~ mas corny pa sa mais

|
A light wind swept over the corn, and all nature laughed in the sunshine. --- Anne Bront
Kahapon. Tulog si siopao (as usual). "The Buzz" ang nasa T.V. Nangangamoy inihaw na mais. Mabango. Hindi ako nakatiis bumaba ako. Bumili ng 2. Mainit. Mabango. Mukhang masarap, kagaya ng nagbebenta. Masarap. Pero ang mukha, mais. Hahaha!

"Gusto mo ng mais?"

Hindi pa fully gising si siopao, pero tumatango na. Iniabot ang kalahati. Umupo sa kama at kinain. Kinuha ko ang iba sa sala. Umupo sa tabi niya.

"Masarap ba? Mabuti nga hindi matigas at matamis."

Deadma.

"Wala bang 'thank you' diyan?"

Deadma.

"Gusto mo pa?"

Deadma.

Walk out sabay sara ng pinto. Malakas. Drama.

At dahil hindi siya sumunod,at feeling ko walang balak sundan ako. Wa epek ang walk-out. Parang bumili lang ako ng ice candy pero hindi naman matigas. Walang kwenta. Fail. Sa EDSA 2 lang ata effective ang walk out. (Happy EDSA People Power 1 Anniversary pala sa lahat!)

Bumalik ako ng kwarto. Ngata pa din siya ng ngata na parang daga. Eto ang bago, hindi pa din niya ako pinapansin.

"Hello, ako ang bumili niyan? Sana alam mo sa mundo mo na nag i-exist ako."

"Halika nga dito?"

"Wow, nagka boses ka na! Bat di mo ko pinapansin kanina"

"OA mo, may walk out ka pa diyan nalalaman"

"Hindi mo ko pinapansin e!"

"Eh,masarap yung mais"

"Pansin ko nga!"

"@#%&zs %^^!~*(_$%#" yan ang sumunod na sinabi, hindi ko naintindihan dahil puno ang bibig ng mais. Ngata pa din ng ngata.

Sumenyas na lang na ma-higa ako sa tabi niya habang kumakain ng mais. At binalot ng katahimikan ang bahay. Naging maingay ang bawat nguya. Naniningkit na naman ang mata niya sa tuwa.

Na-realize ko. (yes, may realization!)
Mais ang bago kong karibal. Simula sa araw na 'to ban ang mais sa bahay.
Goodbye.


Photo Source

10 ang naumay sa:

Darc Diarist said...

hang-cute naman. lol. parang ganito lang din iyong comment ko sa previous post. haha.

eh cute kasi talaga eh. hehe

Anonymous said...

gusto ko ng mais. at gusto ko din ng taong bibilhan ko ng mais. LOL

Anonymous said...

gusto ko ng mais. at gusto ko din ng taong bibilhan ko ng mais. LOL

Jinjiruks said...

ang mais nga niyan. pagbigyan mo na asawa mo. kainggit talaga at nagsasama na kayo. sana kami rin. sana tuloy tuloy na paggaling ng siops mo.

bunwich said...

@darc: pansin ko gna.. hehehe! ayos lang.
@jepoy: marami dito..you want?
@jinjiruks: ok na siya... bakit akyo hindi pa?

iurico said...

wow ang cute naman ng banner watchamacallit mo. kakatuwa naman kayo.

*inggit. :-)

kenchu said...

hahaha. :)

ang cute. hahaha. di ko napigilan matawa. haha. :)

God bless sa inyong dalawa. i wish you two all the best. hehe. (sobrang na-inspire?) haha. :)

wanderingcommuter said...

ang sensitive naman... hahaha!

pero sweet... bumawi! lol

Von_Draye said...

at ng dahil sa walang kamalay malay, at walang kasalanang mais..

wahahaha!!

bunwich said...

@iurico: salamat. daan ka lang palagi. laging may daan para sau.
@looking for vince: thanks.
@wanderingcommuter: drama lang. hahaha!
@vondraye: ang masi talaga may kasalanan.

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.