Showing posts with label music. Show all posts
Showing posts with label music. Show all posts

~ ang ipod at ako

|

Oh, huwag OA! Hindi ako magaling kumanta, hindi ko rin pwedeng sabihing marunong ako. Huwag mag alala, hindi niyo kailanman maririnig ang boses ko. Na i-stapler ko na ang bibig ko. Partida, marami akong alam na kanta, mahilig ako sa music. Oo, adik ako sa music at mamamatay ako pag wala akong dalang iPod pag lalabas ako ng bahay.

Mahilig ako sa lumang kanta, 70's, 80's at 90's ang mga kantang makikita mo sa playlist ko. Hindi ibig sabihin na naabutan ko 'tong mga kantang 'to (Bata pa ako noh, or so I thought). Iba ang lumang music, may mararamdaman kang passion sa kumakanta, may hugot sa puso, at may pagbibigay halaga sa salitang damdamin. Siguro dahil kokontii lang ang singers dati kaya magagaling sila. Ngayon kasi kahit "Boses Plemahin" basta sikat gagawan ng album. Susmaryosep!

Rock, Alternative at Punk. nagulat ba kayo? Pero totoo, mahilig ako sa Rock, i-level up pa natin sa Hard Metal. Mga kantang buwisit ang nanay ko dati dahil umagang-umaga e yun ang naririnig niya sa kwarto ko... Para na daw magigiba ang bahay. Sa awa ng Diyos, hindi ko naman na translate ang pagkahilig ko sa pananamit ko... Hindi naman ako naging si Pepe Smith.

At para sa lahat, paki record ito, hindi rin nakatulong ang pakikinig ko ng Rock sa sexual orientation ko. Hindi mo pwedeng isiping, magiging mangga ang sa umpisa palang ay isa nang Saging sa pamamgitan ng pagpapausok sa puno nito.

Pop Music. Ang pabago-bago at ang walang kamatayang pauli-ulit ng mga pagkakatunog. Kumpara sa lumang kanta, intro pa lang alam mo na ang kanta, ibahin mo ang Pop Music, nangalahati na ang kanta, di mo pa din gets ang ibig sabihin niya.

Sabi ng firend ko, ako daw ang may pinaka magulong playlist ng iPod sa buong mundo. Hindi niya daw kayang i-categorize ang mga playlist. Parang gusto niya daw isauli ang diploma niya ng college bilang Engineer, kasi hindi niya mabigyan ng tamang calculation ang nangyayari sa iPod ko.

Heto ang mga weird na mga playlist/songs sa iPod ko, kung meron ka ring ganito sa mp3/iPod mo, sabihan mo ko, pra masabi ko din na may mga ka-uri ako.

1. Ace of Base
|From All That She wants to Beautiful Life meron ako. Sabi ng friend ko, aling parte daw ng buhay ko pinapatug-tog ito. Sabi ko pag nasa daan ako, at feeling ko hindi ako masaya sa gising.

2. AQUA
| Isang buong playlist. Favorite ko ang Cartoon Heroes. Hindi ko din alam kung bakit.

3. Smokey Mountain
| Dahil sa kantang "Paraiso"

4. Shanice
| I love your smile, Saving forever at Fall for you . Need I say more?

5. Jose Mari Chan Christmas Album
| Christmas In Our Hearts ang panalo sa pinakaraming times na pinatug-tog ko siya. Kahit hindi Pasko, kinankanta ko siya.

Weird man ang choice of music ko, or masyado mang malawak ang trip kung music sa buhay. Isa lang ang mahalaga para sa akin, ang music ay parang "Vitamins" ng buhay. Hindi ibig sabihing pag malungkot ang kanta ay malungkot din ang mood mo, minsan may mga mahahalagang mga pangyayari sa buhay natin ang ating naaalala dahil sa mga kanta. Hindi dahil sa mensahe ng kanta mismo, pero dahil eto ang kanta ng nangyari ito, o eto ang kanta sa FX na sinasakyan mo papuntang Monumento, habang katabi mo ang kras mo.

Kahit minsan, hindi tayo iniwan ng musika, andiyan sila sa bawat gabing unan lang ang kasama, sa gabing sumisigaw ka sa buong mundo na masaya ka, andiyan siya sa bawat pagkikita ng magkaka-ibigan, sa lahat ng reunion, sa lahat ng family gathering at kahit sa mismong Kasal o sa Kamatayan. Sa bawat mahalagang parte ng buhay mo.

Kaya kahit ang blog nito, may nakakabit na kanta, may play button sa gilid ng header (ayan titingnan niya na!). Kanta ko yan para sa inyong lahat (huwag matakot, hindi ko boses yan.) Sa taong 2010, isa lang ang gusto kong isipin nating lahat "Life Goes On"

"It's a fact, once you get on board say goodbye 'cause you can't go back"


Photo Source here.


PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.