~ Sapul Ver.1

|


Nasa loob kami ng jeep ng nanay ko. Mabilis ang takbo ng jeep kasi hindi gaanong traffic. Sa sobrang bilis, nahahawi ang aking long, black, shiny hair, ng biglang humirit ang nanay ko sa driver ng:

"Hindi ka ba malulugi nito?"

"Bakit naman po Ma'am?"

"E, 7 pesos lang ang pamasahe ko JET pala 'tong sinakyan ko"

Bigalang bumagal ang takbo ng jeep. Gusto kong palakpakan ang nanay ko at lagyan siya ng korona.

Alam ko na kung saan ako nagmana.


Photo Source here.

4 ang naumay sa:

Anonymous said...

ayos ang banat ah, hehe. sapul si manong driver. laftrip!

bunwich said...

@maxwell: oo kaya, pati ako gustong tumambling!

j.cob said...

bigyan mo na ng corona go!! hahahaha! ganyan din nanay ko susme!

bunwich said...

@j.cob: panalo ang mga hirit dba?

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.