
Kahit andito ako sa Saudi, hindi ko pinalampas ang pagkakataong bigyan ng kakaibang surprise si Siopao sa special na araw sa aming buhay.
8 years na kami!!
(clap! clap! clap!)
At dahil malayo ako, dito ko na ginamit ang charm ko... hahaha! inalila ko ng slight ang mga kaibigan ko, yung iba medyo mahal ang talent fee, pero dahil kaibigan nila ako hindi na sila naka-tanggi.
I first approached my friend Myk na hanapan ako ng flower shop na bukas hanggang gabi para magpa-deliver ng flowers sa office ni Siopao. Ang ending, nag volunteer na siya na ang maghahatid ng mga bulaklak. Hindi na ako nagpakipot pa, at tinodo ang request.
From Valenzuela, pumunta ng Dangwa at dumeretso sa McKinley, dala ang paso ng bulaklak. Yes, may paso, kulang na lang picture frame, diretso na ng Loyola. Hahaha!
Dumating si Myk sa office niya bandang 8:30 ng gabi. Habang tinatawag ng guard si Siopao, tinawagan na ako ni Myk para diretso ko ng maka-usap at ma bati.
Yes, IDD ito, ang yaman ni Myk, nagtatapon ng airtime minutes. LOL
Si Siopao naman, tawa lang ng tawa sa phone, at parang nahihiya pang may isang paso siya ng bulaklak. Hahaha!

Sumunod kong ginamabala si Jepoy, kailangan ko ng may pumunta sa Yellow Cab para mag maka-awa na gawan ako ng pizza na hugis puso. Buti na lang at maaga ang labas ni Jepoy sa office, at dahil I sound hopeless na, willing naman si Jepoy mag participate sa kabaliwan ko. Hahaha.
Naka set, alas-11 ng gabi i de-deliver sa office ang pizza. Kuwento ni Siopao, that same guard na tumawag sa kanya about sa flowers, siya din ang lumapit ulit para sabihing may pizza delivery. Ramdam kong tuwang-tuwa si Siopao. Installment basis ang surprise ko for him. Mas natuwa siya nung nakitang hugis heart ang pizza.
Sa 8 taon naming magkasama, first time ko siyang binigyan ng bulaklak, at first time ko ding i-surprise siya sa office na hindi ako nabubuko.
Na realize ko, ma-iksi pa ang walong taon na kasama ko siya, madami pa akong hindi nagagawa para sa kanya. Gusto ko pa siyang bigyan ng fireworks na kami lang nanunuod. Gusto ko siyang batiin ng Happy Birthday sa pamamagitan ng Billboard sa EDSA, O di kaya isang buong page sa diyaryo.
Hindi pa akong nagsasawang pasayahin siya at makitang masaya, naniningkit ang mata, at pumalakpak.
Sa aking Siopao, makaka-asa kang hindi natatapos sa bulaklak at sa hugis puso na pizza ang lahat. Kulang ang mga bilang ng Pepperoni sa pizza sa mga bagay na nais kong gawin kasama ka. Hindi tulad ng paso, hindi kailanman mababasag ang pangako kong aalagaan kita at mamahalin habambuhay, sampu ng iyong pamilya (yes, sampu lang sa pamilya ang kaya ko. LOL)
Salamat sa 8 taong na pag-iintindi, pag-aalaga at pag-papasaya sa puso ko. Sa pagmamahal mo na hindi lamang napunta sa akin kundi pati sa mga kaibigan ko at sa pamilya ko. Sapat na yun para mahalin kita higit pa sa letrang pwedeng i-accommodate ng blog na 'to.
Sa iyo ang aking pagbati at ang aking puso.
Nagmamahal, Charo. (LOL)
Ayan, nag sesebo na ang post na 'to dahil sa sobrang cheesy ko na. Enough na.

KTHNXBYE!