~ magkahiwalay na tanong

|
The grass is not greener on the other side... Its greener where you water it.








May kaibigan na naman akong naghiwalay. Walang nagawa ang simoy ng February at ang nalalapit na Valentines Day. 5 taon din yun. Nauwi sa wala. Nakakalungkot.

Minsan nadatnan ako ni Siopao, nakatunganga sa kuwarto,hawak ang cellphone. Akala iya kung ano na nangyari sa akin. Umiiyak ako. Walang tigil ang daloy ng luha.

"Wi, break na sila Anton"

"Oh, bat ikaw ang umiiyak diyan? Bagong raket mo, ikaw ang taga iyak ng mga iniwan?"

"Hindi ganun, nalulungkot lang ako. Nabawasan na naman ang mga mag-jowa"

"Akala mo naman sa magjo-jowa isang asosasyon na nalalagasan ng members!"

"Nalulungkot na nga ako, ganyan ka pa"

"Pinapatawa lang kita... OA kasi ang reaction mo. I-reserve mo ang luha mo pag tayo ang naghiwalay"

"Parinig ba ya o banta?"

"Joke lang!"

Hindi ko maiwasang malungkot everytime may balitang ganyan. Hindi ko din maiwasang mag-isip bakit humahantong sa ganung sitwasyon ang mga mag-jowa, lalo na kung matagal na. Ganun lang ba kadali bumitaw? Ganun lang ba kabilis mawala? Bakit hindi nagawang ipaglaban?

Pasensya sa mga tanong, para sa iba , iisipin niyo, maraming pwedeng dahilan ng break-up. Depende sa sitwasyon. Depende sa takbo ng relasyon.

Ang sa akin lang, hindi ba't dapat tanggap natin ang pagkatao ng isa't-isa? Hindi ba dapat alam natin na dadaan at dadaan ang isang relasyon sa sitwasyong mahirap. Mag-aaway, pero alam natin lahat magkakaroon ng pagkakasundo pagkatapos nito.


Dahil ba "give-up" na ang isa. "Let go" na lang din ang isa? Ano ang assurance na sa susunod na relasyon mo, hindi mangyayari ang nangyari sa'yo? Pagdating ba ng panahon na yun, makikipaghiwalay ka din ulit? Hindi ba paulit-ulit lang din naman yan?

Maraming nagsasabi na naghihiwalay ang mag-jowa dahil they're optimistic that there are "better ones" out there waiting. Well in that case, bakit andami pa ding single? Kung mas marami ang mas mabuti kesa sa kung anong meron ka ngayon, hindi 'bat dapat nakuha na yun ng iba? Anong assurance mo na mapupunta sa'yo?

Hindi 'bat ang magandang relasyon, ginagawa at hindi parang RTW na pwedeng damputin lang?

Habang sinusulat ko ito, bigla kong naisip... Naghihiwalay ang 2 tao, bumibitaw sa pangako at pag-ibig dahil pareho lang din silang sumuko. Isa sa kanila ang tumigil. Isa sa kanila ang napagod.

Pero alin ba ang mas nakakapagod, ang bumitaw sa kung anong meron ka na, o ang magsimula uli?



Photo Source here.

4 ang naumay sa:

Mugen said...

Naranasan ko iwanan ng first partner ko ng February 14. San ka pa.

Naranasan ko rin bumitaw sa isang relasyon na limang taon.

Isang taon at apat na buwan na akong single. Go figure how I tread my singlehood. :)

Dalangin ko ang katatagan ng relasyon niyo ni Siopao.

bunwich said...

@Galen: normal na ata sa akin ang nasasaktan everytime makakarinig ako ng balitang ganyan... I can only imagine the pain, siguro nga dahil hindi ko kaya ang ganyang sitwasyon kaya di ako bumibitaw...

hindi ako nagkaroon ng ex, hindi ko naranasan mag iwan.. sana nga hindi mangyari...mamamatay ako.

citybuoy said...

it's always sad when people break up. may moments din na nasasad ako kahit di naman ako personally involved. :c

bunwich said...

@citybouy: ganun talaga siguro/

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.