~unang kadyot

|



Una sa lahat...
HAPPY NEW YEAR!

Happy 2010, nawa'y magiging bonggang-bongga ang taong ito para sa inyong lahat. Gumising ako ng maaga para sa post na 'to, kahit na bangag ako the other night. Sh*t, baka maging bangag ako buong taon... Huwag naman sana. Bro please!

Sabi ko sa sarili ko, kailangan kong mag post ng bagong blog on the first day of 01/01/2010, para maipag patuloy ko 'to hanggang end of year! Hindi na ako lalayo pa kung tungkol saan ang post na 'to. Alam ko nakita niyo na to sa ibang blog post, pero dahil New Year ngayon, pagbibigyan niyo akong gawin din a version ko. Ang bagong-bagong paksa ng post... 10 of My First!

10. Unang na realize na bading.
- Nung nalaman kung pwedeng gawing kunwaring lipstick ang "Lips" na kendi. Ng lahat ng naging kaibigan ko babae at naiilang ako sa mga kaklaseng lalaki. Kindergarten ako nun, pero 2nd year college na nung natanggap ko kung ano ako. Ang haba ng transition, parang nag Abroad lang.

9. Unang time nagka-boyfriend.
- 3rd year college ako.. ang boyfriend ko Freshman, musta naman... Sorry, hindi pa uso Bantay Bata nun sa Bacolod. Siya na din ang magiging huling boypren ko. Kitams? Wala akong naging ex. Unang bugso, sapul agad. Hahaha!

8. Unang nakatikim ng s*x. (Pansining hindi buo ang pagka sulat sa salitang SEX, kunwari concern sa "minor audience"... pero sinabi din naman)
- 19 years old, sa garden ng La Salle. Exciting, baka kasi makita ng roving guard. Baliwala ang mga damo, tuyong bulaklak at ang mga bato. Kaya sa tuwing napapadaan ako dun lagi, napapangiti lang ako. Siopao ang pangalan niya. Siya pa din.

7. Unang punta sa Malate.
- Kasama ko si Patrick (officemate) at si JM (friend since college). Hindi kami uminom o pumasok sa kung saan bar, nakatayo lang kami sa tapat ng Gilligan's dati. Na culture shock kami sa nakita, natulala... natakot... umuwi. Naging jologs.

6. Unang Date.
- Sa Dunkin Donuts sa harap ng Bacolod Public Plaza. Friday, Jan. 17, 2003. Hence bunwich ang tawag sa akin, kasi favorite ko yun, kaya dun kami nag date. Naging saksi din yun ng mga away, iyak, tawa at pag -lalambingan. Tama na! nagiging cheesy na! Baka magsara ang EDENCheese nito.

5. Unang beses nakilala ng Parents ko si Siopao.
-Sunday, Jan. 19, 2003, kakatapos lang namin magsimba ng biglang may kumuyog sa aming 3 batang paslit, nagtatangkang kunin ang backpack ko at ang cellphone ko. Dahil feeling anlalaki namin, nakipag suntukan sa mga paslit, hindi namin alam may mga Resbak palang naghihintay. Walang iglap naging 7 sila bigla. Humandusay na alng kami sa sahig pagkatapos ng 5 minuto. Tinawagan ko si Mama gamit ang telepono ng katabing karinderya. Sa prisinto ko pinakilala si Siopao sa parents ko. Ang drama no, pang soap opera!

4. Unang nuod ng Porn.
- Hindi ko matandaan. Basta, nasuka ako. Virginal?

3. Unang Blog
- Wala na siya ngayon, sa tabulas yun, nakalimutan ko na ang title. Sinara ko after 5 months kasi may isang blog din na ang title ay combination ng name ko at name ng isang guy... tapos lahat ng entry dun, copy-paste ng mga entry ko. Nainis ako, sinara ko na lang siya.

2. Unang Blog na binasa
- Manila Gay Guy, finorward lang sa akin ang link ng isang officemate. Hindi ko naman alam na nagpopost pa al dun ng mga lalaking sexy. Pag bukas ko, tiyempong dumaan ang supervisor ko. Memo ang kinahantungan. LOL

1. Unang post sa unang araw ng taon.
-Eto na yun. First time ko ginawa to sa buong blog life ko. Naluha ako ng very,very light.


Photo Source here.

7 ang naumay sa:

Anonymous said...

kakatuwa naman entry mo nakipagbugbugan talaga, happy new year

bunwich said...

@thecuriouscat: oo, medyo straight pa kasi that time... so kaya pa.

Happy New year!

Anonymous said...

Happy 2010 sa'yo!!!

bunwich said...

@xallternative: sa'yo din... pasabugin nating ang 2010!

Anonymous said...

haha ganun ba 'yun, ngayon d na kaya? lol

bunwich said...

@thecurioscat: ngayon, ganun pa din naman.. pero bawal na makipag suntukan, baka magalusan ang kutis.LOL

jet said...

clap clap. you never fail. sarap magbasa :)

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.