Showing posts with label distance. Show all posts
Showing posts with label distance. Show all posts

~ Walo. Eight. Ocho

|
Kahit andito ako sa Saudi, hindi ko pinalampas ang pagkakataong bigyan ng kakaibang surprise si Siopao sa special na araw sa aming buhay.

8 years na kami!!

(clap! clap! clap!)

At dahil malayo ako, dito ko na ginamit ang charm ko... hahaha! inalila ko ng slight ang mga kaibigan ko, yung iba medyo mahal ang talent fee, pero dahil kaibigan nila ako hindi na sila naka-tanggi.

I first approached my friend Myk na hanapan ako ng flower shop na bukas hanggang gabi para magpa-deliver ng flowers sa office ni Siopao. Ang ending, nag volunteer na siya na ang maghahatid ng mga bulaklak. Hindi na ako nagpakipot pa, at tinodo ang request.

From Valenzuela, pumunta ng Dangwa at dumeretso sa McKinley, dala ang paso ng bulaklak. Yes, may paso, kulang na lang picture frame, diretso na ng Loyola. Hahaha!

Dumating si Myk sa office niya bandang 8:30 ng gabi. Habang tinatawag ng guard si Siopao, tinawagan na ako ni Myk para diretso ko ng maka-usap at ma bati.

Yes, IDD ito, ang yaman ni Myk, nagtatapon ng airtime minutes. LOL

Si Siopao naman, tawa lang ng tawa sa phone, at parang nahihiya pang may isang paso siya ng bulaklak. Hahaha!

Sumunod kong ginamabala si Jepoy, kailangan ko ng may pumunta sa Yellow Cab para mag maka-awa na gawan ako ng pizza na hugis puso. Buti na lang at maaga ang labas ni Jepoy sa office, at dahil I sound hopeless na, willing naman si Jepoy mag participate sa kabaliwan ko. Hahaha.

Naka set, alas-11 ng gabi i de-deliver sa office ang pizza. Kuwento ni Siopao, that same guard na tumawag sa kanya about sa flowers, siya din ang lumapit ulit para sabihing may pizza delivery. Ramdam kong tuwang-tuwa si Siopao. Installment basis ang surprise ko for him. Mas natuwa siya nung nakitang hugis heart ang pizza.

Sa 8 taon naming magkasama, first time ko siyang binigyan ng bulaklak, at first time ko ding i-surprise siya sa office na hindi ako nabubuko.

Na realize ko, ma-iksi pa ang walong taon na kasama ko siya, madami pa akong hindi nagagawa para sa kanya. Gusto ko pa siyang bigyan ng fireworks na kami lang nanunuod. Gusto ko siyang batiin ng Happy Birthday sa pamamagitan ng Billboard sa EDSA, O di kaya isang buong page sa diyaryo.

Hindi pa akong nagsasawang pasayahin siya at makitang masaya, naniningkit ang mata, at pumalakpak.

Sa aking Siopao, makaka-asa kang hindi natatapos sa bulaklak at sa hugis puso na pizza ang lahat. Kulang ang mga bilang ng Pepperoni sa pizza sa mga bagay na nais kong gawin kasama ka. Hindi tulad ng paso, hindi kailanman mababasag ang pangako kong aalagaan kita at mamahalin habambuhay, sampu ng iyong pamilya (yes, sampu lang sa pamilya ang kaya ko. LOL)

Salamat sa 8 taong na pag-iintindi, pag-aalaga at pag-papasaya sa puso ko. Sa pagmamahal mo na hindi lamang napunta sa akin kundi pati sa mga kaibigan ko at sa pamilya ko. Sapat na yun para mahalin kita higit pa sa letrang pwedeng i-accommodate ng blog na 'to.

Sa iyo ang aking pagbati at ang aking puso.

Nagmamahal, Charo. (LOL)

Ayan, nag sesebo na ang post na 'to dahil sa sobrang cheesy ko na. Enough na.


Ay wait, binati pala ako ni Remington. Salamat. manuod kayo ng Pelikula niyang ZOMBADINGS: Patayin sa shokot si Remington. (hanapin sa Youtube ang Movie Trailer)








KTHNXBYE!

~ Ninety Four

|




Across the oceans and over the skies,

My love for you, here in my heart lies;

I know it's true, come see it in my eyes,

You and I forever, NO goodbyes.

HAPPY 94 MONTHS!

Long.. Long.. Distance Love Affair

|

Officially, 6 months na kaming magkalayo ni Siopao, at ang laging tanong sa akin:

"Kayo pa din ba?"
"Paanu yan malayo kayo? Baka mauwi yan sa hiwalayan."
"Hala ka, may iba na yun sa Pinas, di kaya?"

O di ba, napaka positive ng mga pananaw nila sa buhay. Napaka encouraging, daig pa si Coney Reyes sa positivitism. Habang ako, kung maka kapit na lang sa relasyon, daig ko pa ang kumakapit sa Marikina Bus Line mula Makati hanggang Cubao.

I was never alarmed or threatened with the distance. Maybe because I don't see it as a problem. Maybe because I know that my love for Siopao is much bigger than any distance one can ever measure.

Bago pa ako umalis ng Pilipinas, alam kong magiging mahirap, pero hindi ko inisip na ikasisira or maging dahilan ng paghihiwalay. Mas concern pa ako sa kulay ng maletang dadalhin ko at kung ilang sapatos ang dadalhin ko sa disyerto. I know maaga pa para mag bitaw ng mga salita, pero parang katandaan lang din yan, dapat by now nakikita mo na ang mga 7 signs of skin aging, I mean signs kung pabagsak na ang realsyon.

Dahil siguro higit pa sa assurance ang nakukuha ko kaya hindi ako nagpatalo sa sabi ng marami, that LONG DISTANCE RELATIONSHIP DO NOT WORK.

This phrase on caps, is a challenge. We will prove them wrong, and wait, the last time I checked, LOCAL RELATIONSHIPS DO NOT WORK EITHER.

Quits lang.



P.S. Kung hinahanap niyo si Sheena Easton sa blog post na 'to dahil sa title. Waley! Kthnxbye! LOL



~ paano na kaya?

|

Easter Sunday kahapon pero parang hindi buhay ang dugo ko after nabalitaan kong si Siopao ay sinugod sa MakatiMed kahapon.

Masakit daw ang tiyan.
Sabi ng doktor, 'Gastritis' daw.
Pagkatapos turukan ng gamot, pina-uwi na din siya.
Salamat naman.

Ngayon ko nararamdaman ang hirap kung may mga sitwasyong ganito. Wala akong ibang magawa, kundi maki-balita.

Naiinis ako na sa ganitong mga sitwasyon, na wala ako sa tabi niya. Na hindi ko nakikita kung ano ang tunay na kalagayan niya.

Sa napipinto kong pag-alis, ang mga ganitong sitwasyon ang hindi ko napag-handaan.

Paano kung may mangyari sa kanya habang ako ay nasa malayo? Sino ang magbabantay sa kanya? Sino ang mag-aalaga?

Sana walking distance lang ang Jeddah at ang Manila para mapuntahan ko siya agad.

Napapa-isip ako.

Tutuloy ba ako?!



Photo Source here.

PAALALA

Ang nilalaman ng blog na ito ay pawang opinion lamang ng may akda. lahat ng imahe, larawan o litratong nandito ay halaw sa iba't ibang 'website'. Kung may mga larawan kayo at nais niyong ipatanggal, marapat lamang ipagbigay alam sa may akda. Maraming salamat.