You cannot escape the responsibility of tomorrow by evading it today.--- Abraham Lincoln

gumising ng maaga. naligo. ang init ng tubig. pwedeng magluto ng itlog. nagsipilyo. nag clay. nagcheck ng e-mail. nagbihis. konting pili ng susuotin. kahit ano lang naman. ginising si siopao para mag goodbye kiss. nakapikit pa din ang mata niya. habang yakap ko siya na realize ko pumapayat. effective ang 2 patatas at 2 puting itlog araw-araw. saturday at sunday lang ang kanin. bumaba ng apartment at nag-abang ng jeep. mas mabilis ang jeep pag umaga. 15minutes lang nasa ayala ka na. 30 minutes early nasa office na ko. nag facebook at nag twitter habang nag-titimpla ng kape. nakipag-kwentuhan saglit sa mga badette. habang iniinom ang kape. purong kape. lactose intolerant. nagsimula ng mag check ng email. nagbukas ulit ng facebook. nag-bukas ng mga nakaugaliang blog. nag check ng inquirer habang kumakain ng kariman-pizza flavor. may bago pala silang flavor - sisig. sana gumawa na lang sila ng kariman-beer flavor para tagay-tagay na. nahiya pa sila. lagok ng tubig habang ang kabilang cubicle ay naglalaro ng bingo. 2 ang nanalo. as usual ang cards ko pinalaro ko sa iba. kulang na nga lang clown at saklaan, perya na ang office. given na ang mga clown at ang mga raging diva-marami na niyan sa opisina. tinahak ang ayala sa ilalaim ng araw para maka kain sa fine dining McDonalds malapit sa PBCom. Kaka-piranggot magbigay ng catsup. nanghingi ako ulit. nainis. pagkatapos mag lunch, sa elevator may badette na nakatingin sa akin. naka shades ako kaya na-oobserbahan ko siya. taga 7th floor. muntik ng lumampas. ayan tuloy. nakipagbolahan sa receptionist habang sinisipat ang mga pumapasok na empleyado. nag-tungo sa c.r. para mag toothbrush. andun si tolits. distracted talaga ako sa bukol niya. bakit kasi ganun. nagtatanong ng kung anu-ano. jusko sa c.r pa. sumasagot ako ng hindi nakatingin sa kanya. bad trip walang tissue. bumalik sa cubicle. nagtrabaho. kunwari.hindi ko namalayan uwian na pala. lalo na pag busy-busyhan ka. naglakad papuntang glorietta. bumili ng pagkain. sumakay ng bus. 48 years kung umalis. pati yata lamang dagat gustong isakay. nagbigay ng pamasahi. hiningan ng piso. wala sabi ko. nakakunot ang nuo ng konduktor. paki-alam ko. problema ko pa ngayon ang sukli ko. tae mo. bumaba ng bus. sumakay ng jeep. kahit hindi na kasya. pilit parin nagsasakay ng pasahero. bwisit. dapat kasama sa nakapaskil sa jeep ang kung paano mag-dyeta. ako lang ang payat sa jeep. ako pa ang hindi nakaka-upo ng maayos. dumating sa bahay ng pawis. daig ko pa ang nangolekta ng pawis sa gym. summer na talaga. binuksan ang tv. american idol na. nagluto ng corned beef. napaso. kumain na parang construction worker. dumighay. nakipag chat kay siopao. nagtatanong ng mga low-fiber foods. naguluhan. napagod. pumasok sa kwarto. nagbasa ng libro. nakatulog. nagising. nag-blog. hindi magawang ayusin ang post niya. dikit-dikit. sana ayos lang kayo sa pagbasa. salamat. bilis noh?
Photo Source here.
9 ang naumay sa:
bingo sa office. ang saya. though hindi ako marunong mag-bingo. naduling ng konting while reading the post hehehe.
@lee: hahaha.. sadya ang pagkaduling, part yan ng post. LOL
Oo, may bingo dahil sa valentines... hehehe!
parang ang saya-saya ng work mo. hindi bawal ang FB. kainis. san ba yan at makapag-apply hehe.
about sa potato and egg totoo ba un? nakakapayat?
alavet wiwi..
@jinjiruks: hahaha! masaya talaga mag bingo... LOL
yun gpatatas, so far effective naman...
@siopao: ilavu too. lol
bwahaha ang bili sko din nabasa. parang si speedy gee lang :D
gusto ko ng ganiyang office! :D
grabe naman ang 2 patatas at 2 itlog...
a day in the life of bunwich. isang masayang pasada. :)
@jepoy: di ba ambilis... simeco!
@darc: lipat ka dito samin... try mo din ang patatas at itlog...
@aris: oo, parang si mar roxas lang na naka pedicab.
Post a Comment