Usapang Straight (End)

|

For the first part, click this.

Pagkatapos sabihin sa akin ni Jeff na may nangyari nga sa kanila ni Marvin. Naisip ko, ruler na lang talaga ang straight, lahat isa ng french curve. Kung makapag "Pare" naman si Marvin, talo pa ang balon na pinagkukunan ng tubig ni Jack at Jill sa lalim,at tapos eto pala siyang 3 months pa lang ay naka benta na ng Maruya.

Naisip ko tuloy, bakit ako nagkukulong sa kwarto. Bakit di ko na experience yan, e 7 months na ako dito.
"Gaga, may boyfriend ka kaya... Higpitan ang Chastity Belt!"bulong ng konsensiya, na mas mayaman pa sa akin dahil sa kanyang mga Safeguard Commercial.
"Ay, Sahree naman..." sabi ko sa sarili. (ganyan ang pag promounce, Sahree, kasi naka braces ako)

Hindi ko sinabi kay Marvin ang sinabi ni Jeff. Baka bigla akong bigwasan, o di kaya maging showbiz bigla ang isagot:

"We're just friends kaya.. hindi ako bading noh, haleer! Hindi porke't sumusubo ako, e bading na ko!" yan ang mga naiisip kong depensa ni Marvin. LOL

After maka-pamili ni Marvin sa mga hihiraming DVD, nagpaalam na din itong umuwi at nag promise na sasamahan akong pumunta ng MOA (Mall Of Arabia) sa susunod na weekend.

"Sige Pare, text text na lang... Paki sabi sa Mama mo, nagkita na tayo!"

"Sige Tol!" (dito ako muntik masuka sa pagsabi ng 'Tol')

Dumaan ang ilang weeks na wla akong balita kay Marvin. Di ko na kinulit tungkol sa pagsama sa MOA, naisip ko baka busy sa paglalako ng Maruya. LOL

Isang araw (parang pocketbook lang), may natanggap akong message sa Facebook. Galing kay Jeff.)

Stop flirting with my boyfriend... He's mine. Don't send him text messages or even chat with him here on Facebook. By the way, after this I'll remove you on my Friends List.
Winarla Abellana ako, sa isang bagay pa na hindi ko pa ginawa. Uminit ang ulo ko, tumaas ang blood pressure ko, sumingkit ang mata ko, at nagpanting ang tenga ko. Matagal na akong hindi kumakain ng gulay. Oras na para mag PATOLA (patulan). Nag reply ako.

Hey Mister, Una sa lahat hindi ko alam kung sino ang boyfriend mo. But if you are referring to Marvin, well by all means sa'yo na. Don't you dare start something na hindi mo kayang tapusin. Alalahanin mo, straight ang claim mo sa Bacolod, and if I may add, we have common friends, and I can easily spread the rumor of you having a boyfriend here. Careful! Baka hindi mo kayang ubusin ang kanin sa plato mo, na ikaw mismo ang nag hain.

Nananahimik ako dito, hindi ako tinuruan ng Nanay ko na mang-agaw ng laruan ng iba. And If I may brag, my toy is much better than yours!
Hindi na nag-reply si Jeff after nun. Nakatanggap din ako ng text mula kay Marvin, apologizing for what happened.

Isa lang ang natutunan ko sa lahat na nangyari. Kung makapag claim silang mga straight, pero ang ba-bakla ng mga pinag-gagagawa. Walang pinagka-iba ang Jeddah sa Malate. Mas straight-acting lang ang mga andito.


**P.S. Nalaman kong nag-react si Jeff ng ganun, kasi nahuli niya pala si Marvin na may ka text na ibang lalaki, at pangalan ko ang nilagay ni Marvin sa Phone book niya para hindi pala maghinala si Jeff. Kinuha na nga mga DVD ko, ginamit pa ako. Nanghihinayang lang ako sa chance na maging isang magandang pagkakaibigan sana yun. Pero salamat na din siguro, kasi ayoko din ng magulong buhay. Hobby nila ang magkalat.


Photo Source here.

9 ang naumay sa:

Anonymous said...

whoa! fierce!

-isang twitter fan na akala mo lang bored kaya nagbabasa ng blog mo :D

POPOY said...

katawa naman to at ang taray ng lola ko...

"And If I may brag, my toy is much better than yours!"

Nishi said...

In fairness ang possessive ni kuya pero useless. Bakit naman kasi ikaw ang winawarla niya? Dapat yung bf niya ang i-possess niya.

punked said...

un o! hehehe

red the mod said...

Something I found out the hard way recently, that despite how supposedly a person is a certain way, once the groin takes lead, all bets are off.

Boys will be boys.

Anonymous said...

you just did the right move pal... congratulations!

JR said...

Hala fafa john - ano na naman ang gulo pinasok mo?? choz! Hangtaray mo pala? akala ko pa tweetums ka lang? choz ulit hahaha naaliw ako, yun lang! Thank you! bow!

bunwich said...

salamat sa mga dumaan at naki-isa sa akingg kabaliwan... kay popoy,jason,punked,red at sayo fafi (JR) na over whelmed naman ako na naka-dalaw ka.

thank you thank you... sa mga anonymous... salamat, kung sino man kayo, hindi ako pulis para pagtaguan. lol

Nhil said...

i was blog-hopping and i'm happy i landed here.

this post is wayyyy too funny. i literally lol-ed.

reading Marvin's message to you feels like going back to high school. he's such a kid. funny guy. or girl. :p

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.