
A differential equation is a mathematical equation for an unknown function of one or several variables that relates the values of the function itself and its derivatives of various orders. Differential equations play a prominent role in engineering, physics, economics, and other disciplines.
(Nosebleed? Ilagay dito kung ilang cc ng dugo ang iyong nawala pagkatapos basahin ito.)
Feeling ko lahat ng ka-klase ko nung college will agree na ayaw namin sa subject na to. Kung tutuusin mas madali nga siya kesa sa ibang Engineering subjects namin. Pero pag oras na ng subject na 'to, lahat kami parang inaantok (parang kumain lang ng pagkain ng buntis..naaantok). TTh 12:1:30 ang iskeydyul. Di ba, kung kelan lahat excited sa siesta, eto kami at papasok sa giyera. Hahaha! Dati hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa namin sa combination ng letters at numbers... feeling ko naha-harass namin sila. Lipat dito, lipat dun, dagdagan ng letter, babawasan, bibigyan ng ibang value. Pauli-ulit. Kung babae lang ang number, ilang beses na siyang nagahasa ng lapis, papel, ballpen at sangkatutak na mura mula sa nag-pupumilit lagyan ng sagot ang test paper.
Pero hindi yan ang kwento ko. Eh, ano? Oh, 'wag atat eto na... Sino sa inyo ang hindi nakaranas mag "cheat" sa exam nung college? Ah ikaw? (ang linis mo!)... Huwag mong basahin ang blog na 'to, sa halip magsimulang mag novena. Busilak ka kasi!
Simulan na natin:
Maraming formula ang DE (Differential Equation), sa kadahilanang pati ang prof namin ay hindi din memorize ito, pwedeng mag lagay ng formula sa index card, open books, open notebooks,open zipper (joke!), Pero kahit ganun ang privilege na binigay sa'yo, kahit kainin mo ang buong libro, ilaga mo ang index card at inumin ang sabaw nito at kahit i-alay mo ang notebook mo kay St. Jude, pambihira ang exam namin sa DE.... isang malaking Multiple Choice (gusto ko lang ipaalala sa lahat na ang DE ay isang Math subject, at kung bakit multiple choice ito, hindi ko din alam).
Bawat number ng test paper may equation at may tamang sagot sa gilid. Ang mga choices, True, False, Infinite, None. Mas lagot pag ang huli ang sagot mo, kailangan mong ipakita ang solusyon bakit di ka sang-ayon sa naibigay nang sagot sa taas. (At dahil diyan nagsimula na akong tumawag sa Red Cross, pra magpadala ng representative kasi for sure madaming dugo ang mawawala sa akin).
Para ma siguradong papasa sa exam, sangkatutak na paraan ang ginagawa.
Una, ang "Asal Girrafe", yan ang sadyang pag papahaba sa leeg para makita ang papel ng katabi, swertihan lang kung ang papel na tinitingnan ay may matinong sagot. Normally, mga drawing at mura ang maaabutan mong nakasulat pagkatapos mong mag exert ng effort mag asal-girrafe. (Note to self: Huwag kopyahin ang pangalan ng katabi, eto ang sisira sa napipintong tagumpay)
Pangalawa, "BIG Swap", yan ang mabilisang pagpalit ng papel sa katabi, pero para maging successful ang paraang ito, kailangan ng masinsinang pag pili ng "cheating arrangement"...ay sitting arrangement pala. Siguraduhing matalino,mapagbigay at gwapo. (Pwedeng i-ignore ang pinakahuling consideration, hindi yan ang priority pag exam). Paano gagawin ang the "BIG Swap"? Kailangan ng alertong pag-iisip at pagmamatyag. Itaon na ang teacher na bantay ay parang nasa kalagitnaan ng pag ka-antok at pilit na pag-gising. Sa oras na dinuduyan na siya ng antok, ipagpalit ang papel sa katabi, o di kaya mag hulug-hulugan ng test paper sa sahig ng sabay. Hindi magiging successful ang technique na ito, kung nataong ta-tanga-tanga ang katabi. Sa ganyang lagay, magismula ka ng hugutin ang rosaryo sa bag at tawagin ang mga santo... humingi ng milagro!
Pangatlo, "Alay Lakad", bilang mga Engineering Student, kahit ang pinakamatalino sa klase ay may tinatago ding kagaguhan deep inside, mas malaki ang chance niyang hindi mapagbintangan pag nagka hulihan man dahil sa taglay nitong reputasyon.Siya ang pinaka-hulihulihang uusigin. Magsisimula ang "Alay Lakad" sa kanya, ang pinaka matalino sa klase, sa pamamagitan ng kanyang sapatos, siguraduhing hindi nagngangamoy ito, para hindi ma trace ang pinang-gagalingan, ilalagay ang papel na may sagot at unti-unti itong itutulak sa sahig papunta sa kabilang row o column. May limitasyon ang ganitong technique dahil hindi ito pwede sa mga naka-upo sa harapan. Bawat miyembro, ay mag-iisip na ng kanya-kanyang diskarte panu maka yuko at makuha ang nilalaman ng sapatos. Para sa karamihan ang sapatos ang pinaka importanteng bagay sa mundo sa panahon ng exam. Maaring i-claim ang sapatos pagkatapos na ng exam, masyadong risky kung sisikapin pa itong ibalik sa base.
Pang-apat, "Secret Mesage" Mga kakailanganin: Technical Pencil pero walang lead na nakalagay, yellow pad, at 20/20 vision. Magsisimula sa paglagay ng sagot sa malinis na yellow pad gamit ang technical pencil na walang lead, sa ganitong paraan magmamarka lamang ang mga sinulat sa papel, at hindi ito mapagkakamalang may sulat. Pagkatapos, maging feeling "generous" sa pag bigay ng yellow pad sa mga katabi. Dito na papasok ang pagiging "cyclops" ng karamihan, sisikaping itatapat sa liwanang ang papel para makikita ang mga sagot na naka marka sa yellow pa. Ang taong medyo malabo ang paningin, ay pinapayuhan ng bumili ng RUBI blade para maka paglaslas na ito ng pulso. Imposibleng ma decipher ang hidden codes doon.
Pang-lima at pinaka effective. Babala, ito ay magagawa lamang kung (a) may history ng pagkatamad ang prof, (b) tamad ang prof at (c) tamad talga si prof. Malalman mo ito kung naging ugali na ni Prof ang mag "exchange papers" pagkatapos ng quiz/exam para i-check ang papel... kumpletong nakalagay ang "Corrected By:" sa dulo ng papel.
Pag na meet ang above mentioned considerations, ito ang pinaka madaling paraan sa ibang apat na nabanggit na, pero ito din ang pinaka boring na technique. Sa buong oras ng exam,wala kang gagawin kundi ang hintaying kung kelan ito matatapos, bawal sulatan ang test paper maliban sa pangalan. Refer to "Note to self" above. Pag oras na ng "exchange papers with your seatmate" ang bawat tamang sagot na binigay ay maaring isulat din ng kaklase sa blangko mong papel. S.O.P. na hindi ito gagawing perfect ang score para maiwasan ang anumang pagdududa mula sa prof. Mainam rin na magaya ang penmanship ng katabi para magmukhang authentic. Tandaan, bawal ito sa "exchange paper counter clockwise," ito ay isang malaking sagabal sa isang pangarap.
Kagaya ng mga sinasabi sa gamot, ang mga nabanggit ay hindi applicable sa lahat, sa halip pwede lamang kumuha ng isa o dalawang technique at sikaping ma gawa ito ng tama. Di ba nga Math is an exact science? Dapat sakto ang pagka-execute. Kailangan ng matinding praktis. Dry Run ang kailangan, gaya ng sa exam!
Photo Source here.