A part of you has grown in me. And so you see, it's you and me together forever and never apart, maybe in distance, but never in heart.

THURSDAY (March 29, 2007)
umalis ako ng bahay papuntang MIA bandang 6:30 ng hapon, ang sabi darating daw siya mga 8:45 ng gabi... ma trapik, so kailangan kong umalis ng maaga. dumating ako 8:10 na ng gabi...
F*CK... delayed ang flight niya, 9:10 ATA pa... wala na akong magawa kailangan kong maghintay... nag yosi, kumain, nag yosi.... paulit-ulit.
halong kaba, excitement, inip at inis ang naramdaman ko nung time na yun... hindi ko alam kung bakit parang mabagal ang takbo ng oras ng panahong yun.
9:30 na ng sa wakas lumabas na siya ng airport.hindi ko siya agad nakilala, ang laki ng pinagbago ng itsura nya...
binati ko siya, nagulat siya nang bigla ko siyang niyakap at hinalikan... una yun, hindi ko kasi ginagawa sa kanya dati. natawa na lang siya.
hindi ko ma explain ang feeling... nahihiya ako sa kanya, yung feeling na dahil matagal kayong hindi nagkita - nahihiya ka. pero parang gustong tumalon ng puso ko na andito na rin siya sa wakas.
dumating kami sa bahay, nag dinner, nagkwentuhan hanggang umaga... saya. sana hindi na matapos ang mga ganitong okasyon ng buhay ko... sana.
FRIDAY (March 30, 2007)
buong araw nasa bahay lang kami, nagligpit ng gamit nya... nag ayos ng bahay, nanood ng dvd.
bandang hapon na kami lumabas para manuod ng sine at gumala. ang tagal ko ring hinintay ang araw na makakasama ko siya. sa wakas. haay!
********
Galing ito sa luma kong blog, kinuwento ko kung paano ako lubos na natuwa ng dumating si Siopao galing Bacolod at sa wakas titira na kami sa iisang bahay. Antagal din naming tiniis ang malayo sa isa't isa. Halos 2 taon din yun. After ng graduation niya, nag decide siyang sumunod ng Manila para kami magkasama. Isa yun sa pinaka-masayang araw ng buhay ko.
Pero ilang araw mula ngayon, 3 taon mula ng naisulat ang post na yan, muli kong iiwan si Siopao. Ang mas malala, higit pa sa 2 taon kaming magkakahiwalay.
Sana lang darating ulit ang pagkakataon na ma-isulat ko ulit sa blog na 'to ang kung ano man ang nai-kwento ko sa taas. Parehong eksena. Walang pinag-kaiba.
Sana.
Photo Source here.
11 ang naumay sa:
bakit san ba pupunta si Siops at aalis na naman? Sa ibang bansa naba siya magwo-work?
Kinilig ako dun sa lumang blog entry mo. Sobrang saya niyakap at hinalikan. Never been to an airport pa kaya hindi ko alam ang feeling. haha!
Kaya mo yan, isipin mo nalang na parang dalawang buwan lang ang 2 taon.
:)
all the best sa inyo ni siopao. sa nabasa ko naman dito, i'm sure mauulit yun.
awwww. shucks. ang sweet.
@jinjiruks: uhuh! this time aalis ako, maiiwan na naman siya.. may balak din siya sumunod. sana.
@engel: salamat. sana magdialng anghel ka. hahaha!
@iurico:nilanggam ka ba? sorry. hehehe!
Kung Tayo'y Magkakalayo na dapat ang tema. hehe. kidding aside, it's my first time to read your blog. Buti na lang at this new age, sobrang dali na makipagcommunicate sa mga taong malayo sa atin. Good luck sa inyo =)
@mc: thanks for dropping by. oo nga e, at least d masyadong homesick.
sira ulo ka john. umiiyak ako ngayon sa cubicle ko. i echo nyl, huwag kayong maghihiwalay dalawa. i'm rooting for you guys!
-darc
@darc: oh my... naiyak nga din ako ng sinulat to.hindi talaga kami maghihiwalay. sure yan.
pero nalungkot ako dahil wala na ang blog mo.. sabi ko nga sa'yo, nakak intimidate ang blog mo.nalungkot ako. totoo.
how sad. pareho lang tayong winiwish. a few years isn't long. don't worry. :D
wala na ba si darc? hala tuloy tuloy na yung kinalulungkot ko..
@citybouy: basta... well hod on tight... hahaha!
oo, wala na ang kay darc.
simple ang short. pero masarap basahin. :)
-129
Post a Comment