~ kwentong emergency

|
“A love-sick heart dies when the heart is whole, For all the heart's health is to be sick with love”
Schedule ni siopao today para magpa colonoscopy (for definition please ask Google). Three days na siyang wala gaanong solids, puro clear soup, water, at bawal ang fruits, grape juice at something na mapula in preparation for the test.

Around 10 in the morning, ready na kami to go to Makati Med (MMC), 11am ang schedule niya kaya dapat maaga, bawal uminom ng water at kumain. In other words, gutom kami peraho ng pumunta ng ospital.

Sedated siya at mga 2 hours nagtagal ang procedure. Buti na lang may Showtime na palabas sa T.V., hindi ko naramdamang puro may sakit ang naghihintay dun. Labas-pasok ang mga tao. Lahat may kanya-kanyang daing.

Maya-maya lumabas na si siopao, hawak-hawak ang tiyan. Masakit daw at bloated ang feeling. Bumaba kami to submit some forms. Habang nag hihintay sa queue, sabi niya sumasakit daw ang tiyan ya ng sobra. Inisip ko, since last night pa ang last na kain niya, baka gutom lang.

So naisipan kong kakain muna kami bago umuwi.

Palabas na kami ng MMC, literally nasa ilalim kami ng name na "MAKATI MEDICAL CENTER" sa may entrance ng bigla na lang nawalan ng malay si siopao, bigla na lang bumagsak. Parang "Pieta" ang eksena namin sa labas ng MMC. Nag sigawan ang mga tao to ask for help.

Si Kuya Guard, may-i-senyas lang na paupuin ko daw sa wheelchair.

"Hello, hindi ho siya magaan. Try mo kaya akong tulungan kuya!"

Putlang-putla si Siopao, parang siopao sa puti, kulang na lang pula sa noo. Asado na. Diretso sa Emergency si Siopao sakay ng wheelchair, habang ako sa likod tumatakbo. Parang teleserye ang eksena, ang mga tao nagtinginan.

Marami ang nagulat.

"Parang gulat na gulat naman ang mga toh? Ospital po to, malamang maraming naka wheelchair at kadalasan maraming walang malay" sa isip ko.

Pagdating sa Emergency, taranta ang mga pogi, este ang mga nurse at doktor. Lahat nagtatanong sa akin ng sabay-sabay, nagtatanong ng paulit-ulit.

"Nagpatawag ba ako ng presscon? Bat ang daming interview?" isip ko.

Siguro mga 4 na beses akong nag oration. Kulang na lang judges at stage, i-dedeclare na akong panalo. Kwento mula simula hanggang sa kung paano kami napadpad sa Emergency.

Habang hawak hawak ko ang tsinelas ni siopao, kinakausap ko ang mga doktor, ang health card representative at ang mga nagtuturok sa kanya ng kung anu-ano. Na feel kong asawa ako ng pasyente.

"Doc, iligtas niyo po ang asawa ko. Maawa na po kayo!" sabay patak ng 2 drops ng luha sa right cheek.
(Walang ganung nangyari, baka pag nagkataon baka dumating ng wala sa oras ang mga taga National Center for Mental Health).

Maya-maya bumalik na ang kulay ni siopao. Namula na ulit ang ma-putlang bibig kanina. Nagkamalay na din sa wakas at nag litanya ng...

"Nagugutom ako!"

At that point, alam kong okey na si siopao. Naiisip na naman ang pagkain.

Kinailangan siyang i-dextrose at i-Xray para malaman kung may complication ang kaka-sagawa lang na colonoscopy.

Habang hinihintay ko si siopao lumabas ng x-ray room. Naisip ko, ganun pala talaga sa Emergency Section. Iba ang adrenaline rush. Iba ang fulfillment na mararamdaman mo kung nakatulong ka. Walang room para sa antok sa mga nurse at doktor. Bawat dating ng mga tao, kailangan handa ka. Oras ang kalaban nila at buhay ang hinahabol.

Maya-maya bumalik na si siopao, sabi ng doktor, wala namang complication sa stomach area at sa intestines. Kulang lang daw sa Potassium.

Everybody now. "Huwaaahhht?!"

Saging lang ang sagot? Kailangan lang kumain ng maraming saging?

"Pina-pakain ko naman siya ng saging lagi ah?" sa isip ko.

Ay mali. Totoong saging pala ang ibig sabihin ni Doc. Fine.



**********
Okey na si Siopao, naka-uwi na din kami ng bahay. Nagsisimula nang mang-asar. Alam kong okey na talaga siya.

Photo Source here.

14 ang naumay sa:

Aris said...

oh my god. ka-tense ang hospital scene. glad to know siopao is ok na. get well soon sa kanya. :)

bunwich said...

@aris: thanks. thank god talaga, kinabahan nga ako.

lee said...

vinivisualize ko ng slow motion ang bawat scene with matching white flashes at every cuts.

but, good to hear that siopao's doing good :)

bunwich said...

@lee: ako, vinisualize ko na pang acting award ang role ko. thanks for dropping by. :P

red the mod said...

Napaka anti-climactic ng doktor. Pero, at least he gave good news. Ganyan din ang sabi ng mom ko sa akin eh, when I got dengue last year. She knew I was getting better nung nang-aasar na ako. Hehe.

citybuoy said...

nakaka-tense talaga! i'm glad he's okay. :D

bunwich said...

@red the mod: Oo nga e, sana man lang nag drama ng konti si doc. Hahaha!
@citybouy: yeaah, he's ok na. thanks

Anonymous said...

glad ok na siya

Mike said...

good to know he's ok.

ang sweet naman na sinamahan mo sya sa hospital. :)

Anonymous said...

awww kaya pala marami kayong stock ng saging.

buti nga at ok na si siopao mo. at yeah ang sweet.

kaya ayoko sa ospital. amoy pa lang nun gusto ko ng mahimatay. :D

Darc Diarist said...

hang-cute naman. hehe
happy siopao is ok :)

Clayman said...

kahit na "serious" situation, it was still an amusing read. galing mo to keep things "light" despite the pressure. :)

good to know siopao's okay. :)

Jinjiruks said...

delay..
sana ok na si siops.
anu po ba sakit niya if i may ask.

bunwich said...

@thecuriouscat: ok na siya, nangangagat na.
@mike: wala akong choice,a ko kasama niya sa bahay...lol
@jepoy: oo, may dumating na namang bagong stock
@darc: starstruck pa din ako, nakadalaw ka.
@angelo: hehehe! pero kinabahan din ako.
@jinjiruks: wala naman serious... the doctor just asked him to do some tests.

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.