~ pareho

|

Pareho ang kulay, brand at hugis ng toothbrush namin ni Siopao. Hindi yun sadya at hindi namin namalayan hangga't nagtabi na ang mga ito sa lalagyan.

Kaninang umaga, habang nag hahanda papuntang 'pisina (opisina, para sa first timers).

Kinuha ang toothbrush.
Naglagay ng toothpaste (hindi ko alam ang tagalog ng toothpaste, sa nakaka-alam... buti ka pa). Nagsimula ng ritwal.

"Shit!"

Na realize ko na parang hindi akin ang toothbrush.
Hinugasan ang bumubulang toothbrush.
Kinuha ang isa.
Nilagyan ng toothpaste (hanggang ngayon di ko pa din alam ang tagalog nito. Pacensiya).

Ng akmang isubo.
Narealize na tama ang toothbrush na ginamit ko nung una.

"Shit!"

Bad trip.
Hinugasan ang toothbrush.
Binalik.
Kinuha ulit ang na-unang ginamit.
This time, sure ako... akin na talaga 'to.
Nilagyan ng toothpaste. (ano nga ba ang tagalog ng toothpaste? Kulit)

Habang nagsisipilyo naisip ko.
Buti sa toothbrush lang ako nagkamali.

Paano kung lovelife ko yun.
Kinuha ko ang una.
Inakala kong mali.
Binitawan ko.
Kinuha ko ang isa sa pag-aakalang yun ang tama.
Hindi pa man nagsisimula, narealize ko tama pala ang una.
Mali ang pangalawa.

Pag ganun.
Parang toothbrush din ba, na pwedeng ibalik ulit at kunin ang una?
Ang una na minsan ay inakala kong mali?

Buti na lang talaga sa toothbrush lang ni Siopao ako nagkamali, hindi sa kanya.
Buti na lang.

Di baleng hindi ko alam ang tagalog ng "toothpaste."
Di bale na.


Phot Source here.

11 ang naumay sa:

Anonymous said...

hahaha naparanoid dahil lang sa toothbrush.

ano kaya kwento kapag nagkaplit kayo ng underwear lol =)



(pa add sa twitter ang st_argunn )

Jepoy Dacuycoy said...

naku nakakarelate ako. hindi sa toothbrush kundi dun sa pilian pilian. :(

lee said...

ang galing naman. naconnect ang toothbrush sa buhay pag-ibig.

bunwich said...

@dabo:sure.. add kita.. salamat sa pagdaan. praning talaga ako lately.

@jepy: ikwento mo yang relation na yan.

@lee: hahaha... alam mo abng diyan nagsimula ang MMK? na relaize ni charo santos na ang iasng simpleng stapler ay may kwentong pag-ibig na kadugtong... LOL

citybuoy said...

wow i wasn't expecting this. galing!

engel said...

and naisip mo siya habang nagtotoothbrush?

kinda cheesy. =D

Jinjiruks said...

hehe. ako kasi kakahanap ng tamang toothbrush. nabungi na ako sa pagkakamali. ewan ko agree ba ako sa tamang pagpili. since nde mo naman malalaman kung tama o mali unless nasubukan mo na.

Anonymous said...

ang ganda ng analogy!!!
love it....
fun fiction ang dating

bunwich said...

@citybouy: thanks.
@engel: oo, habang nag sisipilyo... cheesy ba? cge, bebenta ko na alng sa KRAFT.

Mac Callister said...

jusko pati naman toothbrush ginawang example!haha

bunwich said...

@maccallister: sorry naman.. hahaha!

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.