Write to be understood, speak to be heard, read to grow... ---- Lawrence Clark Powell

Normally sa gabi ako nag susulat ng blog, at dahil sa umaga may pasok ako,"blog hopping" ang pwede kong gawin sa opisina. Masahol pa sa kape ang pagbabasa ng blog. Nakakawala ng antok, nakaka tanggal boredom at nakaka wala ng stress, yun nga lang mapagkakamalan kang baliw ng ka officemate mo dahil pwedeng matawa ka o ma-iyak sa mga post.
Sa office, halos kalat na ang mga blog links dahil sa kaka forward ko ng mga magagandang mga entry post. Kung may isang bagay na nakatulong ang blog sa office, ito ay dahil sa almost sa mga officemates ko, tumatahimik at hindi pakalat-kalat dahil nagbabasa ng blog, yun nga lang may occasional na tawa at minsan may violent reaction. Yes, may "carried away" factor ang mga blog. At eto pa, kahit mga lalaking straight sa office nakiki-basa, yun nga lang ang kukulit, tanong ng tanong kung ano ang ibig sabihin ng mga "gay lingo." Hello, sa akin pa nagtanong? (joke!)
Nagiging ugali ko na ang i-bookmark ang mga blog site na nagugustuhan ko, at nagiging part na siya ng mga binubuksan kong link sa araw-araw. Kung gaano ka automatic sa akin ang mag check ng email, Inquirer, Phil Star, Pep.ph, ganun din kadalas sa mga blog. Gusto kong i-share sa inyo ang mga "first impression" ko sa mga blog na ito, sa mga makakabasa nito, kung sa tingin niyo mali ang impression ko, well, impression ko to... pero may chance kayong baguhin. LOL
(Yung iba ko pang binabasa, pwede sa second batch na? Promise. Nagrereklamo na ang daliri ko kaka-type!)
Ang Valentines ay hindi lamang sa mag partner, mag-asawa, mag boyfriend. Ito'y para din sa kaibigan, personal man o online. Gusto kong kunin ang pagkakataong ito upang banggitin ang mga taong napadaan dito sa blog na 'to:
Dhon, Jepoy, Citybouy, Darc,Maxwell,Galen,Aris,Wandering commuter, The Curious Cat,Parteeboi,Hinata5,Xallternative,Domjullian,Maccalister,Lee,Bampira Ako,Ming meows,Subtle Bliss,Prince Cloud,Atomic Dumb,M2MTripper,Mickey's Closet,Victor Gregor,London Boy,Mac&Hubee,Looking for Vince,DonaldPal,AfterQuake,Zachary&Zoren,Fox, Mr. RF, and Jaypee.
Nakakataba ng puso, hindi ng puson, ang malamang ang mga nagsusulat ng blog na dati'y sinusundan ko lang araw-araw ay napapadalaw din sa mumunting blog na 'to. Nagsimula itong blog na 'to bilang "gift" lang sa isa sa mga monthsary namin, at ngayon, nakaktuwang marami-rami na din ang nakakadalaw dito. Mas na-iinspire tuloy kami ni Siopao na pagbutihin at lalong palakasin hindi lang ang blog na 'to pati ang aming relasyon. Hindi man namin maipakita ang aming galak at tuwa, nais naming sabihing malaki ang naging parte ng mga dumadalaw dito sa amin.
Happy Valentines sa inyong lahat.
Photo Source here.
9 ang naumay sa:
happy valentines sa inyo!
@lastinnocent: sa'yo din.. thanks for dropping by. make yourself comfy. (parang nasa sala lang)
i never thought i gave off that kind of vibe. na-touch naman ako =D thanks.
i really enjoy reading your entries. lagi kong inaabangan posts mo.
happy v-day to you and siopao. inspiration talaga kayong dalawa. keep the love flowing =)
WOW!!! ako ba yang Jepoy dyan? hahaha. assumero ako, so ako nga yan ahihihi.
salamat John. ganun pala ako magblog ha. parang nakikipagkwentuhan lang sa kapitbahay hahaha.
astig. nakakatuwa naman at nandito ako sa blog mo. naku, ako nga ang nagpapasalamat kasi naeentertain talaga ako ng blog mo. sa sobrang pagkaentertain eh binasa ko simula sa pinakabago hanggang sa pinakauna mong post. oh ganun ako kafanatic :P
belated happy vday. nagreet naman kita kahapon diba? hehehe
hindi naman ako intimidating eh :(
@lee: hehehe! ka-aliw din naman ang blog mo.
@jepy: oo ikaw yan.. ikaw na ikaw.
@darc: it's your writing taht is intimidating, ang galing mo kasi. taob ako./
haha, kaya may ekis kasi mali, kase kung tama, may check.
korni, lol.
:)
and pahabol, kahit 16 na, happy Vday to you and siopao. :)
@maxwell: hahaha... ganun ba yun... happy vday din sayo.
Post a Comment