~ "ligo na u, lapit na me"

|

Napa sa kamay ko ang librong ito, ng isang araw na wala akong magawa. Bumalik ako sa dating tambayan, ang Powerbooks sa Greenbelt. At dahil walang bagong librong labas si Jessica Zafra after ng Twisted 8 1/2 niya... nabaling ang atensyon ko sa cover ng librong ito. Sino ba naman hindi magugulat sa cover na ang isang magandang "chick" i-pinapatungan ng paa ng lalaking kulang na lang taho, mapagkakamalan mo ng vendor sa Ayala.

Sumunod na ginawa binasa ang likod ng libro.

Kina-ilangan ko pang basahin ulit ang nakasulat, kasi sa unang basa parang puro salitang "tanong" lang ang nabasa ko. Pagkatapos ulitin...

"Aba may promise!"

Sinimulan kong basahin ang unang chapter. Simula nun, nawala ako bigla sa Powerbooks. Unti-unting nagka pader sa paligid ko. Nag-dive na ako sa libro.

Dahil sa hindi ko na siya kayang bitawan. Inuwi ko na. Buong shift ko sa office, walang narinig ang mga officemates ko galing sa cubicle ko, daig ko pa ang pipi sa pagiging tahimik.

Nakaka-aliw ang bawat pahina ng libro, parang kaharap ko lang at nagkukwento.

Tuklasin ang pag-ibig ni Karl Vladimir Lennon J. Villalobos o Intoy, at kung paano siya gumawa ng lugaw sa madaling araw. Kung paano sila naglalaro ni Jane. Kung gaano ka importante sa kanya ang Dark Chocolate. Ano ang regalong binigay sa kanya ng taxi driver. Sino ang kung ituring na Citizen Dildo at bakit mukha niya lang ang magagalit, balahibo lang ang tatayo at panga lang ang titigas pag kaharap niya si Venus.


Photo Source here.

3 ang naumay sa:

Jinjiruks said...

pers taym ko sa blog mo. naaliw agad ako sa pagbabasa. lalo na yung valentine's day post. la lang. makulit ang iyong imahinasyon sa pagsusulat. pagpatuloy mo lang yan. amen.

bunwich said...

@jinjiruks: salamat sa pagdalaw, dalas-dalasan mo pa ha... hehehe! :P

Anonymous said...

ahm . nawla ko po ung gn2ng libro .
galing sa library namen. kaso po nawala ko. san ba ko makakabili ??

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.