Showing posts with label food. Show all posts
Showing posts with label food. Show all posts

~ mas corny pa sa mais

|
A light wind swept over the corn, and all nature laughed in the sunshine. --- Anne Bront
Kahapon. Tulog si siopao (as usual). "The Buzz" ang nasa T.V. Nangangamoy inihaw na mais. Mabango. Hindi ako nakatiis bumaba ako. Bumili ng 2. Mainit. Mabango. Mukhang masarap, kagaya ng nagbebenta. Masarap. Pero ang mukha, mais. Hahaha!

"Gusto mo ng mais?"

Hindi pa fully gising si siopao, pero tumatango na. Iniabot ang kalahati. Umupo sa kama at kinain. Kinuha ko ang iba sa sala. Umupo sa tabi niya.

"Masarap ba? Mabuti nga hindi matigas at matamis."

Deadma.

"Wala bang 'thank you' diyan?"

Deadma.

"Gusto mo pa?"

Deadma.

Walk out sabay sara ng pinto. Malakas. Drama.

At dahil hindi siya sumunod,at feeling ko walang balak sundan ako. Wa epek ang walk-out. Parang bumili lang ako ng ice candy pero hindi naman matigas. Walang kwenta. Fail. Sa EDSA 2 lang ata effective ang walk out. (Happy EDSA People Power 1 Anniversary pala sa lahat!)

Bumalik ako ng kwarto. Ngata pa din siya ng ngata na parang daga. Eto ang bago, hindi pa din niya ako pinapansin.

"Hello, ako ang bumili niyan? Sana alam mo sa mundo mo na nag i-exist ako."

"Halika nga dito?"

"Wow, nagka boses ka na! Bat di mo ko pinapansin kanina"

"OA mo, may walk out ka pa diyan nalalaman"

"Hindi mo ko pinapansin e!"

"Eh,masarap yung mais"

"Pansin ko nga!"

"@#%&zs %^^!~*(_$%#" yan ang sumunod na sinabi, hindi ko naintindihan dahil puno ang bibig ng mais. Ngata pa din ng ngata.

Sumenyas na lang na ma-higa ako sa tabi niya habang kumakain ng mais. At binalot ng katahimikan ang bahay. Naging maingay ang bawat nguya. Naniningkit na naman ang mata niya sa tuwa.

Na-realize ko. (yes, may realization!)
Mais ang bago kong karibal. Simula sa araw na 'to ban ang mais sa bahay.
Goodbye.


Photo Source

~Diet Daw?!

|

"Ikaw wala ka talagang paki-alam sa diet ko"

"Bakit ka mag di-diet? hindi ka naman mataba... kasya ka pa naman sa jeep!"

"Kala mo lang yun"

"Wala naman akong paki-alam kung tumaba ka man... hindi namna abs ang nagustuhan ko sa'yo"

"Naks naman! sweet ka ngayon ha, may kasalanan ka siguro"

"Lagi kaya akong sweet... at dahil diyan, kumain ka na!"

"Ikaw, dinadala mo ko sa pambobola... pakain ka ng pakain e!"

"Asus, if i know concern ka lang naman sa diet mo pag busog ka na."

"Hahaha!"





Dati na-try na ni siopao mag diet, mga mahigit isang buwan din yun na eto lang ang kinakain:

Breakfast: Oatmeal at saging
Lunch: Normal na kain (Rice at Ulam)
Dinner: 3 egg white (sa akin pinapakain ang yellow) at Skyflakes

Ang ending pumayat nga, pero ako naman ang nasisi ng mga kaibigan namin. Hindi ko daw siya inaalagaan ng mabuti kasi "nangangayayat." At yan talaga ang term--- Nangangayayat.

Kaya ako lalo kong iniinis, pag tinatanong ko kung ano kakainin namin, ang laging sagot:

"Tuna lang"

"Sige, mag tuna ka... mag luluto ako ng menudo"

Ang ending nahuhuli pang matapos kumain sa akin. Nawala sa eksena ang kawawang tuna. LOL


If there's one thing we both enjoy, yun ay ang kumain. Masarap kumain, lalo na kung masarap din ang kasabay.

***Habang sinusulat ko 'to, ayun siya sa kusina at nagsisimula ng kumain. Diet pala ha!



Picture Source here.

~McDO Chronicles

|



*****Pagkatapos Umorder ng Coke Float


"Miss pwede pahingi ng spoon?"

" Sir, straw po ang ginagamit sa Coke Float"

"Ah, ganun ba? Sige nga kainin mo nga 'tong sundae gamit ang straw, pag na-ubos mo, dodoblehin ko sweldo mo... and wait, paki-alam mo kung saan ko gagamitin ang kutsara!"

(Nag-marunong!)


*****Nagtanong kung may WiFi:


"Miss may Wifi kayo dito?"

"Ay wala po sir, Apple Fie lang po!"

" Ah talaga... sabihan mo sa manager mo ha, masarap pa naman yun!"

"Sige po sir, next time!"

(Pwede pahingi ng Rubi Blade? Hindi ko na kaya e!)



***** Tinawag ang nag-lilinis ng mesa

"Pwedeng pahinging water?"

"Para sa inyo, sir?"

"Ay hindi, para dun sa kabilang table... Sila kasi ang nauuhaw."

(Ang labo ni kuya!)

***** Bumalik sa counter para ibalik ang cheeseburger

"Miss, paano mo matatawag na cheeseburger ito, kung wala siyang cheese sa loob?"

"Ay wala ho ba, sir?"

"Sa tingin mo pupunta ako dito para i-joke ka lang?"

(Sana di ba nag Burger Yum na lang ako, kaso sa Jollibee yun!)

(Hindi po nangyari ang lahat ng ito sa isang araw lang, kasi kung ganun nga ang naging sitwasyon, e siguro hindi ko na maisulat lahat ng 'to at baka nag nosebleed na ako. At nakakahiya sa Red Cross dahil sa dami ng dugong nawala.)

Photo Source here.

~ Nakaka-miss!

|
- Piaya. Dati hindi ako kumakain nito, ngayon na mimiss ko siya.

- The Ruins. Just a walk away from our house. It's a very old Spanish House turned into a tourist destination and a restaurant.

- Bacolod Jeep. May sounds at hindi uso ang punuan. Wala din silang terminal kasi kailangan paikot-ikot lang sila sa buong city.

- Calea Cakes. Hindi available to sa ibang lugar, sa Bacolod lang, wala din silang balak mag branch out kasi they've already become Bacolod's finest.

- Murang Chicken Inasal. You can normally get it at around 35php with rice na yun!

Haay! Gusto kong umuwi ng Bacolod!

Photo Source here, here, here, here and here.

~ SOMS

|




Siopao and I went to SOMS, Makati (near Rockwell) for a late dinner... They serve Thai Cuisine in a Carinderia Atmosphere.

Kung okey sa'yo kumain beside the street, pero masarap ang food. This is the place to be. Dig in!

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.