~ goodbye for now

|

Malamang habang binabasa niyo 'to nasa eroplano na ako nagtitinda ng yelo... ay hindi pala,nasa eroplano na ako papuntang Jeddah, sa hinaba-haba ng paghihintay ko, eto't tuloy na din sa wakas.

Ba't ba kasi ako na delay? Well, kagagawan ko din naman. Hingi ako ng hingi ng extension kay Lord na huwag muna ako paalisin. Ayan, pinagbigyan. Andaming dapat pagpa-alamanan. Gusto ko ding mag spend ng holy week sa Bacolod, given hindi uso ang holy week sa Jeddah. Nararapat lang na i-spend ko to kasama ang family ko.

Hindi din naman ako makakapayag na pupunta ako ng ibang bansa na hindi ko nakikita ang family ko. Kailangan ng emotional recharge, maka-hingi man lang ng huling payo sa magulang. Okay na sa akin yun.

Ano naman mangyayari kay siopao? Uhmm... mawawalan siya ng sauce this time. Hehehe! Well, matagal ng ready si siopao sa pag-alis ko, pero hindi kanina. Muntik ng dumating ang Maynilad para i-check kung may sira ba ang gripo namin dahil bumaha... luha lang pala galing sa kwarto namin.

I know pag babasahin niya to, tataas ang kilay nito. Hindi naman ganun ka drama ang naging eksena. Naluha lang ng mga 3 1/2 drops tapos nag simula na siyang mag impake ng gamit ko. Oo, siya ang nag empake, hinayaan ko na, siguro gusto mag MMK moment, yung nagtutupi ng damit habang umiiyak? Hehehe!

Gusto kong kunin ang pagkakataong ito, kahit hindi niyo ito ibibigay, na magpasalamat sa lahat ng nag "Wish me Luck" sa akin. Cliche man maituturing, pero para sa isang taong aalis, malaking bagay ito. Lalo na't pupunta siya sa lugar na maraming bawal. Hehehe!

Hanggang sa muli kong pag update ng blog. Naway may internet ang aking titirhan dun at para ma-update ko kayo sa bagong yugto ng buhay namin ni siopao.

Kung dati ang blog na 'to ang nagpatunay na may M2M relationship na tumatagal. This time, gusto naman naming patunayan na may 'Long Distance Relationship' M2M edition na nagtatagal din. (Parang MELASON lang! may chapter?!)

Nais ko sanang hingin ang inyong panalangin sa bagong hamon ng buhay naming dalawa. Diyos na ang bahala sa inyong mabubuting puso.

Naway ang mga single ay magka boyfriend na. Ang mga malilibog ay maging negative sa HIV test. At ang mga manloloko ay lapain ng aso now na!

Hanggang sa susunod.

Nagmamahal,
Charo

(Pati ba naman dito, e-eksena ka? Charo?)

16 ang naumay sa:

Tristan Tan said...

Goodluck in this new chapter. Don't worry, malayo man ay malapit din. ;)

red the mod said...

There are no goodbyes, merely farewells. I've said this before, in an apparently premature entry (hehe), be well. Your mug will be warm when you return. As to you and Siopao, you've weathered far more oppressing situations than distanciation. This is but temporal, a footnote to your ongoing narrative.

Mugen said...

Godspeed tol. :)

citybuoy said...

totoo na to! ingat parati. :D

Joeff said...

Jze... ingat always... pupunta ako sa church after ilang years para mapagdasal ka personally. You will be missed. Update ka sa FB once in a while... (Sigh) hope you can reach your dreams na there.

Anonymous said...

goodluck and see u soon kuya john. txt txt pa rin. :)

Aris said...

Bon voyage and God bless. Lagi kang mag-iingat. I will always pray for your safety and success. :)

Anonymous said...

i hope hindi pa naman huli to wish you the best of luck to your career and relationship. sige, patunayan mong may LDR na tumatagal. fail ako dyan e.

Darc Diarist said...

;)

london boy said...

good luck on this new chapter in your life! we'll miss you!

God bless you and siopao!

lee said...

good luck and be safe always!

everything will be good for you, siopao and your relationship! :D

Anonymous said...

weeee good luck sa iyo, kaya mo 'yan, dami na pinagdaan ng tambalang bunwich at siopao so kaya nyo 'to

wish you all the best :)

Jinjiruks said...

good luck sa pupuntahan mo. culture shock pero kakayanin mo rin yan, kagaya ng ibang OFW na nawalay sa mahal sa buhay para lang magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya sa bansa!

bunwich said...

live from jeddah, naluha ako ng very very light. thanks sa prayers.:P

Anonymous said...

may good blessings and lots of faith be with you and Siopao always.


-dabo

Anonymous said...

I just wanna let you know that I miss you a lot. I mean SO MUCH. I dreamt of you one time and it felt real. You were so thin and had a unusual longer hair, there you came to me. You were looking for me and you wanted to see me. You embraced me and I felt your tear dropped. I was never given a chance to see you for the longest time and never given a chance to say goodbye in person. I hesitated... I was afraid... afraid that when I see you, I might beg you not to leave. I miss you so much... I really do. Just take care and 2 years is just like tomorrow.

Post a Comment

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.