
"Ikaw wala ka talagang paki-alam sa diet ko"
"Bakit ka mag di-diet? hindi ka naman mataba... kasya ka pa naman sa jeep!"
"Kala mo lang yun"
"Wala naman akong paki-alam kung tumaba ka man... hindi namna abs ang nagustuhan ko sa'yo"
"Naks naman! sweet ka ngayon ha, may kasalanan ka siguro"
"Lagi kaya akong sweet... at dahil diyan, kumain ka na!"
"Ikaw, dinadala mo ko sa pambobola... pakain ka ng pakain e!"
"Asus, if i know concern ka lang naman sa diet mo pag busog ka na."
"Hahaha!"
Dati na-try na ni siopao mag diet, mga mahigit isang buwan din yun na eto lang ang kinakain:
Breakfast: Oatmeal at saging
Lunch: Normal na kain (Rice at Ulam)
Dinner: 3 egg white (sa akin pinapakain ang yellow) at Skyflakes
Ang ending pumayat nga, pero ako naman ang nasisi ng mga kaibigan namin. Hindi ko daw siya inaalagaan ng mabuti kasi "nangangayayat." At yan talaga ang term--- Nangangayayat.
Kaya ako lalo kong iniinis, pag tinatanong ko kung ano kakainin namin, ang laging sagot:
"Tuna lang"
"Sige, mag tuna ka... mag luluto ako ng menudo"
Ang ending nahuhuli pang matapos kumain sa akin. Nawala sa eksena ang kawawang tuna. LOL
If there's one thing we both enjoy, yun ay ang kumain. Masarap kumain, lalo na kung masarap din ang kasabay.
***Habang sinusulat ko 'to, ayun siya sa kusina at nagsisimula ng kumain. Diet pala ha!
5 ang naumay sa:
mahirap naman talaga mag-diet. ang dami ko nang binreak na diet kasi mahina will ko. haha
@citybuoy: sabi nga niya, lalo pa apg masarap ang mga pagkain.
hahaha suportahan mo nalang siya gusto sumeksi e!haha
nice post
kailangan nang mag-diet. malapit na ang summer. :)
@maccallister: oo nga e, parang gustong magka abs
@aris: oo nga e... summer na naman.
Post a Comment