
Minsan naisip ko, pagkatapos mong magmahal, ibigay ang lahat, at mag invest ng time, ng emotion. Ano pa ang pwede mong gawin para sa isang relasyon... What's next after loving?
Pagkatapos mong kiligin, makipag-date ng sangkatutak, ipaglaban ang nararamdaman, mag celebrate ng anniversary, ipakilala sa pamilya,at tumira sa iisang bahay. Ano pa ang pwedeng abangan?
Hindi gaya ng relasyon ng isang lalaki at babae. Nagsimula sa ligawan, sinagot ni babae si lalaki, nagka-kilanlan, nag date, nag-away, nakipag bati, pagkatapos ipapakilala sa pamilya, mag po-propose si lalaki, magiging engage sila, tapos maghahanda para sa kasal, ikakasal, tapos bubuo ng pamilya, titira sa isang bahay, hoping na magka-anak, tapos palalakihin ang anak ng sabay, tuturuan ng magandang asal... hangga't umabot sa pagkakaroon ng apo, magiging lola at magpa-picture para sa family tree.
Ano ba ang cycle na sinusundan pag bading ka? Ano nga ba?
Photo Source here.
3 ang naumay sa:
Walong taon na akong hindi straight, ngunit yan rin ang isa sa mga katanungang wala akong maisasagot.
thats a good question... gusto ko din ng kasagutan para dyan... itanong kaya natin kay formspring.me? h
cloud
antagal ko ng tinatanong yan. hahaha!
Post a Comment