
Ironic nga naman ang buhay. Kung sino pa ang mga taong nag susumigaw na gusto ng seryosong relasyon, sila pa 'tong walang respeto sa relasyon ng iba.
May 2 akong kaibigan, pero mamaya baka i-declare ko na ding hindi. Gusto ko sila tawaging 'Frenemies' --- Friends and Enemies at the same time.
Frenemy Number 1: Close kami pero hindi ganun ka lalim ang pinagsamahan. Naisip ko nga naging visible lang kami sa isa't isa pag sa gimikan at lakaran. Hindi sa mga seryosong usapan tungkol sa buhay. Hindi kami pang Kabuhayang Swak-na-swak. Nawalan kami ng communication after niyang lumipat ng company. Tapos nitong mga nakaraang buwan lang, he started communicating, but surprisingly, hindi sa akin. Kay siopao.
For over a month now, he would randomly send text messages to siopao asking kung pwede siya pumunta sa bahay everytime na mag-isa lang si siopao at home. Minsan he would send flirt messages and eventually blurted out that he likes siopao. He would always remind siopao thru text not to mention anything about it sa akin. Ang hindi niya alam, ako din minsan ang nag-rereply sa mga kababawan niyang text.
Minsan naisip ko na ding i-confront siya, pero naisip ko, what for? Magiging utang na loob pa niya sa akin na ipinaalala ko sa kanya na nagmumukha na siyang 'cheap.' Matanda na siya, alam niya na sana ang mga ginagawa niya. Matapang akong tao, pero pinipili ko ang laban na gusto ko. Yung laban na patas, hindi yung sa umpisa pa lang alam kong panalo na ako. Sayang lang yan sa kuryente.
Frenemy Number 2: Naging kaibigan ko siya for more than a year. Super close kami na he would hang out sa apartment namin dati ni siopao. Minsan pinagluluto ko siya sa apartment niya pag nalulungkot siya, to a point na dinala namin siya sa Bacolod for a vacation. Pero surprisingly, dahil sa lakas ng insecurities niya sa katawan, hindi niya na ako pinansin after kami pumunta ng Bacolod. Dati pa he was so vocal that he likes siopao, na napatunayan niya naman nung minsan ay nag-away kami ni siopao, at bilang kaibigan tinext niya si siopao, na pwede daw siyang tumulong to look for a place if ever siopao would want to break up with me and leave our house. Ang sweet niya di ba? Bongga talaga siyang kaibigan, PLAN B na agad ang inisip. How thoughtful, How Goldilocks!
Eto na, recently lang, since siguro nabalitaan niyang pupunta akong Saudi. Sa tinagal-tagal ng panahong hindi siya nagparamdam, bigla na lang ang message kay siopao. Take note kay siopao nag message at hindi sa akin. Nagpapahanap ng apartment kasi may plano daw siyang lumipat. Wow tsong! Ang luma ng diskarte mo, kasi alam mong aalis ako at maiiwan si siopao mag-isa sa apartment. Kung makapag send ka naman ng fillers... sana dineretso mo na lang si siopao, na gusto mong ikaw ang pumalit sa akin sa apartment. Napaka 80's ng style, hindi nakakatuwa! Hindi makapag-hintay, sana pina-alis mo muna ako. G*go!
Sa 7 years naming magkasama ni siopao, ang mga ganitong bagay ay isa sa mga pinagkukunan namin ng saya. Talo ang mga comedy sitcom sa T.V. sa dulot nitong kakaibang 'laugh trip'. Pero what I am sad about is the fact that these people is thinking that the relationship that Siopao and I share are too shallow that they can penetrate it.
HINDI KAMI GAYA NG IBANG RELASYON.
At hindi ko kayang i-explain kong ano man ang meron kami kasi hindi niyo din maiintindihan.
Ang mas masakit pa ay ang katotohonang MINSAN SILA'Y NAGING KAIBIGAN at MINSAN SILA'Y NANGARAP DIN MAGKAROON NG MATINONG RELASYON.
Asa pa kayo!
Photo Source here.
8 ang naumay sa:
yan ang tinatawag nating opurtinistang bakla LOL... they are not worthy para i confront...
usap nalang kau ng siopao mo on how you guys can get rid of do's fags... lalo na paalis ka... :D
hehe. ignore ignore. waste of time/energy. hindi mo naman maiiwasan mga ganyang low life na mag exist sa buhay. syempre pampadagdag kulay sa rekado ng buhay. 7 years na kayong magkasama, mas tiwala naman kayo sa isa't-isa.
waste of energy paglaanan ng oras mga ganyan, even if you try not to think about these "people" you just can't help getting mad at them, kaasar naman mga yan
pero kamtutink op it...
gusto kong mabasa ang susunod na kabanata; pano bugahan ng apoy ni bunwich ang mga frenemies.
but then again, more pressing issues is taking care of siopao from those errr... gays who should not be given names...
eto nalang....
*hugs to you and siopao!*
Awwww..meron palang tumatagal na ganitong relasyon? nice nice...parang gusto ko na ng siopao at bunwich..nakikiraan lang po lol..
tsk tsk tsk.. ito lang masasabi ko.. gupit gupitan mo ng konti ang buhok ng jowa mo ha.. ang haba eh.. at ganun xa kabango sa mga langaw na nagpupumilit dumikit.. sa kanya dapat manggagaling ang action sa sitwasyon nyong yan. ano ang dapat nyang gawin? WALA! walang reply sa mga text, walang sagot sa tawag, wala wala wala.. yun lang po. salamat.
@Popoy:hehe, tanggap ko naman na may ganun talagang mga tao. ang hindi ko lan tanggap mga kaibigan ko sila.
@jinjiruks:ignore na lang... ang wrinkles.
@thecuriouscat: hindi naman ako napipikon. sabi ko nga, looking on the positive side... pagtawanan na lang.
@von: huwag nilang hintaying bumuga ako ng apoy... baka hindi nila kayanin ang hapdi.
@JR: meron naman. maraming nga lang asungot na paikot-ikot.
@peter: tried and tested ko naman si siopao. ang nakakahiya lang sa kanya, mga kaibigan ko ang gumaganun. nadiri tuloy ako.
*Clap Clap Clap*
Perfect!
Post a Comment