~ sulat kamay

|


Naalala ko minsang nag tutupi ako ng mga damit sa cabinet ng biglang nakita ko ang isang papel. Kulay yellow. Medyo kupas. Maliliit ang mga letrang nakasulat. Bigla kong naisip.

Uso pa ba ang love letter sa panahong ito?

Nung college pa kami ni siopao, since hindi pa uso ang cellphone ng mga panahong yun, or uso na nga siguro pero hindi kami aware , lagi kaming nagpapalitan ng love letters.

siopao: miss you!
bunwich: ano gawa mo?

Simula sa yellow pad, bond paper at ang pang high school na stationery. Normally iniipit lang namin sa libro, tapos magpapalitan ng libro pag nagkakasalubong.

bunwich: eto nag-susulat sa planner? ikaw?

Dahil sa love letter, napapadalas ako sa "Filipiniana" section ng library, diyan ko algi binabasa ang loveletter na bigay niya.

Minsan, isang holy week, since hindi kami pwedeng magkita ng 4 na araw, binigyan niya ko nito:












Isa daw sa bawat araw na hindi kami magkikita.
Nakaktuwang isipin na dahil sa mga love letter na 'to, nagagawa kong balikan ang mga nakaraan. Nagagawa kong matawa at minsan ma baduyan sa mga pinagsusulat naming dalawa sa isa't isa.

siopao: nag susulat ng bagong post sa blog...

Pero kung may isang bagay na naidulot ang mga love letter na 'to (maliban sa may mga scratch papers ka) ay ang mga ala-alalang pwede mong mai-dugtong habang binabasa mo ang mga ito.


bunwich: dinner na tayo?
sipopao: sige, ready ko na ang mesa.


Sa bawat oras na ginugol at sa bawat gabing pinagpuyatang isulat ang mga ito, alam mong mahal ka. Alam mong mahalaga ka. Magkaroon ka ba naman ng 186 na piraso ng love letter?

Ngayon, hindi na kami nagbibigayan ng mga love letter. Dahil an rin siguro iisang bahay na kami nakatira. Nakaka-miss ang kilig.

Natigil man siguro ang pag bibigayan ng love letter, at least "chatmates" naman kami ngayon., nasa kwarto lang si siopao, at ako andito lang sa sala... wait lang ha, dinner lang kami.


Photo Source here.

3 ang naumay sa:

Anonymous said...

hihi kilig nga nun no matter how corny minsan

lee said...

awwwww this is really sweet =D

citybuoy said...

how sweet. iba talaga effect ng sulat.

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.