~may nag text

|
"May nag text sa'yo"

"Sino?"

"Number lang..."

"Ano sabi"

"Si Tom daw, pwede ka daw ba niya sunduin sa office."

"Hahaha! Yaan mo na..."

"Nagreply na ko..."

"Ano naman?"

"Sabi ko, sige sunduin ka niya tapos hatid ka niya dito sa bahay... Tapos sabi ko, linisin niya na din ang C.R. at maglaba after."

"Ginawa mo naman siyang yaya! Hahaha!"


Hindi na issue sa akin kung may mga nagtetext kay Siopao. Wala naman akong magagawa, may itsura e. Eh, sana nag jowa na lang ako ng pangit, na kahit ilagay ko sa gitna ng EDSA ay walang kukuha... kahit gawin pang libre sa hanger sa Divisoria, bibilhin lang ang hanger.

Tested and proven ko na si Siopao.

Huwag lang siyang magkakamaling lumapas dun. Baka iba ang susundo sa kanya.

Photo Source here.

2 ang naumay sa:

Anonymous said...

in a relationship, a little trust goes a long long way. ;)

bunwich said...

maxwell: that's true... sapul!

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.