'yo.
sa isang batang katulad kong walang gaanong kaibigan
ikaw ang nagpasaya, nagpa-iyak at nagpahalakhak sa akin.
ang taas ng tingin ko sa'yo, andami mong kaibigan lahat magaling mag-ingles,
ikaw ata ang nagturo sa akin kung paano magsalita ng ingles-- ng tama at may yabang.
ginagaya kita lagi, pati mga suot niyo gusto ko.
lagi kang may bagong kwento.
sinamahan mo ko ng mahabang panahon.
binigyan mo ng kanta ang bawat lungkot at saya ng buhay ko.
pinaramdam mo sa akin na naiintindihan mo ako.
naisipan ko din dating sumulat sa'yo.
humingi ng favor na kantahin mo ang "favorite song" ko.
hindi mo ko binigo, nilagay mo pa sa kuwarto mo ang sulat ko.
kinilig ako, kinuwento ko sa lahat ng ka-klase ko.
ng nabalitaan kong wala ka na.
sobra pa sa lungkot ang naramdaman ko.
naging parte ka ng high school life ko... ng kabataan ko.
ng pinatugtog mo na ang kantang "video killed the radio star"
para akong nawalan ng kaibigan. nawalan ng kasama.
matagal man tayong hindi nagkita pagka-graduate ko ng college.
hindi ka nawala sa ala-ala ko.
ma mi-miss kita.
hanggang sa muli.
paalam
MTV.
Photo Source here.
6 ang naumay sa:
akala ko naman kung anu na. hehe. mtv lang pala. somewhat nakaka relate ka ba na ganun din si siops mo.
nakakasad no? okay naman ang [v]. gusto ko lang may choice ako. :c
@jinjiruks: kaya nga cguro mabilis kong naisulat kasi nakakarelate ako... hehehe!
˙ƃuɐl ʇoʞƃunlɐʞɐʞɐu ˙ƃuɐl ɐʎıs lǝuuɐɥɔ ɔısnɯ ƃuɐqı ɐƃɐlɐʇ ɐd ɐlɐʍ ısɐʞ ıʇɐp ˙˙˙ɐƃɐlɐʇ ssıɯ-ɐʞɐʞɐu :ʎnoqʎʇıɔ@
wala na bang mtv? seriously?
@engel: wala na po.
bumalik na ah. kanina ko lang napansin. mas astig na siya. wala nang nakakainis na shows. tapos halos tuloy tuloy yung music.
Post a Comment