
Mahaba ang pila sa Starbucks. Matagal umusad ang pila.
Mga tatlong tao na lang siguro ang pagitan ko sa counter, may sumingit na babae.
Mapula ang pisngi na parang kagagaling lang sa boxing.
Mapula. Daig pa ang sore-eyes sa pula.
Maraming abubot sa katawan, akala niya siguro gumanda siya sa mga stainless at latang nakakabit sa leeg niya. Nagmukha lang siyang junk shop.
Maiksi ang suot na palda. Konting tuwad lang, mag he-Hello Philippines, Hello world na!
Narinig kong nagreklamo sa sarili ang babaeng nasa likod ko. Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang ang babae na sumingit. Mas may maganda akong balak. Matutuwa ka, relax ka lang Ateng nasa likod ko.
After niyang maka-order. Sabay kaming naghintay tawagin ang aming pangalan sa dulo malapit sa kuhanan ng tissue paper at stirrer.
"Miss, do you know what GMRC is?"
Blangko ang mukha ni ate, parang drawing book ng mga bata sa Kindergarten.
"Oh, that explains why."
Wala pa ring imik si ate. Alam niya kung saan papunta ang usapan. Biglang nag salita, this time defensive.
"What are you trying to say, na wala akong breeding?"
"Sa'yo nanggaling yan hindi sa akin... Mabuti pa nga ang aso meron, ikaw wala!" malumanay ko siyang sinagot habang nakangiti.
Nagsisimula na kaming pagtinginan ng mga tao. Pati ang mga barista nagka-interes, kulang na lang pom-poms, may cheering squad na 'kami.
"How dare you!" pasigaw niyang hinarap ako at dinuro.
"Yeah, dare me... mag-ingat ka, most people here inside saw what you did... Now, kung sa tingin mo mahal mo ang buhay mo at ang mga basurang nakakabit sa katawan mo, get out of this place bago ka kuyugin ng mga taong inagawan mo ng pila." pabulong kong sinabi kay ate, pero enough para marinig ng mga taong malapit sa amin.
Saktong nilagay ng barista ang inorder niyang frap. Kinuha ko at inabot sa kanya.
"Ayan dalhin mo yan, ibinaba mo ang pagkatao mo para sa kape na yan. Itabi mo sa pagtulog para worth it."
Nag-walk out si Ate. Nagtaka ang iba sa binulong ko. Natuwa si Ate na nasa likod.
Tse.
8 ang naumay sa:
baka naman hindi lang kayo napansin ni ate. hehe. kakatakot ka naman siops.
@jinjiruks: ang haba ng pila, i was just 3 people away from the counter, ang pumipila abot hanggang cabinet ng mga mugs. hindi ko siya sinigawan, binulungan ko lang. lol
That's angas with style!! Pag nataon na wala ako sa mood sa pagsingit niya, diretsahan ko talaga siyang sasabihan na pumunta sa likod. :)
nagawa ko na din yan. sa MRT nga lang. mapalalaki o babae, pag nakita kong sumingit sasabihan ko din.
pero iba ka john. ang taray ha!! lavet!
@galen: akala kasi ng marami most pinoys palulusutin lang ang mga ginagawa nila
@jepoy: nakakainis kasi pag ganun di ba?
powerful! gusto ko yan! yang mga ganyan sa panaginip ko lang nagagawa! hehe
@citybouy: try mo gawin minsan, parang nakalunok ka lang ng bato ni darna. fierceness! lol
Ang taray taray. Winner!
Post a Comment