~ taos-puso

|

Gusto kong sumulat sabi ng utak ko, ready na ang kamay ko. Pero sabi ng puso ko mamaya na lang daw, hindi niya kayang ibigay sa utak ang nararamdaman niya.

"Baka tulog pa?"

"Parang hindi e, parang ayaw niya magparamdam today?"

Yan ang usapan ng mga dugo na naglalakbay mula sa utak papunta sa puso, pabalik-balik. Wala lang din silang napapala.

"Ano ba kasi nangyari?"

"Ewan, pero sabi ng mga tao sa facebook... baka naghiwalay na daw sila?"

"Oh, bakit mo naman nasabi?"

"May mga nag send ng messages bakit daw ganun ang mga post niya lately... Emo!"

"Anong emo?"

"Emosyunal! Gaga!"

"OK, getching ko na..."

"Hala, kailangan mag prepare na tayo, baka any monument e, dumaloy tayo palabas ng wrist niya!"

"Ipupusta ko ang kulay ko, hindi niya gagawin yan"

"Oo nga naman, mas mahal pa niya ang sarili niya kesa sa presyo ng karneng baboy sa palengke... Ang mahal!"

Bumalik na naman ang mga dugo sa puso, kumatok humingi ng maibabalita sa utak. Pero walang nakuha, bumalik na luhaan ang dugo. Napagod. Pagapang na nilalakbay ang mga veins.

Kelan kaya babalik sa dati ang puso? Bakit ganyan mag usap ang dugo - parang bading?
Walang naisulat. Napagod ang mata kakatitig sa kawalan. Bukas ulit. Subukan muli. Sana okey na. Sana.


Photo Source here.

7 ang naumay sa:

Mugen said...

Sana nga ay maging okay na ang lahat!

Anonymous said...

Magiging OK ang lahat. Manalig lang. :D

Anonymous said...

hoping for the best. :)

Anonymous said...

same with max :)

bunwich said...

@galen@maxwell@thecuriouscat: thanks... it's nice to know that someone really cares. love you all!

citybuoy said...

pasama ako. i also hope everything's okay.

bunwich said...

@citybouy: thanks din.

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.