~McDO Chronicles

|



*****Pagkatapos Umorder ng Coke Float


"Miss pwede pahingi ng spoon?"

" Sir, straw po ang ginagamit sa Coke Float"

"Ah, ganun ba? Sige nga kainin mo nga 'tong sundae gamit ang straw, pag na-ubos mo, dodoblehin ko sweldo mo... and wait, paki-alam mo kung saan ko gagamitin ang kutsara!"

(Nag-marunong!)


*****Nagtanong kung may WiFi:


"Miss may Wifi kayo dito?"

"Ay wala po sir, Apple Fie lang po!"

" Ah talaga... sabihan mo sa manager mo ha, masarap pa naman yun!"

"Sige po sir, next time!"

(Pwede pahingi ng Rubi Blade? Hindi ko na kaya e!)



***** Tinawag ang nag-lilinis ng mesa

"Pwedeng pahinging water?"

"Para sa inyo, sir?"

"Ay hindi, para dun sa kabilang table... Sila kasi ang nauuhaw."

(Ang labo ni kuya!)

***** Bumalik sa counter para ibalik ang cheeseburger

"Miss, paano mo matatawag na cheeseburger ito, kung wala siyang cheese sa loob?"

"Ay wala ho ba, sir?"

"Sa tingin mo pupunta ako dito para i-joke ka lang?"

(Sana di ba nag Burger Yum na lang ako, kaso sa Jollibee yun!)

(Hindi po nangyari ang lahat ng ito sa isang araw lang, kasi kung ganun nga ang naging sitwasyon, e siguro hindi ko na maisulat lahat ng 'to at baka nag nosebleed na ako. At nakakahiya sa Red Cross dahil sa dami ng dugong nawala.)

Photo Source here.

4 ang naumay sa:

citybuoy said...

ayshooskupo. sarap sapatusin ng malaking shu-es ni ronald.

Anonymous said...

laftrip! pero hayaan mo na, may mga ganung tao lang talaga. sabi nga eh, to err is human, to forgive is divine. hehe.

bunwich said...

@citybouy: oo, takot pa naman ako kay ronald
@maxwell: buti na lang, nakakapag-timpi pa ko.

Anonymous said...

sa kulay pa lang ng wrap ng burger alam na dapat nila yun

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.