
Kahit andito ako sa Saudi, hindi ko pinalampas ang pagkakataong bigyan ng kakaibang surprise si Siopao sa special na araw sa aming buhay.
8 years na kami!!
(clap! clap! clap!)
At dahil malayo ako, dito ko na ginamit ang charm ko... hahaha! inalila ko ng slight ang mga kaibigan ko, yung iba medyo mahal ang talent fee, pero dahil kaibigan nila ako hindi na sila naka-tanggi.
I first approached my friend Myk na hanapan ako ng flower shop na bukas hanggang gabi para magpa-deliver ng flowers sa office ni Siopao. Ang ending, nag volunteer na siya na ang maghahatid ng mga bulaklak. Hindi na ako nagpakipot pa, at tinodo ang request.
From Valenzuela, pumunta ng Dangwa at dumeretso sa McKinley, dala ang paso ng bulaklak. Yes, may paso, kulang na lang picture frame, diretso na ng Loyola. Hahaha!
Dumating si Myk sa office niya bandang 8:30 ng gabi. Habang tinatawag ng guard si Siopao, tinawagan na ako ni Myk para diretso ko ng maka-usap at ma bati.
Yes, IDD ito, ang yaman ni Myk, nagtatapon ng airtime minutes. LOL
Si Siopao naman, tawa lang ng tawa sa phone, at parang nahihiya pang may isang paso siya ng bulaklak. Hahaha!

Sumunod kong ginamabala si Jepoy, kailangan ko ng may pumunta sa Yellow Cab para mag maka-awa na gawan ako ng pizza na hugis puso. Buti na lang at maaga ang labas ni Jepoy sa office, at dahil I sound hopeless na, willing naman si Jepoy mag participate sa kabaliwan ko. Hahaha.
Naka set, alas-11 ng gabi i de-deliver sa office ang pizza. Kuwento ni Siopao, that same guard na tumawag sa kanya about sa flowers, siya din ang lumapit ulit para sabihing may pizza delivery. Ramdam kong tuwang-tuwa si Siopao. Installment basis ang surprise ko for him. Mas natuwa siya nung nakitang hugis heart ang pizza.
Sa 8 taon naming magkasama, first time ko siyang binigyan ng bulaklak, at first time ko ding i-surprise siya sa office na hindi ako nabubuko.
Na realize ko, ma-iksi pa ang walong taon na kasama ko siya, madami pa akong hindi nagagawa para sa kanya. Gusto ko pa siyang bigyan ng fireworks na kami lang nanunuod. Gusto ko siyang batiin ng Happy Birthday sa pamamagitan ng Billboard sa EDSA, O di kaya isang buong page sa diyaryo.
Hindi pa akong nagsasawang pasayahin siya at makitang masaya, naniningkit ang mata, at pumalakpak.
Sa aking Siopao, makaka-asa kang hindi natatapos sa bulaklak at sa hugis puso na pizza ang lahat. Kulang ang mga bilang ng Pepperoni sa pizza sa mga bagay na nais kong gawin kasama ka. Hindi tulad ng paso, hindi kailanman mababasag ang pangako kong aalagaan kita at mamahalin habambuhay, sampu ng iyong pamilya (yes, sampu lang sa pamilya ang kaya ko. LOL)
Salamat sa 8 taong na pag-iintindi, pag-aalaga at pag-papasaya sa puso ko. Sa pagmamahal mo na hindi lamang napunta sa akin kundi pati sa mga kaibigan ko at sa pamilya ko. Sapat na yun para mahalin kita higit pa sa letrang pwedeng i-accommodate ng blog na 'to.
Sa iyo ang aking pagbati at ang aking puso.
Nagmamahal, Charo. (LOL)
Ayan, nag sesebo na ang post na 'to dahil sa sobrang cheesy ko na. Enough na.

KTHNXBYE!
22 ang naumay sa:
Wala ako masabi kundi WOW! Palakpakan! Ang sweet and cheesy ninyo, buti na lang hindi kayo pagkain. Nakakatuwa makakita ng mga taong tulad nyo na masaya. Happy Ocho sa inyo.
ang sweet..kainggit hhee..Happy 8th sa inyo! :)
naiyak ako sa kasweet-an :)
naluha daw ako sa entry na to? hahahaha.
happy 8th sa inyo :)
eh bakit ako naiyak? ahahaha
(naiyak pero tumawa? ako na ang baliw! lol)
weeeeeeee :)
hangsaya naman..
hangsweeeet..
happy 8th!!
Haaay How sweet! dahil sa inyo kaya di ko maituloy pagiging straight ko kasi umaasa ako makakakita rin ako ng siopao/bunwich ko! choz hahaha
Happy 8th! more power amor powers! lol love love love
Kayo na! Kayo na ang keso!
Yaya!!! Where's the atsara? I'm getting umay na here!!!
Seriously though, happy 8th anniversary (and 96th monthsary) to you two. Talagang first love never dies. :)
very touching. lavvett! stay in love! :)
waw... 8 great years... :)
Nakakainggit. :)
Pero alam ko, kaya rin naming umabot ng 8 taon..o higit pa:)
Congrats sa inyo... nainspire naman ako:)
PS. Salamat din kay jepoy dee...:)
ang sweet sweet naman! congrats to both of you!!!
kinikilig ako siyet!!!kakainis asan ako at now ko lang nabasa na may entry ka pala!LOL
congrats sa inyo more powerness!
naghibi ko pero gamay man lang ah...
ka-sweet sang mga ilonggo ah... hay...
8-the infinite number...
happy 8th to you!
ahay :) this is just the sweetest. haaayyy... :)
awww....
nagfog ang glasses ko... :)
So happy for both of you. Happy 8th!
happy 8th... more 8th.. to come!!!
Nakakakilig much! Tissue nga!
Wow! Nabanggit ang pangalan ko sa makasaysayang blog na ito. Kung kaya kong gawin sa ibang tao paano pa kaya kung magkajowa na ako? haha! Happy 8th!
Hi dude,
It's been a great pleasure reading and learning from your blog, not to mention, inspiring :) Keep up the good work, and more power to you and your siopao :D
secretdesires1227@gmail.com
happy anniv sa inyo! :)
happy anniversary sa inyo nga duwa. tani makakita man ko sang bunwich/siopao (watever nga pagkaon a) ko.
as you both know, there are thousands of guys like me, who've yearned their whole life for what you've both found. the two of you and the love you share is an inspiration for us.
i know that long-distance relationships are hard. but don't you guys dare give up! ...d**uta na gid ang kalibutan nga ini kung madula ang siopao/bunwich tandem.
more power to you guys
sobraaannnng sweet! sana magkaron din ako ng boyfriend na katulad mo.. iba ka bunwich! God bless!
Post a Comment